Chapter 43

2.5K 74 0
                                    


Chapter 43

"FVCK!"

Sandali ko syang binitawan at tinanggal ko ang suot kong coat at long sleeve pagkatapos ay isinuot iyon sa kanya.

Kanina pa sya nanginginig sa sobrang lamig daw ngunit sobrang init naman ng katawan nito.

Sa pagkataranta ko ay hindi ko na alam kung ano nga bang dapat ko pang gawin.

Nag-dial ulit ako sa cellphone, baka sakaling may signal. Halos magkakalahating oras na rin kami ditong stranded. Buti nalang at tumigil na ang mga pagsabog.

SH*T LANG! WALA PA RIN. Tumayo ako at lumapit sa pinto ng elevator.

"MAY TAO BA DYAN! KAYLANGAN KO NG TULONG BUKSAN NYO TO!" Hindi sapat ang suntok at sipa na ginawa ko dito dahil wala pa ring nangyari.

"XANDER!" narinig ko syang tumawag na may halong panginginig.

Kaagad ko syang dinaluhan. "Cielo! Hintayin mo lang, mailalabas din kita dito." sabi ko sa kanya.

"MALAMIG, Sobrang lamig" sa totoo lang ay gusto ko na ring bumigay. Sa ganitong kalagayan nya ngayon na hindi ko na alam kung ano ba ang dapat gawin. Hindi ko kaya na nakikita ko syang nahihirapan. Kapag nagtagal pa kami dito ay baka may masama nang mangyari sa kanya.

Tinanggal ko na rin pati ang suot kong pantalon at isinuot iyon sa kanya. Pagkatapos ay kinulong ko sya sa mga bisig ko.

"Oh God, wag mong hayaan na may masamang mangyari pa sa kanya! Hindi ko na kakayanin" pagdadasal ko pa. Mas kinulong ko pa sya, hinigpitan at nilapit pa sa katawan ko, hindi man ako sigurado pero baka makatulong din 'to.

Maya-maya pa ay malalakas na kalampag at tunog garena ang mga narinig ko mula sa pintuan ng elevator.

Nang tuluyan ng mabuksan ang pinto ay mabilis akong tumayo karga-karga ang nanginginig nyang katawan.

Hindi na nya alam kung ano ang mga sumunod na nangyari sa labas dahil mabilis syang tumakbo papunta sa sasakyan upang madali ito sa pinakamalapit na ospital.

........

Unti-unting idinilat ni Cielo ang mga mata nya. Sa una ay malabo pa pero unti-unti din namang nagliwanag and everything went clear.

"Nasan ako" iyon agad ang tanong nya sa sarili. Una nya agad naramdaman ang isang mabigat na bagay sa parteng tyan nya.

Nang tumingin sya sa gilid ay nakita nya si Yosh na nakahiga habang nakapatong ang isang kamay nito sa tyan nya. Mahimbing itong natutulog. Binantayan kaya sya nito ng magdamag?

Inalala nya ang mga huling nangyari. Tama! Nasa elevator sila at may mga sumabog pagkatapos ay nasira ang elevator, hinawakan sya nito at wala na syang maalala.

"Sobrang mahal na mahal kita" sabi niya sa isip habang nakatingin dito. At dahil nga sa nagugutom na sya ay napagpasyahan nyang tumayo na.

Medyo gumaan na rin ang pakiramdam nito. Ilang oras nga ba syang tulog? Nang tumingin sya sa wall clock ay sampung minuto na lang bago mag-6 ng umaga.

Kung hindi sya nagkakamali ay nandito sya sa ospital. Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay ni Yosh sa tyan nya para hindi ito magising.

Nanghihina man ay naglakad na sya palabas. Bibili na lang sya ng mga pagkain nila para kapag nagising ito ay sabay na silang mag-breakfast.

Nagtanong-tanong sya ng daan papuntang canteen, at buti na lang ay hindi naman pala ito kalayuan. Medyo maraming mga tao na rin pala sa gantong oras.

One Poor Prince (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon