Chapter 8 - Denial

2.8K 72 1
                                    

Reminder: Please support my story by hitting the "vote" button of this Chapter. Thank you po!

Chapter 8 - Denial

Cielo's POV

"Let's go, iuuwi na lang kita!" rinig kong sabi ni Jacky although hindi ko sila nakikita dahil nga nakatalikod ako sa kanila.

"Hindi pa ako pwedeng umalis." - Xander.

"Bakit naman? Hindi mo ba nararamdaman na hindi maayos ang kalagayan ng kamay mo?" Medyo tumataas na ang boses ng babae sa likod nya.

"Hindi pa nya ako tapos gamutin" hindi man nya makita ay alam nyang nakatitig lang sa kanya si Xander.

"Tell me" naglakad palapit sakin si Jacky at humarap sya sakin. "Hindi ka pa ba tapos sa boyfriend ko?"

"JACKY!!" - sigaw ni Xander.

I forced myself to remain calm and still and I manage to face her and talk to her.

"Yes, we're done already, pwede mo na syang iuwi para makapagpahinga na rin." Sabi ko sa kanya. For another time around, I was hurt.

Hearing those words claiming that Xander is hers, I felt like something that's inside me is dying.

"Well then, thanks for taking care of him. Ciao!" I just gave her a smile and then walk towards Jason and Rico's place to hide this unbearable feeling. Ito na naman eh, I was used to it. Pero bakit kapag sya na ang nasa sitwasyon, nasasaktan ako knowing na sinabi nya saking hindi nya naman ako gusto.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Rico sakin.

Inayos ko ang mukha ko at hinarap ko sya. "Oo naman nu, why wouldn't I" sagot ko sa kanya.

.....

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at gumagawa ng assignment sa isa sa mga subject. Naiisip ko lang, first year ko pa lang dito pero sobrang dami na agad ng mga ginagawa, plus pa na hindi basta-basta ang kurso na pinasok ko.

At first, hindi talaga medisina ang gusto kong kunin na kurso, it's just that, nung namatay ang Mommy dahil sa sakit nya na cancer, that was the time when I promised her that someday, I will be a doctor that will cure patients who are suffering the same illness that my mother had suffered.

At gagawa ako ng paraan para madugtungan ko pa ang buhay nila, hindi ko man ito nagawa kay Mommy, atleast, gagawin ko to sa mga cancer victims.

*BEEEEEEEEEPPPP* narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha. Hindi naka register sa phone ko ang number na lumabas sa screen nito.

From: 090********

Hi.

Dahil wala naman syang pangalan at hindi naman ito nagpakilala, hinagis ko na lang ito sa dati nitong pinaglalagyan at pinagpatuloy ko ang pagbabasa.

Maya-maya pa ay narinig ko ulit itong tumunog.

From: 090********

Hi Cielo, it's me Jason.

Nilagyan ko na ng pangalan ang number nya then I replied.

Me: "ikaw pala yan, akala ko naman kasi kung sino. May kailangan ka ba?" reply ko sa kanya.

Jason: Wala naman, bakit dapat ba may kailangan kapag nagtetext? Hindi ba pwedeng nangangamusta lang?" reply sakin nito.

I replied to him with the smiley face.

Jason: "Yayayain sana kitang maglunch bukas, sabay tayo kung okay lang sayo"

Me: Libre mo?"

One Poor Prince (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon