Chapter 26
"Daddy, hanapin mo po ang Mommy ko!" Zian said while sobbing and crying.
"Hinahanap na sya ng Daddy anak, I'm doing the best I can, and for sure, she won't leave us, mahal na mahal ka ng Mommy di ba? Mahal nya tay...."
Napaisip sya sa isiping pati nga rin ba sya ay kasama sa pagmamahal nito.
"XANDER!!!!" Napahinto sya sa paglalakad ng marinig ang boses na tumawag sa pangalan nya.
"MOMMMMY!!!" malakas na sigaw naman nitong anak nya na agad bumaba sa pagkakabuhat at ngayon nga ay tumatakbo ito papalapit sa boses na pinanggalingan niyon.
"Bakit ngayon ka lang po dumating, kaganina pa kita hinihintay" sambit ni Zian.
Nanatili lang si Yosh na nakatalikod sa kanila. Pinapakinggan at pinapakiramdaman nya lang ang mag-ina.
"Yosh!" narinig nya uling tawag nito sa kanya. Dahan-dahan ay hinarap na nya si Cielo only to find out na nakalapit na pala ito.
"Patawad kung gabi na ko nakauwi, galing kas.....
Hindi na nito ito pinatapos sa pagsasalita dahil agad nya itong niyakap.
......
Wala syang masabi sa ngayon at sobrang bilis ng tibok ng puso nya sa mga sandaling ito. Bigla kasi syang niyakap ni Yosh ng sobrang higpit. Masayang-masaya sya dahil parang bumalik ang dating yakap sa kanya ng lalaking minsan na syang minahal.
"Sa susunod, bawal ka nang umalis ng hindi ako kasama" He whispered to her. Unti-unting lumuwag ang pagkakayakap ni Yosh, though ayaw pa nya, ay kaylangan nya na ring humiwalay.
"Ayokong magising na lang ako isang araw na tinakasan mo na pala ako! Dapat magpaalam ka muna sa anak natin" yun lang at iniwan siya nitong nakanganga lang sa hangin. Wala syang ibang nagawa kundi ang tignan lang ito habang naglalakad papasok ng bahay nila. Hence, part of her was very happy and was rejoicing. Akala nya kasi ay susunggaban sya nito at sisigawan.
"Mommy, pasok na po tayo, inaantok na ko" pagkarinig nya sa anak ay agad nya naman itong hinawakan sa kanang kamay at naglakad na rin sila papasok.
.......
"EH BAKIT KAYLANGAN KASAMA PA AKO! KAMI??? UMALIS KA NA LANG MAG-ISA!" pagmamatigas nyang sabi.
"Hindi nga pwede, kaylangan kasama ko ang anak ko doon, at hindi sasama sakin si Zian kung hindi ka rin naman kasama!"
"E DI WAG MONG ISAMA SI ZIAN, PROBLEMA BA 'YON?"
"Hindi din pwede, gusto syang makilala ng mga investors sa Japan" - Yosh
"O sya, sige, sasama kami ng anak mo, sa isang kondisyon" this time, mahina na ang boses nya. Parang biglang may naisip kasi syang hingin dito. Actually, she's craving for it.
"What's that?" nagtatakang tanong sa kanya ni Yosh.
"Nagugutom na kasi ako ehh, handaan mo muna ako ng singkamas na may suka at asin, saka itlog na maalat na may green na kamatis, saka haluan mo na rin ng kalamansi" napupungay na mga matang sabi nya dito. Kanina pa sya natatakam sa mga sinabi nyang pagkain talaga.
Tapos na rin naman syang mag-agahan, so its okay kahit na iba-ibang pagkain na ang kakainin nya.
"WHAAT? EH KAKAKAIN MO PALANG NG AGAHAN AHHH!" malakas na sambit ni Yosh
"Kung ayaw mo edi wa.....
"DAMN!!!!!!!" wala na syang nagawa kundi ang tumalikod para mag-utos sa isa sa mga katulong nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/30747558-288-k829349.jpg)
BINABASA MO ANG
One Poor Prince (Book 2)
RomancePag-iibigang masusukat ng pagkakataon at susubukin ng maling panahon. A story of love, lies, separation, revenge and destruction. Xander is Cielo's One Poor Prince. Credits to @ODRICA for a very beautiful book cover and illustration.