Chapter 41

2.5K 64 1
                                    

Chapter 41

Maaga akong gumising para paghandaan sila ng almusal.

Tiningnan ko ang orasan at sampung minuto pa bago mag-six ng umaga.

Habang papalapit ako sa kusina ay unti-unti kong naririnig ang mga nagtatalong boses.

"AKO NA KASI"

"Hindi, ako na dapat"

"Ano ka ba, magagalit si Daddy"

"Talagang magagalit si Daddy kapag ikaw pa ang naghalo nyan"

Tanging mga boses lang ng kambal ang naririnig ko at hindi ko alam kung ano ang pinagtatalunan nila.

Nang hindi na 'ko makatiis ay lumabas na ako sa pinagtataguan ko.

Nang maramdaman nila ang aking presensya ay kaagad natigilan ang dalawa sa kanilang ginagawa habang nakatingin sakin.

"Good morning Mommy" bumaba si Travis sa upuan upang salubungin ako. Niyakap ko naman sya ng makalapit na ito sa'kin.

"Kamusta po ang tulog mo po?" - Travis

"Mabuti naman" sabi ko dito. Tiningnan ko naman si Parker pero patuloy lang ito sa ginagawa nya. Buhat-buhat si Travis ay lumapit ako sa lugar kung saan naroroon ang isa.

"Anong ginagawa mo?" pagtatanong ko dito.

"I'm cooking po" maiksing sagot nito sakin habang hindi inaalis ang atensyon sa ginagawa.

"Okay lang ba kung tumulong ako?"

"Ahh sige po Mommy, tulungan mo po kami mag-luto" masiglang sabi naman nung isa. Sinimulan ko na nga silang tulungan sa pagluluto hanggang sa matapos kami. Ang kambal ang nagluto ng Pancake at chocolate syrup nito, ako naman ay nagsanghag ng kanin, nagprito ng bacon, ham, at hotdog. Dahil nga may nakita rin akong mga prutas sa ref, ay sinama ko na rin yun sa menu.

Pagkatapos ay ang hapag naman ang inasikaso namin. Kapwa nagdala ang dalawa ng mga baso, kubyertos, at mga pinggan at magiliw nilang inaayos ang lamesa.

Ilang sandali lang ay bumaba na rin sina Yosh at Xander. Nakita kong niyakap ni Yosh ang dalawa at tumingin ito sakin sabay lapit at nagpakawala ito ng halik sa labi na ikinagulat ko naman dahil hindi ko inaasahang gagawin nya iyon.

Tanging kantyawan na lang ng kambal ang nakapag-pabalik sakin sa katinuan pagkatapos ay nagsimula na kaming mag-almusal.

Ayos na lahat at ready na nga silang pumasok. Isa ito sa pinakapangarap ko na mangyari, ang muli silang maasikaso. Ang paghandaan sila ng mga pagkain na pangbaon, mag-plantsa ng mga susuutin nilang mga damit, at ang maihatid sila sa eskwelahan.

Pagkatapos sa baba ay dumiretso naman ako sa kwarto ni Yosh upang paghandaan na sya ng kanyang mga susuutin habang naliligo ito.

"WHAT ARE YOU DOING HERE?" Isang galit na Yosh ang tumambad galing CR ang tumambad sakin. Pagkatapos nitong tingnan ako ay sinilip nya rin ang ginagawa kong pamamalantsa ng kanyang mga susuutin.

Dahil nga sa sobrang pagkagulat ko sa kanya ay aksidente kong nasagi ang mainit na parte ng plantsa dahilan para mapaawang din ako dahil sa paso na natamo ko mula dito.

Mabilis syang naglakad papalapit sakin pagkatapos ay mahigpit akong hinawakan sa braso.

"Listen, hindi ba malinaw na ang usapan natin na kaya kita dinala dito ay para makilala ka ng mga bata, sila lang ang dapat mong pakialaman, I'm not even giving you permission to enter my room, naiintindihan mo ba?" sa mga oras na ito ay wala akong ibang nararamdaman kundi sakit. Sakit sa mga salita na binitiwan nya. Hindi ko na sya hinintay pa na paalisin ako sa kwarto nya bagkus ay nagkusa na akong lumabas.

One Poor Prince (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon