Reminder: Please support my story by hitting the "vote" button of this Chapter. Thank you po!
Chapter 9 - Feeling
Cielo's POV
"At paano mo nalaman na ako to?" pagsusungit ko sa kanya. Sinabi nya yon even without removing the book covering his face.
"Don't answer my question with another question" lumapit pa ako sa kanya pero sya naman ay nanatiling nakahiga lang at hindi man lang nag-abalang umayos ng upo. Well, what's new.
"Even if you keep on pushing me away from you, this time, I will no longer listen to you, because I will only listen to my heart." Mas lalo pang lumakas ang tibok ng puso ko ng humiga na rin ako sa tabi nya at niyakap ko sya gamit ang kanang kamay ko. Hindi ko alam kung saan nga ba ako kumuha ng lakas ng loob para gawin ito. Xander is still showing no reaction with my actions kaya naman mas humilig pa ako sa malalapad nyang dibdib. Buti na lang at tago itong lugar na 'to kaya wala masyadong dumadaan o napapadpad na mga estudyante.
Naramdaman ko syang gumalaw, tinanggal na nya ang libro na nakatakip sa mukha nito and I know that he's now staring at me.
"Tell me, sasagutin mo ba ang lalaking yon?" he said.
Natuwa naman ako sa tanong nya at agad akong nakaramdam ng sobrang kilig dahil sa tanong nya.
"Sino?" tinaas ko na rin ang paningin ko sa kanya na sya namang pag-iwas nya ng tingin.
"Tssss! Maang-maangan." Pabalang nyang sabi.
"Sino nga? Hindi ko naman alam ehh" natatawa kong sabi. Sa totoo lang eh kilala ko na kung sino ang tinutukoy nya. Kunwari lang na wala akong alam.
"Yung unggoy!"
"Maka-unggoy ka naman! Ang gwapo kaya non"
"Ehh bakit ka pala nandito?"
"Kasi mas-hot ka" pagbibiro ko sa kanya.
Nakita ko naman syang umirap sakin. Isa sa dahilan kung bakit ko sya nagustuhan ay dahil na rin sa mga ganito nyang inaakto. Yun bang huli na nga hindi pa umaamin. Nakikita ko sa kanya ngayon ang other side nya, yung hindi seryoso, hindi magagalitin, yung bang parang bata nyang side.
"Ayy wait" umalis ako sa pagkakahiga at umupo. Binilhan ko nga pala sya ng pagkain kanina bago ko sya hanapin dahil nga hindi man lang nya nabawasan ang mga pagkain na binili nya kanina.
Since dalawang naka-styro naman ang binili ko, sasabayan ko na rin sya.
"Hindi na 'ko nagugutom" sabi nya. bigla naman akong nalungkot dito. Hindi ba nya man lang alam ang salitang appreciate?
"Kumain kana, binili ko talaga to para sayo" pagmamakaawa ko pa.
"You heard me right!" matigas nya pa ring sabi.
"Okay! Bibigay ko nalang to kay Jason" akma na sana akong tatayo ng bigla nya akong hinawakan.
"Ayos ka din eh noh! Hindi mo man lang ako pipilitin! Akala ko ba hindi ka na makikinig sa mga sasabihin ko!" sabi nya sakin sabay kuha sa pagkain na hawak-hawak ko. Napangiti na lang ako sa ginawa nya. Kinuha nya ito sakin at sinimulan ng buksan ito. Sunud-sunod na subo ang ginawa nya. Tinitigan ko lang sya habang kumakain. Grabe langs, ang sexy pa rin nyang tignan, hindi man lang nawawala ang postura nya.
"Wag mo nga 'kong titigan." Sabi nya habang may laman ang bibig.
"Na-miss lang talaga kita" pag-amin ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
One Poor Prince (Book 2)
RomancePag-iibigang masusukat ng pagkakataon at susubukin ng maling panahon. A story of love, lies, separation, revenge and destruction. Xander is Cielo's One Poor Prince. Credits to @ODRICA for a very beautiful book cover and illustration.