25 - The world of the married

120 14 7
                                    

Katapusan na ng buwan ng May kaya umuwi na naman sa probinsya sina Vanessa at Sander. Dala nila ang first ultrasound pictures ng baby nila. It's a girl. Excited na excited silang ibalita yun sa kanyang nanay at kapatid.

"Woww amazing, ate." Sabi ni Alyssa nang tinitingnan na nila ang pictures.

"Hindi ko nga alam kung nasan siya diyan noong pinakita sa monitor ang uterus eh. Pero sobra kaming natuwa nang narinig namin ni Sander ang heartbeat niya. Naluha ako sa saya."

"Ipagdadasal ko anak na magiging malusog at normal ang anak ninyo ni Sander." Sabi ni Lisa. "Naku, magkakaapo na ako. Magiging lola na pala ako!"

"Gusto namin ni Vanessa nay na mama ang itatawag ni baby sa inyo." Ani Sander.

"At mommita naman sa'kin. Mommy na tita!" Dagdag ni Alyssa. "Ano bang magiging pangalan ng baby? May naisip na ba kayo ate, kuya?"

"Hmm.. Sa ngayon wala pa. Bago lang din kasi namin nalaman na girl siya."

"Alam ko na! Elizabeth. Para may kapangalan siyang queen at tsaka artista diba, Queen Elizabeth, Elizabeth Taylor.. O di kaya Taylor nalang as in Taylor Swift! Kasi diba sikat na sikat siya tapos singer. Taylor Castante."

"Pag-iispan namin yan." Sabi ni Vanessa.

"O di kaya, ate.. Kylie! Kasi diba youngest self-made billionaire si Kylie Jenner. Make-up mogul pa!"

Nagtawanan na lamang sila sa kung ano-anong sinasuggest ng makulit at immature na kapatid ni Vanessa.

*

*

*

*

*

Sunday morning, galing nagsimba si Diane kasama si Regina at ang kanyang pamilya. Diretso uwi sa bahay si Diane at sumama sa kanya si Regina. Most of the time halos doon naman umuuwi si Regina sa kanya.

"Nagpunta lang ako ng France, pagbalik ko relihiyosa ka na."

"Bakit, nagsisimba naman ako dati ha? Tayo. At tsaka sina papa at mama.."

"Pero ngayon, every Sunday na talaga. Dati parang kung may time o kung  gusto lang."

"Naimpluwensiyahan lang ako ni Vanessa."

Diane sighs as she put her bag on the couch and sits beside it.

"Sabi niya kasi lagi silang nagsisimba ng nanay ng pamilya niya simula nang bata pa sila ng kapatid niya. Kaya daw lagi lang masaya ang buhay nila kahit namumuhay sila ng simple."

Umupo na rin si Regina sa kabilang sofa.

"O bakit, hindi ka ba masaya sa buhay mo? Masaya nga sila na ganun lang ang buhay nila, ikaw pa kaya na nasayo na ang lahaaat." Sinabayan pa ni Regina ng kanta.

"Alam mo, hindi na bagay sayo ang mag-act na parang bagets." Panunukso ni Diane. "Ano bang nangyari sayo sa France at parang mas lumala ka?"

"Gaya ng sinabi ko sayo, matatanggap ko na talaga na mamamatay akong single. Pero okay na rin yun. At least naranasan kong mamuhay sa France. And at least I get to sleep with whomever that I want! It alam mo ba Diane, french men are the best in bed. Kayang-kaya nila ang magdamag!Hahahaha!"

"You sound like a slut." Diane expresses disgust on what her cousin said.

"Hm! Nagmana kaya ako sayo."

"Me, a slut? Kung malandi lang ako siguro nakipag-hook-up na ako sa ibang lalake. It's not easy being faithful tapos wala dyan yung taong rason sa pagiging faithful mo."

"Wow, hugot much, Diane? Speaking of which, how are you and Oliver? You know, I've always wanted to ask you this for a very long time, paano ba 'yung intimacy n'yong mag-asawa? Siguro uhaw na uhaw kayo sa isa't isa kapag nagkikita na kayo, no?"

"Alam mo, buti natanong mo yan. Kasi I had a weird dream last week, something sexual.. Gusto ko sanang i-share sayo pero wag na."

"Ay sige na! Something sexual! Share it!"

Diane frowns at her cousin for trying to sound like an annoying teenager.

"I was in bed with a man that I don't know. Blurred yung mukha eh. Basta ganun.. Hindi ko na i-detalye."

"Hmm.. Maybe you just can't get enough of what happened during the holidays. Di ba sa US ka nagpasko at new year? Syempre naman you did it with Oliver."

"Yun nga eh, ayun na, we're almost there. But guess what? Napagod daw siya dahil sa party at nag-ask na matulog nalang daw kami. Pwede ba naman yun? Binitin niya 'ko sa foreplay! Kung pagod siya bakit pa niya inalok yung katrabaho niyang ipag-drive pauwi.."

"At pinagdrive ba niya?"

"Hindi, kasi kaya naman ng tao ang sarili niya."

"O ayan naman pala. I almost smell the jealousy right there."

"Tapos yun, isang beses lang kami naging intimate together this past holidays. Next Christmas nalang ulit." Diane sighs.

"Ang sad naman nyan. Buti at nakakapaghintay ka ano?"

"Like, meron pa ba akong magagawa? Minsan napapa-isip talaga ako, ano kayang feeling kapag kasama mo yung family mo, ano? I mean, umuuwi ka sa bahay na alam mong may asawa at anak na nag-aantay sayo. Kasama mo sila lagi.. Nakikita araw-araw."

"Alam mo pinangarap ko din yan eh." Pagmumuni-muni ni Regina. "Pero siguro ang pag-aasawa at pagkakaroon ng sariling pamilya ay talagang hindi nakatadhana sa'kin. Teka.. Ba't mo ba yan naiisip? Ba't ba ang seryoso natin?"

"I got a feeling about our relationship.. and it's not good. Baka kasi all this time we've been doing things the wrong way? Something doesn't feel right. Kinakabahan ako, Regina."

"Pasensya ka na Diane ha, gusto kong makisimpatya pero hindi ako nakaka-relate eh. Isipin mo nalang, maswerte ka pa rin kasi may sarili kang pamilya. I mean, look at me?" Sabi ni Regina pero it's like her cousin is not feeling any better.

"Alam mo kung anong solusyon dyan sa sadness mo? Shopping. Tara, may bagong labas na bag ang Hermes ngayon."

"Regina, kabibili ko lang ng bag last December."

"Sige na, Diane! Hindi na ako nakapagshopping dito simula nung nakauwi ako galing France. Let's go."

Hinila na siya ni Regina kaya wala na siyang magawa kundi samahan ang madaldal at makulit niyang pinsan.

*

*

*

*

*

"Love," Vanessa starts a conversation with Sander as they were sitting on their bed one evening. They already got back in their small apartment in Manila.

"Hmm, bakit?"

"Yung sinabi ni Gab na bachelor party-"

"Wag kang mag-alala, Love. Hindi naman ako interesado doon eh. Kung ayaw mo, pwede ko naman silang tanggihan. Total, para sa'kin naman yung party diba? Kaya ako ang masusunod kung gugustuhin ko ba yung ituloy o hindi."

"Love, okay lang sa'kin. Karapatan mo rin yun. Bahala kayo kung anong gusto n'yong gawin, pagbibigyan kita. Kasi kapag kasal na tayo, focus ka na sa family natin." Paliwanag ni Vanessa. "Hindi ko na kayo papaki-alaman, basta't siguraduhin n'yo lang na hindi kayo mapapahamak ng mga barkada mo."

"Salamat, love. Napaka-understanding mo talaga. Ikaw rin sa party mo ha, Siguraduhin mo lang na hindi ka ipapahamak sa mga kaibigan mo."

"Puro kain lang naman ang magaganap, love. Walang inuman. Kung meron man, hindi rin naman ako pwedeng uminom dahil kay baby."

Nag-usap-usap muna sila tungkol sa iba't ibang bagay hangga't sa nakatulog na sila ng mahimbing na magkatabi..

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon