Chapter 3

3.2K 84 0
                                    

Reminder: Please support my story by hitting the "vote" button of this Chapter. Thank you po!

Chapter 3



Cielo's  POV


Sinundan ko na yung lalaki na ang pangalan ay MJ binuksan nya ang katabi ng driver's seat   "Salamat"  nakangiti kong sabi sa kanya at doon ako umupo.  Nakita ko naman syang umikot at sumakay na rin sya.  Mula sa likuran ay tinignan ko ang Xander na pangalan. 

Nakahawak pa rin sya sa kaliwang braso nya, marahil ay pinipigilan nya iyong pagtulo pa lalo ng dugo mula dito.

At nakatingin lang sya sa labas.  Grabe, nakakatakot ang awra nya na halata mong hindi siya gagawa ng mabuti, pero ang tangos lang ng ilong nya, ang ayos ng buhok nya na mas nagdagdag ng kagwapuhan nya at ganun din ang pagiging seryoso ng mukha nya.

"AYOKO SA LAHAT ANG MGA BABAE NA TUMITITIG SAKIN!"  para naman akong napahiya sa sinabi nyang iyon.  Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni MJ.

"Pagpasensyahan mo na sya Miss, ganyan lang talaga ang bestfriend ko"  hinging paumanhin nya.

"Ano nga palang pangalan mo?"  tanong nya sakin.

"Cielo."  Maikli kong sabi. 

"Beautiful name, nice to meet you Cielo"  sabi nito sakin. 

"Saan nga pala kita ihahatid nyan Xander!  Hindi ka pwedeng makita ng Nanay mo ng ganyan."  Rinig kong tanong nya sa gwapo pero seryosong lalaki sa likuran namin.

"Sasama muna ako doon sa bahay nyo."  Halata mong walang gana nyang sagot.

"MJ, pwede mo bang ihinto saglit ang sasakyan?"  Sabi ko sa kanya.  Nagtataka naman syang napatingin sakin. 

Pero agad naman nitong inihinto ang sasakyan nya.

"Why?  Is there's something wrong?"  pagtataka nito.

"Wala naman"  agad akong lumabas ng sasakyan nya at umikot patalikod.  Binuksan ko ang pinto ng kotse sa likuran at pumasok ako.  Nanlalaki naman ang mga mata ni Xander na tinignan ako pagkatapos ay kinuha ko ang braso nya na may dugo.

"ANONG GINAGAWA MO?"  mataas ang tonong tanong nya sakin.

"Don't worry, medicine student ako.  I know what I am doing"  sabi ko sa kanya.  Inabot ko ang bag ko sa unahan at kinuha ko sa loob nito ng maleta ang first aid kit ko.

"Pwede ba, kaya ko naman ang sarili ko!  Wag mo na akong hawakan!"

Pagkatapos non ay tumalikod sya sakin.  Binaling nya naman ang paningin nya sa labas ulit.

Pero syempre hindi pa rin ako nagpatalo.

"Pwede ba, wag nang matigas ang ulo mo!  Ikaw na nga itong gaga—

"Oopps, andito na tayo, bumaba muna kayo dyan"  pagpuputol sakin ni MJ.  Tiningnan ko naman ang hinintuang bahay.  Wow lang dahil ang ganda ng pagkakagawa nito.  may sa pagka-classical house sya pero halata dito ang pagiging moderno dahil na rin sa mga nag-gagandahang mga nakapaligid dito.

Nakita kong agad na lumabas si Xander.  Pinagbuksan naman ako ni MJ ng pinto at lumabas na rin ako dito.  Nauna na yung lalaki na pumasok sa mansion habang hawak-hawak pa rin ang sugat sa braso. 

"Kumain ka muna dito bago kita ihatid sa pupuntahan mo"  si MJ.


"Sige MJ, salamat" magkasabay na kaming pumasok sa bahay nila.

One Poor Prince (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon