2 months later.."Akala ko ba 6 weeks lang kayo ni Tita Dina doon?"
Dumating na si Diane mula US at ngayo'y nasa bahay siya kasama ang pinsan na si Regina dahil sumama itong sunduin sila sa airport kagabi kaya dito na rin ito natulog sa kanila.
"Si mama kasi gusto pang mag-extend ng stay," Sagot ni Diane habang kumakain silang dalawa sa kanilang mataas na dining table na may napakaraming pagkaing pagpipilian. Ang kanyang ina ay nagpapahinga pa rin sa kwarto.
"Pangatlong beses nang nag-US si Tita this year ha. Baka sa susunod hindi na babalik 'yan," Sabi ni Regina bago sumubo ng pagkain.
"Gusto niyang tumira doon. Kasi andon ang dalawang kapatid niya, mga kaibigan at iba pang kamag-anak," Sagot naman ni Diane at sumubo na rin ng pagkain. "Ang gusto ni mama, na doon na sila ni papa after retirement."
"Ang tanong, may plano ba si tito'ng mag-retire?"
Tumawa silang dalawa.
"'Yun nga, eh. Parang hindi sang-ayon si papa. At tsaka ayoko rin namang iiwan nila ako dito sa Pilipinas na mamahalang mag-isa sa kompanya."
"Ano ka ba, Diane? Nandito naman ako, office assistant mo. Oh-wait, all-around assistant mo pala." Proud na sabi ni Regina.
"Wala ka na ba talagang ibang pangarap sa buhay?" Natatawang tanong ni Diane.
"Meron. Ang maging assistant ng CEO ng Martinez Company!"
"Ikaw puro ka talaga kalokohan! Kumain na nga lang tayo."
Tahimik na silang nagpatuloy mag-almusal hangga't biglang nagsalita na naman si Regina. Umalis na ng maaga papuntang opisina si Romualdo kaya kering-keri lang nilang mag-chismis ng ganon.
"Speaking of assistant nga pala, si bestfriend Melissa, she gets stranger and weirder everyday."
"So bestfriend na pala kayo?" Tanong ni Diane.
"Hell no! Pero seriously, para siyang nagbabait-baitan tapos may tinatago palang ka-demonyohan. Hindi ko pa siya nahuli, pero soon makahanap din ako ng tiempo."
"What do you mean?" Seryosong tanong ng kanyang pinsan.
"She's very close to your dad. I know maybe it's just me, but for me it's weird to be close that way. Ah basta hindi ko ma-explain! You'll see." Pasubo na sana ng pagkain si Regina ngunit hindi niya tinuloy para sabihing, "What if.. Meron talaga siyang masamang balak. Aagawin niya ang iyong trono? Oh my gosh aagawin niya ang trono mo, Diane. Or what if malalaman nalang natin na anak rin pala siya ni tito tapos matagl ng nawawala? Naku, may kahati ka na sa Martinez."
Napatigil sa pagkain si Diane. She gives Regina an annoyed look.
"Nanonood ka na naman ba ng teleserye?"
"Uhm, yes?" Mala-inosenteng sagot ni Regina.
"Diba sabi ko sayo tigilan mo na ang panonood sa mga cheap at walang kwentang palabas?"
"Nakaka-adik eh! Pag nasimulan mo na ng ilang mga episodes talagang gusto mong masubaybayan na lahat. At alam mo ba 'yung mga cheap at walang kwentang palabas na 'yan, meron ka ring mapupulot?"
"Gaya ng ano?" Sarcastic na tanong ni Diane. "Mga kalokohan? Kumain ka na nga. Pupunta pa tayo sa office mamaya."
"Bahala ka. Basta I'm telling you Diane, watch out for Melissa."
*
*
*
*
BINABASA MO ANG
Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)
Fiksi PenggemarSTRONG-MINDED. SOPHISTICATED. PASSION and CAREER-DRIVEN. Ganyan mailarawan si Diane Martinez, ang boss ng Martinez Company. TIMID. SMART-BUT-SLOW. CONSERVATIVE. Ganyan naman niya i-describe ang kanyang ordinaryong empleyado na si Vanessa. But there'...