Chapter 18

2.7K 80 1
                                    

Reminder: Please support my story by hitting the "vote" button of this Chapter. Thank you po!

Chapter 18 - JCVM

"DADDDDY!" sigaw ng bata habang mabilis na tumatakbo paakyat.

"DADDY! MOMMY! DADDY! MOMMY!" malakas na sigaw ng anak nila ang narinig ni Yosh sa labas ng pinto ng kwarto. Kaya naman kahit na inaantok pa ay pinilit nyang tumayo. Tiningnan nya muna ang katabi at mahimbing pa rin itong natutulog.

"Hindi ba dapat ako muna ang mahimbing na natutulog, wala kaya akong tulog!" sabi sa isip ng binata.

"DADDDY! MOMMMY!" rinig pa nyang sigaw ulit ng anak.

Nung binuksan nya ang pinto ay agad syang sinalubong ng anak kaya naman kinarga nya ito agad.

"What's with your shouting son?" wala itong sagot, pero ramdam nya ang mahigpit na yakap sa kanya ng anak.

"Heyyy heyy, your shaking! What's that for?" tanong nya ulit habang hinihimas ang likod ng bata para pakalmahin ito.

"Anak, sya na ba ang apo namin?" napalingon si Yosh sa pinanggalingan ng boses.

"Mom? Dad?" nabigla sya sa pagsulpot ng mga ito sa kanyang kwarto. Agad na nilapitan nya ang mga ito para yakapin.

"Tinakot lang naman sya ng Ate." Walang ganang sabi ni King.

"Magtigil ka nga hindi ko naman alam na nandito pala anak nya ehh"

Tinitigan nya ng masama ang dalawang kapatid.

"What???" maang-maangan na tanong ni Drew.

"Kaya pala!" nasabi na lang ni Yosh.

"Hey, baby, listen" sabi ni Yosh sa anak. "Look at them!" dahan dahang sinilip ni Zian ang tinuturo nito.

"They are family" nakangiti pang sabi ni Yosh. "She is my Mom, so she's your lola" pakilala ni Yosh sa Mommy nya.

"Come on baby." Pagkuha ni Yoshabel sa apo. Nung una ay parang ayaw pang sumama ni Zian, pero nung nakita nya itong nakangiti ay nagpabuhat na rin ang bata. May nakita pa syang matangkad na lalaki sa likuran ni Yoshabel.

"Daddy?" nasabi na lang ni Zian.

"Sya ang daddy ng daddy mo, magkamukha sila di ba? Sya ang lolo mo!" natatawang sabi ni Yoshabel dito.

"melabs, ang pangit pakinggan, parang matanda na tuloy ako" mas lalo pang lumapit si Jayden dito.

"Finally, new generation of Montereal" sabi nito dito habang hinihimas ang ulo niya.

Pinakilala pa ni Yoshabel sina King at Drew. Buti na lang at nakapalagayang loob agad ng bata ang mga ito kaya naman dinala na ng mag-asawa ang apo sa baba.

..

"Sya na ba yun?? Okay na ba ulit kayo? Nagkabalikan?" sunud-sunod na tanong ni Drew habang nakatingin sa mahimbing na natutulog pa rin na si Cielo.

"Of course not, why would i!" agad na depensa ni Yosh.

"Mahal pa rin kasi nya yung isa" - King. Yosh glared at him.

"Aray! What's that for?" bigla kasi syang binatukan ni Drew!

"Wag pride ang pairalin, kapag yan nawala pa at may kumuha, iyak-tawa ka na naman sa isang sulok!" mahinang sabi sa kanya ni Drew.

"Nag-usap na kami, at alam na namin kung ano ang gagawin namin sa isa't-isa!"

Tumalikod na si Yosh. "Mabuti pa at lumabas na kayong dalawa, hintayin nyo na lang ako sa baba, magbibihis lang ako!" agad namang sumunod si King.

One Poor Prince (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon