Reminder: Please support my story by hitting the "vote" button of this Chapter. Thank you po!
Chapter 7
"When things aren't like they're before; just accept, let go and move forward."
Cielo's POV
"Masama ba ang pakiramdam mo? Maputla ka ahh." Lumapit sakin si Daddy at hinawakan ang noo ko.
"Hindi ka naman mainit, tell me, what's your problem?"
"Wala po ito Dad, it's just that, mabigat lang ang pakiramdam ko, alam nyo na, girl thing." Palusot ko sa kanya para naman hindi na sya mag-alala pa.
"Wag ka na kaya munang pumasok? Just take some rest"
"Hindi po pwede, ngayon na po magsisimula ang meeting ko sa medical team, and I need to be there"
"O sya, bahala ka nga dyan, minsan gusto ko na talagang magduda na hindi mo 'ko mahal ehh, you're always opposing what I want you to do"
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya.
"Dad naman, always remember this, I love you love you and love you very much" nakangiti kong sabi sa kanya habang yakap-yakap ko sya.
"Asus, binola mo pa ako, o sige na umalis kana at baka mahuli ka pa." sabi nya sakin.
Isang linggo pagkatapos ng huling pag-uusap namin ay pinilit ko na syang iwasan. Natatawa nga ako sa sarili ko ehh, dahil hindi naman naging kami, hindi nya naman ako niligawan, pero nung araw na 'yon, para bang bigla syang nakipag-hiwalay sakin ng walang dahilan. Ang masama pa nito, ay sobra akong nasaktan at nasasaktan mag pa sa hanggang ngayon.
Tama na rin siguro 'to na habang maaga pa ehh naputol na agad ang ugnayan naming dalawa, but part of me is still hoping na isang araw ehh darating sya at magpapakita sakin, kukunin nya ulit ang mga dala-dala kong libro at sasabayan nya ako sa paglalakad.
Totoo, nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon, pero bakit nga ba, hayyyst. Alam ko rin na mas lalo pang nagkakamabutihan si Xander at Jacky. Hindi na nga sila mapaghiwalay ehh.
"Dr. Francisco, I have to go" agad akong tumayo at lumabas ng lab. Kinuha ko na ang mga libro na dala ko para makahabol sa meeting ng medical team na sinalihan ko. Dali-dali kong hinubad ang lab-gown ko at sinabit ito saka ako mabilis na naglakad sa corridor.
Kinakalikot ko ang loob ng bag ko dahil hinahanap ko dito ang cellphone ng bigla akong mabunggo sa isang matigas na bagay. Agad na nag-laglagan ang mga libro na hawak.
Pagtingin ko sa taong nakabungguan ko, hindi ko inaasahan na sya pa iyon. Bigla bumilis ang tibok ng puso ko at para bang may mga kung ano na nag-uunahan sa likod niyon. Saglit kaming nagkatitigan, eto yung lalaki na sobrang nagpagulo at nagpapagulo sa akin. Akma syang yumuko para siguro tulungan ako pero maagap ko syang napigilan at naunahan.
"No, let me! I can handle it" sabi ko sa kanya habang inisa-isa ko na iyong pinagkukuha.
"I'm okay, thank you" sabi ko parin sa kanya nang hindi ko sya tinitignan.
Pagkaayos ko ng lahat ng mga libro na nagkalat ehh agad akong tumayo at mabilis akong naglakad palayo sa kanya.
......
"Sorry I'm late" sabi ko agad pagkapasok ko sa room kung saan ginaganap ang meeting namin.
"Kakasimula pa lang namin Cielo, don't worry. Come in and have a sit" sabi ni Dr. Cruz, ang adviser namin dito at syempre yung prof ko din.
Agad naman akong umupo sa bakanteng upuan na kung saan may isang lalaki rin na nakaupo sa tabi nito.
Nang nakaupo na ako ay napansin kong lumingon sya sakin, tinignan nya ako mula ulo hanggang paa pagkatapos ay inalis din agad nito ang tingin nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/30747558-288-k829349.jpg)
BINABASA MO ANG
One Poor Prince (Book 2)
RomancePag-iibigang masusukat ng pagkakataon at susubukin ng maling panahon. A story of love, lies, separation, revenge and destruction. Xander is Cielo's One Poor Prince. Credits to @ODRICA for a very beautiful book cover and illustration.