Chapter 15 - Mall

2.5K 89 1
                                    


Reminder:
Please support my story by hitting the "vote" button of this Chapter. Thank you po!

Chapter 15 - Mall

"Mommy, sino po ang hinihintay natin?" tanong sakin ni Zian.

"Yung pinaka-boss ng building na to baby. Sya yung kailangang kausapin ng Mommy." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Agad namang nanlaki ang mga mata nito. "Talaga po? Siguro napakayaman nya, ang laki po kasi nito

ehh. Gusto ko po Mommy ng maraming-maraming cars" sasagutin ko pa sana sya pero hindi ko na ito natuloy ng may biglang lumapit samin na lalaki

"Mam Cielo, the CEO is free now and you may now enter his office, but I'm afraid..." huminto ito saglit at tumingin kay Zian. "You have to leave your child here" sabi nya sakin.

"Baby, mommy needs to go inside that office, you just have to wait for me here is that understood?" sabi ko sa kanya.

"Yes mommy" nakangiti lang na sagot nito.

"After that mommy, let's eat in Jollibee po" maliit ang boses na sabi nya.

"Okay baby, wag kang aalis dito hah" tumayo na ako at inayos ang sarili ko saka tinungo na ang daan patungo sa pintuan ng opisina ng tao na kaylangan kong kausapin.

Kumatok muna ako saka ko pinihit ang doorknob nito. Kung malamig dito sa labas ay mas doble pa ata ang lamig dito sa opisina nya. Grabe lang, ganun ba talaga kapag sobrang yayaman. Hayysst

Bumungad sakin ang isang napakaluwag na opisina at talaga namang wala akong masabi sa sobrang ganda ng pagkakagawa at ng design. May nakita akong isang pa-oblong na table na may sampung upuan na nakapaligid dito. Sa kabilang sulok naman ay mga lagayan ng libro. Very classical ang tema ng opisina nya at talagang nagpapakita ito ng authority ng kung sino man ang nagmamayari nito.

Nagpatuloy pa ako sa paglalakad at nandito na nga ako sa center table nito. Mula doon ay nakita ko ang pangalan na nakasulat "Jayden Yosh Montereal" CEO at ang ang isang upuan na nakaharap sa labas ng building.

"What can I do for you?"

Nabigla ako sa boses nya na sobrang pamilyar sakin. Bigla akong kinabahan, as in yung sobrang lakas na kabog ng dibdib ko ngayon. Para bang may mga nag-uunahan sa loob nito. Ito yung boses na kung saan muling nakapagpabalik ng aking mga masasayang ala-ala way back five years ago.

O my god! Bigla kong naisip na nasa labas lang pala si Zian. Paano na lang kung makita nya ito. Hindi maari ito. Kaylangan ko nang makaalis.

At mas lalo akong naestatwa at hindi na nakapagsalita ng humarap na ang tao na nakaupo dito. His eyes, face, nose, all of him, its him, that's him. "Xander." Sambit ko sa mahina at mababang boses.

"Alam ko talaga na darating ka, sabi ko na nga ba na kahit na saang lugar ka man, basta ang hacienda nyo na ang usapan, lalabas at lalabas ka sa pinagtataguan mo. Tama ba? Cielo."

"Hindi ako nagtatago!" pambawing sabi ko sa kanya.

"Whatever you call it, Cielo" raging look is seen on his face.

"So what now?" nakakaloko nyang tanong.

"Ang hacienda, ikaw ba talaga ang bumili?" - ako.

"Ako nga, bakit?" tumayo sya at umalis sya sa lugar kung nasaan ang table nya at lumapit sakin. bigla akong kinabahan sa ginawa nya. "Don't worry, dahil papagandahin ko lang naman ang hacienda mo, gagawin kong resort at...." He paused "... at pasugalan?" bulong nya sakin.

"Balak kong bilhin ito mula sayo!" diretso kong sabi sa kanya.

"Sigurado ka ba? Sa tingin mo ba ay kaya mong bilhin ito mula sakin? Gigibain ko at papatayuan ko ito ng Resort at Casino!"

One Poor Prince (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon