"This past few weeks have been draining me." Diane says while she massaged her temples, her eyes closed.
Nakabalik na siya mula sa US. Kaninang umaga lang siya dumating sakay ng private jet kasama ang kanyang lawyer, ngunit hindi na siya pumasok pa sa opisina. Nasa bahay niya si Regina ngayon. Gabi na at nasa sala sila naka-upo para mag-relax. Nakaandar ang tv ngunit hindi na man sila nag-pay attention dito.
"How did the meeting with the investors go?" She asks resting her head on the couch, eyes still closed.
"Everything is well and is under control. Wala kang dapat ipag-alala. Lahat ng bilin mo sinunod ko, naisagawa ko. Walang anumang problema."
"Si Vanessa, kumusta siya?"
"She's now discharged from the hospital. Baby Kylie is normal and healthy sabi ni Sander. Nandun rin naman ang nanay at kapatid ni Vanessa. Bayad na rin lahat ng expenses sa hospital. So I guess we don't need to worry about them anymore."
"Na-meet mo yung nanay niya?"
"Nope. Ang kapatid lang niya. Wala dun yung nanay nila nung nagpunta ako." Paliwanag ni Regina. "Alam mo puro ka nalang kumusta sa ibang tao at sa ibang mga bagay, ang sarili mo naman. Anong naging lakad mo dun sa US? Anong naging ganap sa korte?"
Umayos ng upo si Diane at tinigilan na ang kanyang pagmamasahe ng kanyang ulo.
"Na-stress ako sa totoo lang." Diane sighed. "Akala ko magiging okay na ako. Na buong-buo na ang loob ko at handa ng harapin ang divorce. Pero nang nakita ko si Oliver.. Ang sakit.. Pero pinigilan ko ang sarili ko dahil ayokong magmukhang kawawa at talunan sa korte. Pag-uwi sa bahay iyak ako ng iyak."
Paluha na si Diane pero pilit niya pa ring pinigilan ang sarili.
"Uhm.. Kailan raw ang next hearing?"
"Wala pang fixed date." Diane sniffed. "Pero most probably after a month."
"Tanong ko lang, ano ba talagang actual na nangyayari kapag nagdi-divorce? Wala kasi dito sa Pinas."
"Ganun pa rin, maraming interrogations sa korte. Tapos may maraming seminars at tsaka counseling.. Para ma-trace ang pinag-uugatan ng conflict na nag-lead sa hiwalayan. Dinidiscuss yung effects at maaaring impact sa amin individually, sa family, at lalo na sa anak.."
"What are some of the questions?"
"Tinatanong nila kung kailan pa kami huling nag-sex."
"At ano sinagot mo?" Curious na tanong ni Regina.
"Dun ko rin na-realize na matagal na, aside from the fact na long-distance kami. Inaamin naman ni Oliver lahat tungkol sa relasyon nila ni Melania. So when she came over sa house namin nung Christmas, may affair na pala sila nun." Napag-isip-isip si Diane. "I wonder kung ako pa ba ang nakikita ni Oliver nun tuwing nagse-sex kami. Teka ba't ba ang dami mong tanong, wala ka ngang jowa para mapag-isipan mo ang divorce!"
"Grabe ka naman. Hindi ba pwedeng curious lang? Tulungan mo nga akong magka-jowa. Yung serious na, hindi yung pa-fling-fling lang." Regina says sounding so desperate. "Ituloy na natin ang double date with the French guys."
"On-going pa pala yan?" Diane asked, surprised.
"Naghihintay lang naman sila sa go signal natin. So ano, gorabels tayo?"
"Gorabels ka diyan." Diane says while raising an eyebrow at her feeling-millenial cousin.
"Dinner, saturday night." Regina mumbles as she is typing on her phone. "Message sent."
"Sino ka-text mo?"
"Sino pa ba, edi si Claude! Ano kayang isusuot ko sa dinner? Tulungan mo 'ko ha? Gusto ko yung outfit na nagsasabing 'I'm not a slut, but I'm also not a virgin'. Ayy! Excited na ako."

BINABASA MO ANG
Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)
FanfictionSTRONG-MINDED. SOPHISTICATED. PASSION and CAREER-DRIVEN. Ganyan mailarawan si Diane Martinez, ang boss ng Martinez Company. TIMID. SMART-BUT-SLOW. CONSERVATIVE. Ganyan naman niya i-describe ang kanyang ordinaryong empleyado na si Vanessa. But there'...