Reminder: Please support my story by hitting the "vote" button of this Chapter. Thank you po!
Chapter 14
"Anong plano mo?" tanong sakin ni Michael. Nandito kami ngayon sa bahay nila sa Maynila at kasalukuyang nag-uusap patungkol nga sa malaking problema na kaylangan ko pang masolusyunan.
Jayden Yosh Montereal, ang panganay na anak ng Montereal, ang Prinsipe, ang taga-pagmana daw ayon kina Michael.
Nandito rin ang mag-asawang Jacky at Mj. After three days ng pag-uusap namin, nakabalik na ulit ako dito sa Pilipinas after five years at kagabi pa kami nakarating, kung hindi lang talaga ito para sa hacienda namin ay hindi ko ito gagawin. Kaylangan ko pa itong ipaglaban.
"Pupunta ako sa MGC Tower na yan!" tinapunan ko ng tingin ang papel na kung saan nakasulat ang address ng kumpanya na bumili ng hacienda ng mama.
Kay Daddy naman ay hindi ko na rin alam kung ano nga ba ang nangyari sa kanya. Nung umalis ako dito limang taon na ang nakakaraan, I was really broken, na kung saan kahit sya pinilit ko na ring kalimutan bilang ama ko.
"Gusto mo bang samahan ka namin? – si Claire.
"Yapp, we're in" - si Jacky.
"Maraming salamat sa inyo pero kaylangan ko itong harapin na mag-isa." Sabi ko nang nakangiti. "Si Zian na lang ang isasama ko." nakangiti kong sabi sa kanila.
"Bakit isasama mo pa sya e pwede mo naman syang iwan samin doktora" - si Michael.
"Hahhaha, kung pwede lang ehh, pero yang si Zian, hindi yan nagpapaiwan kung alam nya na aalis ako." Sabay tingin sa natutulog na bata.
"May contact ka na ba sa kanya?" mahinang tanong sakin niMJ.
"Wala pa MJ, hindi ko na rin kasi alam kung ano na nga ba ang nangyari sa kanya. " pinilit kong magpakawala ng isang ngiti pero bakit nga ba kapag sya na ang pinag-uusapan eh may parte sakin na masakit, na malaking kulang. Alam kong napakalaki ng kasalanan na nagawa ko. He is broken when I left him. Pero kaylangan ko iyong gawin para sa kanya. That was my only option in order to protect himm.
"Since nandito ka rin lang naman, wala ka bang plano na hanapin man lang ang One Poor Prince mo? Para na rin kay Zian" - si Jacky
"Sa totoo lang ay hindi ko rin alam. Natatakot ako na baka may pamilya na si Xander? Ayoko ring ilagay sa kahihiyan itong si Zian!" - pagdadahilan ko.
"Asus, baka masaktan pa ako kamo, yun ata dapat ang sasabihin mo ehh" si Claire.
"Hayy naku, tama na nga, saka saglit lang din naman kami dito, hindi kami pwedeng magtagal dahil nag-aaral si Zian at may trabaho akong naiwan sa states."
.....
"Mommy, where are we going?"
"MGC baby, isang business tower yun na kung saan may kakausapin lang ang Mommy"
"Really? Mommy, right my daddy is here?" nabigla naman ako sa sumunod na tanong ng anak ko.
"I remember you said mommy, that my daddy is in far away place and that place is called the Philippines."
Grabe, wala na talaga akong masabi sa talas ng memorya ng anak kong ito. That's why I should be careful every time na nag-uusap kami dahil meron talaga syang photographic memory.
"Yes baby, you're correct, he is here in the Philippines." Pinilit ko na lang ngumiti para maitago ang lungkot na nararamdaman ko ngayon.
"Can we pay him a visit po?" masayang tanong nya sakin.

BINABASA MO ANG
One Poor Prince (Book 2)
RomancePag-iibigang masusukat ng pagkakataon at susubukin ng maling panahon. A story of love, lies, separation, revenge and destruction. Xander is Cielo's One Poor Prince. Credits to @ODRICA for a very beautiful book cover and illustration.