Chapter 6

2.9K 69 3
                                    

Reminder: Please support my story by hitting the "vote" button of this Chapter. Thank you po!

Chapter 6

Marissa's POV (Xander's mother)

"Gising ka pa rin hanggang ngayon, may gumugulo ba sayo?" tanong ko dito habang nakititig sya sa kawalan. Halatang malalim ang iniisip nito.

Tiningnan lang ako nito at muling binalik ang tingin sa kalawakan. Lumapit ako at umupo sa tabi nya.

"Nay, kaylan mo ba masasabi na mahal mo na ang isang tao?" nabigla ako sa tanong nya. Pero natutuwa ako dahil sya na mismo ang nagbukas nito para pag-usapan namin ito.

"Para sakin, kapag lagi kang masaya kung kasama mo sya, gusto mo sya laging nakikita, at kapag bumibilis ang tibok ng puso mo kapag malapit sya sayo o kaharap mo sya." Natatawa kong sabi.

"Bakit po kayo tumatawa?" tanong nito sakin.

"Bakit masama ba? Masaya lang naman ako para sayo dahil mukhang may babae nang nakahuli sa Xander ko!" sabi ko sa kanya.

"Sige nga, sino ba ang maswerteng babae?" pang-uusisa ko sa kanya.

Tumingin sya sakin na halatang-halata sa kanya ang pamumula ng mukha.

"Si Cielo po" Nabigla ako sa sinabi nyang pangalan.

"Iho, bakit sya pa?" malungkot na sabi ko dito.

"Alam ko po Inay, pero wala ehh, sobra ata akong natamaan sa kanya!"

"Masasaktan ka lang. Iho, pwede bang iba na lang, iwasan mo sya hangga't maari?" alam ko ang panganib na maari nyang kaharapin kung ipagpapatuloy nya lang ang pag-ibig nya dito.

"HINDI KO PO KAYA NAY." tumaas na ang boses nito.

"Hindi mo kilala si Don Frederico, ayokong mapahamak ka!" nag-aalala ko nang sabi.

"Pero Nay kaya ....

"GUSTO KONG IWASAN MO SYA ANAK! HABANG MAAGA PA, GUSTO KO NANG PUTULIN MO ANG NARARAMDAMAN MO SA ANAK NYA!" hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita pa at iniwan ko na sya kung saan sya nakaupo.

Third Person's POV

"Iho, pwede ba kitang makausap?" nilingon ni Xander ang boses ng taong nagsalita mula sa likuran nya at nakita nya si Don Frederico na may hawak na baston sa kaliwang kamay.

Sabado ngayon at nasa hacienda sya ng mga Villazar, tuwing sabado at linggo kasi ay nagtatrabaho sya sa hacienda para na rin sa dagdag allowance na binibigay nito sa kanya. Kinuha nya ang towel mula sa balikat at pinunas ito sa mukha at katawan.

"Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" magalang na tanong nya.

"Didiretsuhin na kita, hindi ko gustong napapalapit ka sa anak ko Xander. Simula ng dumating sya dito, puro pangalan mo nalang ang bukam-bibig nya." simula ng Don. Kinuyom ni Xander ang kamao nya sa galit dahil alam na nya ang gusto nitong iparating.

"Mataas ang pangarap ko sa kanya, sya din ang magmamana ng buong hacienda Villazar, mabait na bata ka naman, at maganda ang relasyon namin ng mga magulang mo, maganda rin ang re...

"Mawalang galang na, pero ano po ang gusto nyong sabihin?" sabi ng binata sa Don. Bigla namang natawa ang matanda sa sinabi nito.

"Gusto kong layuan mo sya! Wala kang maipapakain sa kanya kundi puro kahirapan lang, hindi kayo pwede! Hindi ka pwede sa kanya! At sana hindi ito ang magiging dahilan kung bakit magkakasira kami ng mga magulang mo!" mahabang litanya ng Don.

One Poor Prince (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon