21 - "Miss, gusto ko pa rin maging secretary n'yo"

116 14 0
                                    

Umaga na ng Lunes at balik trabaho na agad si Diane. Noong mga nakaraang araw ay binibisita siya ni Vanessa sa bahay para lang ma-monitor ang kanyang kalagayan. Gawain sana ito ni Regina kung andito lang yun. Sa Linggo ay hindi na nakapunta si Vanessa sa bahay ng boss dahil umuwi sila ni Sander sa probinsya. Maayos na rin ang kalagayan ni Diane pagbalik sa opisina na para bang walang nangyari. Binati at kinamusta siya ng ilang mga empleyadong nakasalamuha niya. Maayos naman niyang sinagot ang mga ito. Nakapagtataka lang na tila mabait ito ngayon. O baka sadyang maganda lang ang gising kaya maganda rin ang mood.

Pagpasok ni Diane sa kanyang office ay malinis na malinis at arrange na arrange ang lahat. Pati ang mesa niya ay naka-organize. Pagtingin niya sa mga cubicles sa labas, abala na sa pagtatrabaho ang mga mababang empleyado. Nakita rin niya ang mga kaibigan ni Vanessa na sina Angel, Justine at Lynn ngunit hindi nila ito kasama. Bumalik na lamang siya sa kanyang opisina at nagsimula sa kanyang nga gawain.

Later on, a knock on her door catches her attention. The door is just open so she immediately sees her ex-assistant Vanessa standing there.

"Miss, good morning."

"Ano pang ginagawa mo dito?" Tanong ni Diane at hindi man lang pinapasok si Vanessa. Ngunit nagkusa pa rin itong pumasok. "Ah, you're here for your paycheck. Here."

Nasa mesa na ang huling sweldo ni Vanessa. Ngunit nagdadalawang-isip siyang kunin ito. Dahil nahirapan siyang tanggapin na tutuhanan pala ang pagpapaalis sa kanya sa trabaho. Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya parang binawale-wala nalang ng amo niya. Ni hindi nga ito nagpasalamat man lang sa kanyang pagmamalasakit nang ito'y nagkasakit.

Wala na siyang ibang magawa at sa tingin niya'y wala naman rin siyang dapat pang sabihin. Kaya kinuha nalang niya ang naka-envelope niyang sweldo.

"S-salamat, Miss D."

Palabas na siya ng opisina nang biglang tumayo si Diane mula sa swivel chair niya. "Aalis ka talaga?"

"Finire n'yo na ako last week."

"No, Vanessa.. Stay." Nilapitan niya si Vanessa. "I need an assistant like you."

Napatingin nalang si Vanessa sa sahig at napaluha. Iyakin talaga siya noon pa. Niyakap siya ni Diane. Sa pinakaunang pagkakataon niyakap siya ng kanyang boss. And she likes the warm feeling of her boss's embrace.

"Salamat.." Sabi ni Diane habang niyakap siya. "Salamat dahil tiniis mo 'ko. Salamat sa pag-unawa, pagmamalasakit, at pag-aalaga mo sa'kin. Pasensya ka na sa lahat ng ginawa ko sayo. Binabawi ko na ang sinabi kong fired ka na. Yun ay kung gusto mo pang magtrabaho sa'kin."

They let go of each other at hindi makapaniwala si Vanessa sa kanyang mga narinig. Totoo ba ito? Si miss Diane nagpapasalamat at nag-so-sorry sa kanya? And now she's asking her to stay being her assistant?

"Oo, Miss, gusto ko pa rin maging secretary n'yo. Thank you po!"

"No. Thank you, Vanessa."

Niyakap ulit siya ni Diane. At doon na nagsimula ang kanilang pagkakaibigan nang bumuti na ang pakikitungo si Diane kay Vanessa. Sinasama na niya ito sa kanyang mga lakad, business meeting man o kahit sa iba pang mga appointment. Naisip ni Diane pwede naman pala niyang kaibiganin ang kanyang assistant at ituring na katulad ng pinsan niyang si Regina na lagi niyang ka-hangout at kasama. In short, tuloy-tuloy na ang paggaan ng loob ni Diane sa assistant na dating niyang kinaiinisan.

"Fret, pansin ko lang, parang close na kayo ni Miss D lately ah." Sabi ni Angel habang papasok sila sa Martinez Corp. building nang umaga. "Parang ikaw na ang bago niyang side-kick."

"Bakit mo naman nasabi?"

"Hindi ko na naririnig na sinisigawan ka niya. Tapos lagi ka niyang sinasama sa mga lakad niya."

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon