Chapter 46Yosh's POV
Flashback
"BAKIT MAY PERA KA BA HA? MAPAPAKAIN MO BA AKO? MAYAMAN KA BA? TINGNAN MO NGA ANG SARILI MO! PAARALIN KA LANG! ANAK KA NG MGA KATULONG NAMIN!"
"ALAM MO TAMA ANG DADDY! WALA KANG MABIBIGAY SAKIN KUNDI YANG PURO LINTIK NA PAGMAMAHAL NA YAN!
"AT ANO ANG GAGAWIN MO? ITATAKAS MO KO? PANG HABANG BUHAY TAYONG MAGTATAGO? MAHIRAP KA NA NGA, DUWAG KA PA!"
"Namulat na ako Xander! Hindi mo kaya ang Daddy, wala kang mabibigay sakin! Wala!"
Sobrang sakit ng nararamdaman nya sa mga oras na 'to habang tinitingnan lang nya na nagalalakad ito palayo. Ganun pala talaga nu, that pain, hindi mo sya maexplain, but one thing is for sure, it can really kill you inside.
Malakas nyang sinuntok ang pader upang tuluyang mawala ang sakit na nararamdaman nya sa loob pero hindi pa rin iyon sapat. Nagpakawala pa sya ng isa pero hindi pa rin nito napapantayan ang sakit na nararamdaman ng puso nya.
.......
Makalipas lang ang ilang mga sandali ay tulala pa rin sya habang nakaupo at nakasandal sa pader. Ito ang lugar kung saan tuluyan na syang iniwanan nito. Unti-unti ay nakaramdam sya ng kirot sa kanang parte ng ulo nya dahilan upang abutin iyon.
Sa di nya malamang dahilan ay mas lalo pa nyang naramdaman ang pagkirot. Sinubukan nyang ihampas-hampas ito sa pader ngunit hindi nito maibsan ang sakit na nararamdaman nya sa mga oras na iyon. Habang kumikirot ay ang unti-unting at sunud-sunod na boses ang bigla nyang mga narinig sa magkabilang tenga. Kasunod nito ang mga iba-t-ibang pangyayari na unti-unti ay nagiging malinaw sa kanya bago sya tuluyan na mawalan ng malay.
....
Nang makalabas na sya sa kwarto ni Zian na kung saan ay doon din nakatulog ang kambal ay kaagad nyang hinanap ang asawa.
Natagpuan nya ito sa area ng swimming pool na kung saan ay kita nya ang likod nito at may kasamang bote ng alak.
Nang makalapit sya dito ay tinanggal nya ang suot-suot na tsinelas at inilublob din nya ang kanyang mga paa sa pool katabi nito.
"Yosh" pagsisimula nya.
"I'm sorry" mahina nyang tugon habang dinadama nya ang lamig na nanggagaling sa tubig ng swimming pool. Mula sa side ay tiningnan nya ito at ngayon nga ay nakikita nya ang side ni Yosh na kung saan ay kitang-kita nya rin ang matangos nitong ilong at mapupungay ng mga mata.
"Say something." dagdag ko pa.
Nakita nyang unti-unti ay nilingon na sya nito.
"I just want to be with you, Cielo." mahina nyang sabi sabay lagok muli ng baso na sinalinan nito ng alak.
I just can't imagine my life again without you, damn!" he cursed.
Sa isang iglap lang ay mabilis na nag-unahan sa pagtulo ang mga luha nya habang tinitingnang papalayo si Yosh sa kanya. Mabilis syang tumayo mula sa lugar kung saan sya nakaupo. Pinilit nyang mahabol ito hanggang sa tuluyan na nyang mayakap ito mula sa likuran na nakapagpatigil sa asawa.
"I want to be with you, I need to be with you 'cause I do love you" - Cielo
Iyon ang mga katagang namutawi sa kanya bago muling mag-unahan sa pagbagsak ang kanyang mga luha mula sa mga mata. Kasabay din nito ang pagtaas at baba ng kanyang mga balikat habang umiiyak.
Ramdam ni Cielo ang bigat na nararamdaman nito. Mukha mang malakas ang asawa ay alam nyang tinitiis lamang nito iyon, and the thought of that is trully heartbreaking knowing that fact na wala man lang syang magawa upang mapagaan ang nararamdaman ni Yosh.

BINABASA MO ANG
One Poor Prince (Book 2)
RomancePag-iibigang masusukat ng pagkakataon at susubukin ng maling panahon. A story of love, lies, separation, revenge and destruction. Xander is Cielo's One Poor Prince. Credits to @ODRICA for a very beautiful book cover and illustration.