Nagdaan ang ilang mga araw mas tumindi ang pagdududa ni Vanessa kay Sander. Hindi maalis sa isip niya na kung saan-saang parte ng building ng Martinez napapadpad si Sander lalo na pag kinakailangan niyang kumuha o maghatid ng mga reports at kung ano-ano pang documents. Pirma dito, pirma doon. Hahabol-habol sa mga managers at aabang-abang sa mga assistants ng mga nasa mas mataas na posisyon. Dating gawain yan ni Vanessa kaya kabisado niya ang duties ng kanyang fiance dahil siya ang original assistant noon bago pa pumalit sa kanya si Sander.Iniisa-isa niyang ang mga empleyadong posibleng pagkaka-interesan ng fiance niya. Pero naisip rin niya, sa tagal na niyang hindi nakapagtrabaho sa Martinez posibleng may mga bagong empleyado doon na hindi niya kilala. Kaya mas malaki na ang posibilidad na may na-meet si Sander doon na someone new. Pilit niya mang isipin na hindi siya magagawang pagtaksilan nang kanyang pinakamamahal, hindi niya pa rin maiwasang magduda. Wala kasi siyang ibang maisip na dahilan sa pagiging distant, cold, at skeptic ni Sander sa kanya na para bang may nagbago talaga sa kanilang pagsasama. And let's also add that they don't have any fun in bed too.
"Nanonood ka kasi ng drama sa tv, ate. Kaya kung ano-anong idea na ang pumapasok d'yan sa isip mo." Sabi sa kanya ni Alyssa nang ibinahagi niya ang kanyang pagdududa.
Kaka-graduate lang ni Alyssa sa college this year sa Bulacan State University. Same university kung saan grumaduate sina Vanessa, Sander, at Gab. But finding a decent job these days is not so easy, kaya stay at home lang muna siya at tumutulong-tulong rin sa kanilang negosyong kainan. She and her older sister always share about stuffs going on in their lives. At siya rin ang isa sa pinakaunang nakapansin sa pagbabago ni kuya Sander niya ngunit hindi niya lang ito pinansin dahil ayaw niyang mag-alala ang kanyang ate..
*
*
*
*
*
Two weeks of having constant doubts and suspicions about her fiance, Vanessa holds her phone and thinks twice if she should give her friend Angel a call again. Praning na kung praning, pero kino-consider niyang bestfriend si Angel kaya alam niyang matutulungan siya nito. Pagkalipas nang ilang sandali, tinawagan niya ito.
"Yes fret?" This time na pick-up na ni Angel ang call. "Nakatatlong tawag ka na, pasensya ka na hindi ko nasagot agad. Eh alam mo na, working hours."
"Fret, sorry talaga sa abala ha. Pero kailangan ko talagang makausap ka eh." Panimula ni Vanessa.
"Oh sige, ano ba yun? Pero hindi ko ma-pramis na may maraming oras ako ha." Sabi ni Angel at hininaan niya ang kanyang boses bago nagpatuloy, "Baka dadaan yung dragon."
"Okay, fret." Sabi ni Vanessa at humingang malalim. "May mga pagdududa kasi ako lately eh. Hindi pa naman ako sigurado kasi wala pa akong ebidensya--- pero wala tayong oras para ikwento ko ang lahat sayo. Ganito nalang para mas madali.. Kailangan ko ang tulong mo."
"Sige fret, ano bang maitutulong ko sayo?"
"Bantayan mo si Sander. Manmanan mo siya. Alamin mo kung nambababae ba siya. Wala pa akong ibang pinagsabihan nito, kaya please atin-atin lang muna to ha? Gusto kong ikaw ang magsisilbing mata ko d'yan sa Martinez." Mabilis na nagsalita si Vanessa dahil mismo siya ay kinakabahan sa kanyang mga sinasabi.
"H-ha? Vanessa okay ka lang ba? May problema ba kayo ni Sander?"
"Basta fret promise mo sa'kin atin-atin lang muna 'to. Please tulungan mo ako." Pakikiusap ni Vanessa.
"S-sige. Wag kang mag-alala magiging mabuting spy ako sa asawa mo." Sabi ni Angel. "Sana kung may problema man kayo, mapag-usapan n'yo yan."
"Sige, maraming salamat, fret. Mag-ingat ka. Salamat talaga ha."
BINABASA MO ANG
Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)
FanficSTRONG-MINDED. SOPHISTICATED. PASSION and CAREER-DRIVEN. Ganyan mailarawan si Diane Martinez, ang boss ng Martinez Company. TIMID. SMART-BUT-SLOW. CONSERVATIVE. Ganyan naman niya i-describe ang kanyang ordinaryong empleyado na si Vanessa. But there'...