Chapter 28
"Excuse me , I'm looking for Cielo Villazar" pagkarating nya sa ospital ay ito agad ang pinambungad na tanong nya sa mga receptionist. May binuksan naman na folder ang babaeng nurse at may hinanap ito.
"I'm sorry Sir, but there's no Cielo Villazar in our list"
Natigilan naman sya sa sinabi nito at sandaling nag-isip.
"How 'bout Cielo Montereal?"
Tumingin ulit ito sa folder.
"Room 103 Sir" nagpasalamat sya pagkatapos ay dumiretso na sa sinabing numero ng kwarto. Kanina pa talaga sya hindi mapakali dahil sa sobrang kaba na nararamdaman sa dibdib.
Nasa tapat na sya ng kwarto na hinahanap nya. Nang buksan nya ito ay nakita nyang napalingon sa kanya si Zian na mag-isang nagbabantay doon.
Agad na tumakbo ito papalapit sa kanya habang sya naman ay yumuko para salubungin ito.
"Daddy!"
"O why are you crying?" nahabag naman sya dito. Halatang kanina pa ito umiiyak.
"Baka po hindi na magising si Mommy" naglakad pa sya palapit dito at binuhat ang anak just to pamper him
"Husssssh, stop it already, andito na si Daddy, walang masamang mangyayari sa Mommy okay, napagod lang sya" at ibinalik nya sa inuupuan nito kanina at saka pinunasan ito sa pisngi.
Tiningnan nya ang walang malay na si Cielo at hinaplos ito sa noo. Medyo wala na ang kaninang init nito.
Kinuha nya ang couch at inilapit iyon sa kama nito saka inihiga ang anak para na rin makapagpahinga na ito, malamang kasi ay kanina pa ito nagbabantay sa ina at mamaya nya na lang siguro pupuntahan ang doctor para malaman kung ano nga ba ang kundisyon ni Cielo.
Narinig niyang bumukas ulit ang pinto. At nakita nya ang pumasok na babae, ito siguro yung doctor na tumitingin sa lagay ni Cielo.
"Good to know that you're here already sir, you're the husband right?" nakangiti nitong sabi sa kanya.
Tumango naman sya dito.
"Follow me sir, I have some important matters to discuss with you about the patient" kung kanina ay kinakabahan sya, mas lalo namang dumoble ito ng marinig ang sinabi ng doktora.
"Kahit ano pa ito, hindi ko hahayaan na may masamang mangyari sa kanya" sabi nya sa sarili. Kahit pa maubos ang pero nya ay gagawin nya.
Sinundan nya ito hanggang sa makarating sila sa opisina ng doktor.
"Okay, to begin with, I'm Mrs. Co, half-Filipino, I assume na Pilipino ka din dahil sa anak mo kanina, ako ang kumausap sa kanya at ako na rin ang kusang lumapit sa kanila kanina ng marinig ko syang mag-tagalog"
"I'm Mr. Montereal, nice to meet you doc, at salamat sa pag-alaga sa mag-ina ko kanina" at nginitian nya ito.
"You're welcome sir, anyway, let's talk about the condition of your wife."
"First, congratulations because she's 4 weeks pregnant"
Yosh was shocked upon hearing the news.
"Daddy ulit ako?" Wala sa loob nyang sabi. He just can't process what's going on, pero isa lang ang nararamdaman nya, masayang-masaya sya ngayon knowing na magkakaanak ulit sila.
"But one thing you need to remember Mr. Montereal" nahinto sya sa pagiisip at napatingin sa kausap na doktora.
"It seems that her immune system is weak based on my examination a while ago, you need to make sure that everything is alright physically and emotionally. Hindi sya pwedeng ma-stess. Makakasama sa kanilang dalawa ni baby."
BINABASA MO ANG
One Poor Prince (Book 2)
RomansaPag-iibigang masusukat ng pagkakataon at susubukin ng maling panahon. A story of love, lies, separation, revenge and destruction. Xander is Cielo's One Poor Prince. Credits to @ODRICA for a very beautiful book cover and illustration.
