Chapter 24

2.5K 74 0
                                    

Chapter 24 - Protected

(Warning: Rated SPG. Bawal BATA!)

"Dadddy!" malakas na sigaw pa ulit ni Zian. Agad na sinuntok sa mukha ni Yosh ang isang lalaki na nakahawak sa anak nito. Pagkatapos ay sinunod din nito ang isa pa. Tuluyan na ngang nagkagulo sa buong lugar nang mall kung na saan sila. Maging ang mga tao na dumadaan ay napapahinto na rin upang panoorin ang nangyayari.

Agad na dinaluhan ni Cielo ang anak at niyakap ito.

"Yosh tama na yan" pag-aawat ni Cielo dito pero patuloy parin ito sa ginagawang pagsuntok sa isang lalaki. Yung isa naman ay hindi na rin makatayo.

May nakikita si Cielo na papalapit sa kanila. Mga tauhan din siguro ito ng mall. Bigla syang kinabahan sa mga maaring mangyari. Yung iba dito ay mga security guard. Nakita nya ang isang lalaki na mula sa likod ay kinuha ang isang matabang kahoy na mahaba. Parang baseball bat.

Nag-flashback lahat nung nangyari at ginawa sa kanila ng Daddy nya lalong-lalo na kay Xander. Sa sobrang takot at kaba ay agad syang lumapit kay Yosh at niyakap ito sa likod ng sobrang higpit.

....

Dahil sa sobrang galit ay hindi na nya talaga ma-control pa ang sarili. Galit na galit sya dahil sa ginawa nito sa anak nya. Napahinto sya sa ginagawa nya nang may maramdaman syang yumakap mula sa likuran nya na animo'y giniginawa dahil sa panginginig ng buong katawan nito. Bigla nyang naisip si Cielo at ngayon nga ay naririnig nito ang bose na umaawat sa kanya.

"Yosh tama na please" bigla ay nagising sya. He scared her. Yosh tinakot mo sya. Agad syang humarap dito at niyakap ito pabalik to comfort her and to calm her.

"Son let's go." May nakita syang mga lalaki na papalapit sa kanila pero tinalikuran nya lang ang mga ito. Kaylangan nya munang maialis ang mag-ina nya sa lugar na 'to.

......

"Hindi mo na dapat pang ginawa yon sa kanila!" - Cielo

"Pwes , hindi nila dapat ginawa yon sa anak ko!" - Xander

Nasa loob na sila ng elevator. Bumaling naman sya kay Zian.

"Baby, di ba sabi ko naman sayo na wag kang kukuha ng hindi sayo o hindi natin binabayaran?" pumantay sya sa bata.

"Wag mo na ngang pagalitan ang bata!" iritadong sabi ni Xander.

"Pero Mommy, sabi kasi ng Daddy na kunin ko lahat ng magustuhan ko, babayaran nya naman daw ehh" malungkot na sabi nito.

"Kahit na, di ba dapat nagpapaalam ka pa rin at hihintayin mo kami?"

"ANO BANG GUSTO MONG PALABASIN HAH? NA MALI ANG ANAK NATIN AT TAMA ANG GINAWA NILA?" tumaas na ulit ang boses nito.

"Hindi ko sinasabing mali ang anak natin, ang gusto ko lang mangyari ay masanay sya na hindi nangunguha ng mga bagay na hindi kanya!"

"SO MAGNANAKAW SYA GANON????"

"ALAM MO, IKAW KUNG GALIT KA, ILAGAY MO SA UTAK HINDI SA LAKAS NG KATAWAN!" pagkabukas na pagkabukas ng elevator ay nauna na syang lumabas. Naglalakad sya ng pagkabilis-bilis ngayon para lang hindi maabutan ni Yosh. Si Zian naman ay papalit-palit lang ang tingin sa mga magulang na nag-aaway.

"Zian let's go!" tawag nya sa bata. Hindi na rin natuloy ang plano sana nilang manood ng sine.

Dumiretso sila sa kotse nito. Kasunod lang din nila si Yosh.

"Mommy, You and Daddy po ba are fighting because of what I did?" sa likod na ng driver sya umupo. Nakita nya na ring bumukas ang driver's seat at pumasok ito.

One Poor Prince (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon