37 - Shopping with the boss

169 17 8
                                    

"Pinapaalam ko lang sayo love kasi ayoko yung mag-aalala ka."

Kausap ni Sander si Vanessa sa phone.

"Pero kung hindi ka papayag.. Eh, hahanapan ko nalang ng paraan para tanggihan si Miss D."

"Okay na okay lang sa akin love!" Agad na sagot ni Vanessa sa kabilang linya. "Nasa sayo pa rin ang desisyon. Pero kung ako ang tanungin mo, i-grab mo na ang opportunity na yan. Hindi basta-bastang makapunta sa event na yan. Kaya sumama ka, love."

"Five days kami doon."

"Okay lang yan, love. Basta mag-ingat ka dun sa Cebu ha. May tiwala naman ako sayo eh. At tsaka lalo pa't si Miss D ang kasama mo. Wala na akong dapat pang ipag-alala."

"Maraming salamat, love."

"Ready na ba ang isusuot mo, love?"

"Oo, nakahanap na ako pero ipapa-approve ko pa 'to sa kanya. Ewan ko ba kung bakit kailangan pa yun."

"Ganun talaga, love. Si Miss D yan, gusto nyan na perfect talaga lahat. Big event yun eh."

"Sige love, balik na ako dun sa office. Tapos na kaming mag-lunch break ni Gab."

"Sige, love. I love you!"

"Love you rin. Pa-I love you na rin kay baby Kylie!"

Pagkatapos ay pinatay na ni Sander ang cellphone. Nasa canteen sila ni Gab sa ground floor.

"Sa tingin mo 'tol okey na 'tong mga damit na 'to?" Tanong ni Sander, bitbit ang isang malaking paperbag.

"Tol, tayong mga pogi, konting outfitan lang, ayos na ayos na. Lalo pa kung magaling tayo um-awra."

"Ikaw na may sabi diba dapat magara ang isusuot ko."

"Oo, pero para sa'kin tol pwedeng-pwede na yang mga dinala mo. Ang tanong, kung papasa ba kay lady boss. Mabuti na yang marami ang dinala mo, siguro naman may magugustuhan talaga siya diyan."

"Sige 'tol kailangan ko nang bumalik na dun sa opisina ni Miss D at nang maipakita ko ang mga ito sa kanya."

"Sige, sabay na tayo." Tumayo na sila at umalis sa kanilang pwesto.

*

*

*

*

*

Meanwhile sa 7th floor..

"Nakapag-pack ka na ba ng mga gamit mo? Your flight is in two days." Regina says, sitting on her swivel chair. This time, sa kanyang office sila nakatambay ni Diane habang lunch break.

"Mamaya na pag-uwi ko."

"Si bagets, hindi ba nag-change ang mind? Final na bang sasama siya sayo?"

"May magagawa ba siya?" Diane asks her back.

"Mabuti naman at pumayag ang asawa niya."

"At bakit naman hindi?"

"Ikaw ang kasama eh."

Diane frowns at her cousin's remarks. "Is that a bad thing or a good one?" She asks in a confused tone. "Ba't parang may mali sayo na si Alexander ang isasama ko sa Cebu? After all he's my assistant. Hindi ko naman siya pinili out of nowhere."

"Wala lang." Regina grins at her childishly. "Alam mo naman ako.. Kung anu-anong iniisip. Malikot ang imahinasyon ko." She gives her cousin a smirk.

"Whatever, Regina. Diyan ka na nga, balik na'ko dun sa office ko. Masyadong mainit dito sa office mo."

"Hmm.. Mainit sa office ko, o takot ka lang talaga ma-hot seat."

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon