Chapter 35

2.3K 67 0
                                    

Chapter 35

"STOP THAT PDA MIKE!"

Suddenly, parang bigla namang huminto ang pag-ikot ng mundo ko nang makita ko sya. Nang magtama ang tingin naming dalawa.

Ngayon nga ay kaharap ko na sya. But it is obvious, it can be seen, through his cold brown eyes, wala kang kahit anong emosyon na mababasa sa mga mata nito. He's showing this blank face again.

Nakita ko na lumapit si Mico dito. Gamit ang kanang kamay ay kapwa nag-salubong ang mga kamao nito.

"Yosh Pare! Kamusta ka na, long time no see!" niyakap nya ito habang si Yosh naman ay hindi tinatanggal ang tingin sa akin.

Nakakatakot ang mga iyon, yun bang hindi mo nanaisin na tingnan nito kahit ba sya pa ang pinaka-gwapong nilalang sa balat ng lupa.

"Sya nga pala, I want you to meet my number one model and my soon to be wife....

lumapit sakin si Mico at hinawakan ako sa kanang kamay then lumapit kami dito.

...Cielo" sabi nya habang nakangiti.

"Really? Kung ako sayo, pakasalan mo na agad, baka biglang umalis pa." makahulugan nitong sambit and then he smiled sarcastically.

"Ahahahah hindi mangyayari yun dahil ikukulong ko sya sa pagmamahal ko"

"Kahit gaano pa sya ikulong, kung wala syang tiwala sayo, balewala din yan." sagot ulit nito sa banat ni Mico habang hindi nito inaalis ang mga titig sakin. Alam ko na ako ang pinatutunguhan nito at hindi ko rin naman sya masisisi. Totoo naman, hindi ko sya pinagkatiwalaan at iyon ang malaking bagay na hindi ko nagawa.

"Alam mo ikaw? Wala ka pa rin talagang pinagbago. Masyado ka pa ring seryoso. Kaya tignan mo, wala ka pa ring stable na relationship."

Magsasalita pa sana ito pero napatingin si Yosh sa likuran nito ng may tumawag sa kanya.

"DAAAAAADY!" boses ng mga bata

Tumalikod sa kanila si Yosh upang mabaling ang kanyang atensyon sa mga tumawag sa kanya.

Oh god!! Her heart suddenly filled with happiness seeing their children habang tumatakbo ang mga ito palapit sa Daddy nila.

Sa mga sandaling iyon ay wala syang ibang gustong gawin kung hindi ang yakapin ang mga anak nya na sa loob ng tatlong taon ay hindi nya nakita.

Nakita pa nyang nagpapabuhat ang isang bata at kinarga nya naman ito.

"Ako din Daddy!" nangingiting sabi pa nang isa habang nagtatatalon sa sobrang saya. At ginawa din nya. Ngayon nga ay karga-karga na nya ang dalawang bata.

"We'll go ahead" Yosh said ng makaharap na ito sa kanila. Sa kanya unang tumama ang mga tingin nito ulit.

"Grabe pare, malalaki na ang mga anak mo ahh. At bang gagwapo pa, mana sakin"

Magkakunot ang noo nito na tingingnan si Mico at tumanggap lang naman ito nang katakot-takot na tingin.

"Biro lang, kaw naman, sabay na kami sayo"

"HINDI PWEDE" mabilis na sabi ni Yosh.

"What? Eh kaya mo nga ako sinundo di ba?"

"Tsssssk!"

"Daddy baba po ako."

Nakita ko naman na parang nabigla si Yosh sa sinabi ng anak nito. Hindi na nito hinintay pa ang sagot ng ama dahil nga nakababa naman agad ang bata.

One Poor Prince (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon