Chapter 30

2.8K 95 1
                                        

Chapter 30 - Poor Prince

"Manang buti dumatin..... hindi na natuloy pa ni Cielo ang sasabihin nya ng makita kung sino ang tao na nakatayo ngayon sa harapan.

"Yosh...... iyon lamang ang salita na lumabas sa bibig nya.

Pero nanatili lang itong nakatingin sa kanya. Parang may mali sa mga mata nya. Tanong nito sa sarili.

"Patawad kung umalis kami kagab...

Yosh ran as fast as he can and fill the gap between them at niyakap nya ito ng sobrang higpit.

"I'm so afraid, am really afraid" mahinang sambit sa kanya ni Yosh habang nakayakap ito sa kanya.

Sobrang saya nya sa mga sandaling ito. Kasabay ang pagkaawa dito dahil muli ay pinaramdam na naman nya dito ang sakit.

Masakit para sa kanya ang makita itong sobrang nasasaktan. She can bear all the pain, but not seeing him hurt and miserable.

"AKALA KO INIWAN MO ULIT AKO! THANK GOD YOU'RE H...

Hindi na natapos ng binata ang sinasabi nito dahil bigla na lang itong nawalan ng malay.

"Yosh? Yosh!!!!" halos hindi na sya mapakali dahil sa biglang pagbagsak nito.

Teka Cielo, doctor ka, alam mo ang gagawin. Kumbinsi nya sa sarili.

"Manang, Manang tulong"

Malakas na sigaw nya dito. Buti na lang at agad itong dumating.

"Ay ano po ang nangyari sa Senyorito?"

"Nahimatay po sya, itawag nyo po ako ng bodyguard para matulungan akong iakyat sya sa kwarto." Buti nalang at nawala ng konti ang pagkakataranta nya.

Tatlumpung minuto na ang nakakalipas simula ng mahimatay ito. Kanina pa rin sya papalit-palit ng bimpo sa noo nito at pinupunasan ang katawan para lang mapababa ang init ng katawan ni Yosh.

Kasalanan nya 'to kung bakit ito nagkasakit. Siguro kung hindi sila umalis kagabi ay maayos ito ngayon.

"Cielo" natigil ang pag-iisip nya ng marinig itong magsalita.

When she looked at him ay nakadilat na ang mga mata nito at nakatingin sa kanya.

"How do you feel?" she asked him. Buti na lang at gising na ito. Kanina pa talaga sya hindi mapakali.

"Anong nangyari?" nanghihinang tanong nito sa kanya. Akma sana itong tatayo pero bigla ay nakaramdam ito ng sakit sa ulo dahilan para himasin nya ang bandang noo nya.

Halata sa mga mata nito ang panghihina.

"Hinimatay ka kanina, four months pregnant ka rin" natatawa nyang biro dito.

Kahit na masama ang pakiramdam ay nagawa pa nitong titigan sya ng masama. Yung may pagbabanta. Ooops wrong move ka ata Cielo.

"Biro lang" - sya. Bigla nya ring binawi iyon.

"Nagugutom ako" maikling sabi sa kanya ni Yosh.

"Sige, I'll just go downstairs to get your food" akma na sana syang tatayo pero bigla syang hinawakan nito sa kanang kamay. Ayaw nya talagang mawala sa paningin nya ang dalaga. Takot na ulit syang maiwan. Handa nya nang kalimutan ang lahat-lahat basta lang hindi sya nito iwan mag-isa.

"Pakuha mo na lang, don't leave me here" nagtama ang kanilang mga paningin, mababasa sa mga mata nya ang pagsusumamo. Why does she feel this way. Sobrang bilis ng tibok ng puso ni Cielo ngayon.

Dahil sa pinapakita sa kanya nito.

Sa itaas ng lamesa nito ay may pinindot sya at ilang Segundo lang, may dumating nang katiwala.

One Poor Prince (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon