Reminder: Please support my story by hitting the "vote" button of this Chapter. Thank you po!
Chapter 17 - Cars
"AAKYAT KA BA O HINDI? I'M GOING TO LOCK MY ROOM!"
Parehas silang napalingon sa boses na pinanggalingan nito.
"Sige po, aakyat na 'ko, salamat manang dahil kahit papano ay may nakausap ako" sabi sa kanya ni Cielo sabay dali-daling tinungo ang hagdanan at umakyat na dito.
Nakita pa nya si Yosh na tumalikod at naglakad na rin papasok sa kwarto. Sinundan nya lang ito pero dumaan muna sya sa kwarto ng anak at nakita itong mahimbing nang natutulog. Sobrang likot rin kasi nito kanina sa mall kaya hayan, bagsak na bagsak ang katawan.
Naabutan nyang bukas ang kwarto ni Yosh kaya naman pumasok na lang sya dito. Agad nyang hinanap ito nakita nyang matikas itong nakatayo habang nakatalikod sa kanya. Ang kaliwang kamay nito ay nakapamewang habang hawak naman ng kanang kamay nya ang cellphone na busy sa pagkalikot dito. Wala pa rin itong suot na pang-itaas.
Sobrang laki na nga ng pinagbago ng katawan nito. Mas lalo pa itong naging matipuno at makisig.
Hindi nya alam kung saan sya humugot ng lakas ng loob dahil dali-dali syang naglakad papalapit. At mula sa likuran ay niyakap nya ito.
Nabigla ang binata sa ginawa sa kanya.
"I'm really sorry for everything." bulong lamang pero rinig na rinig 'yon ni Yosh.
Mas hinigpitan pa ni Cielo ang yakap sa binata at ibinaon pa nya ang sarili dito.
"I'm really really sorry, sana bigyan mo pa ko ng huling pagkakataon para itama lahat ng maling nagawa ko sayo noon"
Pero naramdaman na lang nya ang dalawang kamay ni Yosh na tinanggal ang kamay nya sa pagkakayakap sa kanya at dumistansya dito.
"As I've said earlier, magsasama lang tayo para sa anak natin hanggang sa maintindihan nya ang lahat. Other than that wala na! After that, magkakanya-kanya rin tayo! Matulog ka na sa kama, marami pa tayong gagawin bukas." Iyon lang at nakita nya na pumasok ito sa CR.
"wala na ba talaga!" naitanong nya na lang sa hangin. Pero bigla nyang naisip ang sinabi sa kanya ng matandang katulong.
"Tama, masyado pang maaga para sumuko Cielo!" sabi nya sa sarili. Umupo sya sa kama at hihintayin nyang lumabas mula sa banyo si Yosh.
Ilang sandali lang ay lumabas na rin ang binata sa CR. Kasalukuyang pinupunasan nito ang mga basang parte ng katawan ng tingnan nya si Cielo.
"What?" tanong nya dito.
"Gusto kong maligo pero alam mo naman na wala akong dalang damit." Tugon nito ng hindi nya nang nakatingin lang sa sahig.
"Pumili ka muna ng damit ko sa cabinet, bukas kukunin natin ang mga gamit nyo kung saan man kayo nakatira." Naglakad na papunta sa cabinet nito si Cielo at namili nga ng mga susuotin doon. May nakita syang puting v-neck na shirt at agad nya itong kinuha. Sunod na naghanap sya ng undergarments. Dahil nga malaki sa kanya karamihan, kinuha nya na lang ang isa sa mga boxer nito at iyon na lang ang susuutin nya. Pagkatapos ay agad na syang pumasok ng cr para maligo.
Pagkatapos nyang maligo ay tiningnan nya muna ang sarili sa salamin bago lumabas. Dahil masyadong malaki ang damit sa kanya ni Yosh ay parang wala tuloy syang suot na pangibaba. Naabutan nyang nakahiga at nakapikit na ang dating kasintahan.
Tatanungin sana nya ito kung may hair dryer ito pero mukhang tulog na sya. Nakita nyang may isang stand fan sa isang sulok at agad nya itong binuksan pagkatapos ay tinapat doon ang buhok para matuyo.

BINABASA MO ANG
One Poor Prince (Book 2)
RomansaPag-iibigang masusukat ng pagkakataon at susubukin ng maling panahon. A story of love, lies, separation, revenge and destruction. Xander is Cielo's One Poor Prince. Credits to @ODRICA for a very beautiful book cover and illustration.