A day later, back to Casa Martinez..
Alas 7 ng umaga at kararating lang ni Dina sa bahay nila. Agad niyang hinanap ang kanyang anak dahil bigla itong nawala sa event kagabi. Alam niyang umuwi ito dahil sinabihan siya ng piloto ng private jet nila na nagmamadaling nagpahatid si Diane dakong alas 9 ng gabi. Syempre walang ibang magawa ang piloto kundi sundin ang utos ng amo. Pero pinagtataka ni Dina kung bakit ginawa ito ng anak nang wala man lang paalam.
"Diane?"
Umakyat siya sa second floor para puntahan ang anak sa kwarto nito. Hindi lock ang pinto kaya binuksan niya agad ito.
"Diane?! Jusko ano bang nangyari sayo ba't bigla kang umalis sa event?!"
"Mama," Bumangon si Diane sa kama at linapitan ang ina. Halata sa kanyang mukha na magdamag itong umiyak. Niyakap siya ng kanyang mama. "Sorry for what happened. Sinira ko ang sarili kong party."
"I know pero ang mas importante ay ikaw. Nag-alala ako nang bigla kang nawala nang wala man lang early notice. What's wrong?"
"You need to know something." Diane started at hindi na siya magpaligoy-ligoy pa. "Si papa. He is unfaithful."
Dina sighs. Yumuko lang siya. Inexpect ni Diane na mabigla at magalit ang mama niya pero hindi.
"Mama, I know it's hard to believe. Wala pa rin naman akong matibay na proof pero malakas ang kutob ko. Maniwala kayo sa'kin, he's having an affair!"
"With Melissa Reyes, his assistant. Alam ko, hija." Sagot ni Dina at umagos sa kanyang mga mata ang mga luha.
"P-pero.. Pano n'yo n-nalaman? Kailan?"
Bumuntong hininga si Dina at tuloy-tuloy na ang pag-agos ng kanyang mga luha.
"Just yesterday, sa birthday mo. Medyo nauna lang ako ng konti sayo. Napansin kong may kakaiba sa kinikilos ng papa mo nang bumalik tayo mula sa US. I hired a private investigator para sundan at manmanan siya. At first, I thought I was wrong. Baka paranoid lang ako. Pina-imbestigahan ko rin si Miss Reyes kasi naisip ko na baka siya'y sikretong anak ng papa mo. Kasi masyado siyang bata para isipin ko agad na siya ang mistress. And again, I was wrong. Kahapon may pinadala sa'kin ang mga spy."
Kinuha niya mula sa kanyang bag ang mga pictures at dokumentong nagpapatunay na kumain sa isang restaurant ang dalawang taksil at nag-check in sa isang hotel kahapon. Iniabot niya ang mga ito kay Diane.
"And I think it's enough to prove what kind of relationship your dad and that assistant has."
With her tears flowing and in gritted teeth, Diane says, "How could he do this to us?"
"Dina? Dina! Nasaan ang anak mo, I need to talk to her!" Rinig nilang boses ni Romualdo na nag-eecho sa kanilang malaking bahay.
Agad na bumaba papuntang sala ang mag-ina. Dala-dala pa rin ni Diane ang mga "ebidensya".
"Romualdo bakit ngayon ka lang? Saan ka galing? Busy sa meeting o mating?" Tanong ni Dina na kunwaring hindi pa niya alam ang sagot.
"Hindi 'yan ang mahalaga sa ngayon. At tsaka ano ba 'yang pinagsasabi mo? Ang gusto kong malaman, kung bakit sinira ni Diane ang event kagabi! Ano bang napasok na kalokohan sa ulo mo Diane at bigla kang naglaho?! It's all over the news and it's all what everyone is talking about! You've ruined the event! Pinahiya mo ang company natin! Ang ating pamilya!"
"At kayo pa ang may ganang manumbat sa'kin." Diane laughs sarcastically. "Bakit hindi mo rin itanong kung bakit bigla ako nawalan ng gana at umalis sa gitna ng party?"
"Aba! Tingnan mo nga ang anak mo Dina, walang respeto! Hindi na nahiya sa ginawa niya!"
"Ah ganon? Ikaw, kailangan ng respeto? Akala mo kung sino kang malinis? Akala mo hindi ko alam ang mga ginagawa mo? Bakit, hindi ka ba nagloloko?"
"Ikaw Diane sumusobra ka na spoiled ka ha!"
"Sa tingin mo ba tanga kami? Papa, alam na namin ang pambababoy na ginagawa mo! Your assistant Melissa is your mistress!"
"W-What?! Dina, what is this? Pagsabihan mo nga itong si Diane. K-Kung ano-ano nang p-pinagbibintang!"
"I'm afraid it's true Romualdo." Sagot ni Dina. Tapos nilingon niya ang mga kasambahay na nakatayo lang sa tabi, nakikinig. "Anong tinitingin-tingin n'yo diyan?!"
Nagsi-alisan ang kanilang mga kasambahay na natakot sa pangyayari.
"Okay you know what, I think there's just a misunderstanding here. Melissa is nothing to me, isa lang siyang hamak na assistant!"
"Papa please, maglolokohan pa ba tayo dito? Ano 'to?" Pinakita ni Diane ang mga hawak niyang pictures.
"Saan 'to galing? Sino ang may pakana nito?!"
"Ako, Romualdo! Pero hindi na mahalaga kung paano at sino ang kumuha ng mga litratong 'yan. Hindi ka na nahiya sa pamilya natin?! Babae ang anak mo, Romualdo! Gusto mo bang mangyari sa anak mo ang ganyan? Ikaw lang ang nagbibigay ng malaking kahihiyaan sa Martinez!"
"D-Dina.."
"Ano bang ginawa kong mali sayo? Ano pang pagkukulang at nagawa mo ito sa pamilya natin?" Patuloy lang sa paghagulhol si Dina habang hinahaplos-haplos ng anak niya ang kanyang likod para kumalma.
"It was just a mistake.."
"Hello? Tita Dina nakita n'yo na po ba si.. Diane?"
Biglang dumating si Regina kasama ang kuya niyang si Romie at ang mom nilang si Susan. Nadatnan nilang nag-aaway pala ang pamilya sa sala ng bahay.
"Anong nangyayari dito?" Pag-alalang tanong ni Susan ng nakita niyang nag-iiyakan at tense na tense na ang kanilang mga mukha.
"It's a family matter, Susan." Mahinang sagot ni Romualdo.
"A huge family matter." Dagdag ni Dina. "Kapag malalaman ito ng mga tao hindi lang ang kompanya mo ang masisira kundi pati na ang reputasyon ng pamilyang ito!"
Nagwalk-out si Dina.
"We don't know the whole story but whatever it is, please settle it." Payo ni Susan.
"We're just here to check if maayos lang ang kalagayan ni Diane." Sabi rin ni Romie at tumango naman si Diane sa kanya bilang pasasalamat sa pag-aalala.
"Sorry for interrupting, aalis na kami."
Tumalikod na ang tatlo at nagmadaling umalis.
"Diane, I'm sorry.." Sinubukang lapitan ni Romualdo ang anak ngunit umatras ito para layuan siya.
"Huwag mo 'kong hawakan! I can't even stand being with you in the same room right now!"
Nag-walk out na rin si Diane at pumunta na sa kanyang kwarto.
![](https://img.wattpad.com/cover/233929962-288-k67540.jpg)
BINABASA MO ANG
Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)
FanfictionSTRONG-MINDED. SOPHISTICATED. PASSION and CAREER-DRIVEN. Ganyan mailarawan si Diane Martinez, ang boss ng Martinez Company. TIMID. SMART-BUT-SLOW. CONSERVATIVE. Ganyan naman niya i-describe ang kanyang ordinaryong empleyado na si Vanessa. But there'...