5:51 AM --- Yan na ang oras na nakatatak sa digital clock na nakapatong sa nighstand sa tabi ng kama. Mapayapa ang umaga at unti-unti nang sumisisilip ang sinag ng araw mula sa bintana. Ngunit ito'y nahaharangan ng kurtina kaya konti lang ang nakakapasok na liwanag sa silid. Tila napakaganda rin ng panahon sa labas kaya kung sino man ang natutulog pa ngayon ay tiyak na maganda ang gising.
"Paano na tayo ngayon? Ano nang gagawin natin?" Pag-aalalang tanong ni Diane. "Araw na ng kasal mo.. ninyo ni Vanessa. Tiyak na malalaman na nila na wala ka na dun. Hahanapin ka nila."
Ngumiti si Sander sa kanyang sarili bago pa sinagot si Diane na nasa tabi niya at yakap-yakap pa nila ang isa't isa. "Syempre naisip ko rin yan, Diane. Pero ang importante kasama na kita ulit. At ayokong magkalayo na naman tayo. Ayoko nang umalis sa tabi mo."
Diane feels warm and she smiles to herself too as she tilts her head in a way to see how sincere Sander was with his words. Sa mata makikita sabi nga nila. Alam ni Diane na may paparating na problema pero ayaw niya munang mag-alala ngayon. Masayang-masaya lang siya na bumalik na ang pinakamamahal niya sa kanya. Pagkatapos nang mga nangyari kagabi mabuti naman at naging maganda naman ang nangyari sa huli.
"Akalain mo, nag-away pa talaga tayo kagabi tapos yun pala ang paraan para magkabalikan tayo? Hindi ko yun inexpect." Sabi ni Sander habang nilalaro ang buhok ni Diane. Ngumiti lang ito sa sinabi niya. "Kumusta yung pakiramdam mo, hindi ka ba napagod?" Tanong pa ni Sander.
A smirk forms on Diane's face as she answers, "Bakit mo naman kasi ako pinagod?"
Napatawa si Sander sa dirty joke niya. Magbibiruan pa sana sila ngunit biglang sumama ang pakiramdam ni Diane. Sinubukan niyang bumangon at naramdaman niyang medyo nahihilo siya. Paano ba kasi, kulang sa tulog. Maybe she's going to be sick. Naulanan pa sila kagabi, sino bang hindi magkakasakit n'yan.
"Bakit Diane, anong problema?" Pag-aalalang tanong ni Sander nang napansin niya si Diane na parang biglang nawala sa mood habang pinipisil nito ang kanyang ulo at pinipikit ang mga mata. "Masakit ba ang ulo mo?"
"Ah, wala 'to." Sagot ni Diane habang kinukuha ang kanyang robe sa tabing nightstand at sinuot ito. Sinubukan niyang tumayo at ramdam pa rin niya ang kanyang pagkakahilo at.. "Parang.. p-parang nasusuka ako-.."
"Ha? Buntis ka na agad? Ngayon lang nga ulit may nangyari sa atin, ang bilis naman!" Tumawa si Sander at nakuha pa niya talagang magbiro. Ngunit agad nang tumakbo si Diane patungo sa CR sa loob ng kanyang kwarto at nagsusuka nga siya doon. Nataranta naman si Sander kaya mabilis siyang nagbihis at sinundan si Diane sa kinaroroonan nito.
"Diane ayos ka lang ba?! Dalhin na kita sa ospital o kaya tawagan natin ang personal doctor mo para ma-check up ka!" Sabi niya pagkatapos magsuka ni Diane. And Diane on the other hand, is still trying to process what happened. Nabigla rin kasi siya sa nangyari sa kanya.
"Ano, masakit ba ang ulo mo? Nahihilo ka pa rin ba? Sabihin mo lang kung anong kailangan mo para ma-"
"Alex, I'm fine." She assures. "Ako pa ba? Wag kang mag-alala hindi pa ako mamamatay." Biro pa niya.
"Diane wag ka ngang magbiro ng ganyan. Ayokong may mangyaring masama sayo."
"Uyyy takot siyang mawala ako.."
Sander tries not to laugh or blush. Nakakapanibago lang na nag-jo-joke at nanunukso si Diane sa kanya pero pinigilan pa rin niya ang kanyang sarili. Seryoso pa rin ang kanyang tono. "Diane sabihin mo sa'kin ang totoo, masama ba ang pakiramdam mo? Sasamahan kita kung kailangan mong pumunta sa doktor."
"Ano ka ba, okay na ako. Sumakit lang yung ulo ko baka dahil kulang sa tulog. At tsaka stressed ako lately. Pero okay na ako kasi nandito ka na." She says flashing a huge smile on him. "Your friends call me dragon. The dragon doesn't get sick!" Biro na naman niya.
BINABASA MO ANG
Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)
FanfictionSTRONG-MINDED. SOPHISTICATED. PASSION and CAREER-DRIVEN. Ganyan mailarawan si Diane Martinez, ang boss ng Martinez Company. TIMID. SMART-BUT-SLOW. CONSERVATIVE. Ganyan naman niya i-describe ang kanyang ordinaryong empleyado na si Vanessa. But there'...