55 - Merry Valentines

289 17 5
                                    


Suddenly it's Friday! Ang bilis dumating ng araw na kina-iiritahan ni Diane, the Valentine's Day. Totally naka-move on na siya kay Oliver after what he did to her a few days ago. Sinasabi niya sa kanyang sarili hindi na siya bitter. But she still dreaded the 14th day of February.

But she was totally surprised nang papunta siya sa kanyang opisina. Nang dumaan siya sa finance department ay may nakita siyang Valentine's booth sa gilid. Magagalit na sana siya dahil hindi sila humingi ng permission sa kanya to put something like that in a workplace. But she suddenly heard her cousin Regina's voice in her head saying, You're still bitter! Kaya hinayaan niya nalang.

"Happy Valentine's Day, Miss D." Pagbati ni Gab sa kanya at binigyan siya ng isang red rose. "May nagsabi na ba sa inyo ngayong araw na ang ganda-ganda n'yo?"

This one employee. Diane thought. He always has the guts. Lagi siyang pinagsasabihan ng ganon ni Gab tuwing nakakasalamuha siya sa building. Gab's workmates would always be surprised how he always has the audacity to talk like that to the big boss.

When afternoon came, saka pa sila nakapag-usap ni Regina. Nakakasawa na rin kasing lagi nalang silang nagchichikahan sa opisina niya. Alam naman niyang puro Valentine's ang bunganga ng pinsan niya ngayong araw para asarin siya.

When Regina came to her office..

"Diane may flower shop ka na ba dito? Ang daming bulaklak oh!"

"Ewan ko rin. Halos lahat ng empleyado dito sa Martinez nagbigay ng bulaklak sa'kin. Eh hindi pa naman ako patay." Sabi ni Diane habang kumakain ng chocolate. The truth is, she doesn't like receiving flowers but she doesn't want to be rude at the same time.

"And you have.. 13 bouquets?? Grabe, saan ba galing ang mga 'to?!"

"Hindi ko na matandaan, pare-pareho lang naman lahat. Basta apat dyan, yung assistant ko ang nagdala. Binigay sa kanya at pinabibigay sa'kin, from businessmen."

"Wow ikaw na nga 'tong haba ng hair. 
Sige, tama yang kinakain mo para maibsan ang pagka-bitter mo. Pero wag masyadong marami, masisira ang figure mo diyan sa chocolates."

"They were also offering me these chocolates. Sayang naman kung hindi ko kakainin, gusto ko lang ipakita na na-aapreciate ko ang thoughts nila."

"Wow kailan ka pa naging appreciative." Bulong ni Regina sa sarili.

Biglang bumukas ang pinto at dumating si Sander. Kanina pa siya labas-pasok sa opisina at kada balik niya ay may dala siyang gifts na pinapaabot sa kanya to his boss. And this time, he was bringing with him a huge standee of pink, white, and red roses, all forming a heart.

"May nanalo na, miss D."

"Wowww! Bongga!" Amazed na sabi ni Regina at lumapit siya sa standee.

"Kanino na naman yan galing??" Asked Diane as she stands up.

"Sa lahat ng nagbigay ngayong araw, ito lang yung hindi pinapasabi kung kanino galing." Sabi ni Sander.

"Sa bongga nitong flower standee, anonymous ang nagbigay?" Gulat na tanong ni Rej.

"Nagmadaling umalis yung nagbigay eh. Sabi niya ayaw ng boss niya na sabihin kung kanino galing." Paliwanag ni Sander.

"Omg Diane. I'm sure by the end of 2020 you're gonna have your second marriage already." Regina says, making Diane do a facepalm.

Regina was gushing all over her cousin's secret admirers but Diane was just ignoring her. Ang iniisip kasi ni Diane ay ang napag-usapan nila ni Sander nung mga nakaraang araw kung bakit tila walang binanggit ito tungkol dito. Naisip niya rin baka naghahanap lang ng tamang tiempo si Sander. Ngunit nang makaalis na si Regina ay wala pa ring kibo ito. Sa tingin ni Diane ay baka nakapag-decide si Sander na hindi na makipag-negotiate sa kanya. Besides, ano bang makukuha ni Sander kung papayag ito sa deal niya? Hihingi kaya ito ng kapalit na pera? Yaman? Ari-arian? Or promotion?

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon