3 - Paglalapit ng loob nina Romualdo at Melissa

194 20 0
                                    

"Good morning, Sir Romualdo." Napa-aga po kayo ng pasok, ah."

Natuto ng kumatok ng tatlong beses si Melissa bago pumasok sa opisina ng boss niya kahit naka bukas na ang pinto nito. May dala siyang mga papers na isinilid sa mga plastic folders.

"Nakuha ko na po ang mga reports sa Maintenance Depatment. Nagsorry 'yung Head Officer. Pupunta dito mamaya ang Supervisor nila para personal kayong mahıngan ng tawad sa pagka-late nilang
mag-submit."

Napansin ni Melissa na hindi pa rin siya sinagot o pinansin man lang ng amo. Busy itong may ginagawa sa mesa niya kung kaya't nagpasya nalang si Melissa na lumabas lang muna dahil parang mainit ang ulo ng boss niya. Nasa harap nito ang laptop at patong-patong na papel sa tabi.

"Iiwan ko lang muna kayo Sir. Tawagan n'yo lang ako kung may kailangan na kayo. Sorry po."

"No. Hindi, Melissa. Just stay." Sabi ni Romualdo ngunit hindi pa rin umiiwas ng tingin mula sa ginagawa niya.

"May tinapos lang ako, 'yung mga naiwan ko kahapon kaya maaga ako ngayon. Sa ngayon wala pa akong maiiutos sayo kaya d'yan ka lang muna."

"Bakit po nakabukas ang pinto? At tsaka hindi naka-patay ang aircon, sira po ba?"

"Ah, hindi naman. Sobrang malamig kasi dito kanina kaya in-off ko muna. Gininaw ako, eh."

"Ganun po ba."

Medyo naiilang na si Melissa dahil wala siyang ginagawa dahil wala pang utos ang boss. Naisip niya na baka sinusubok lang nito kung may initiative ba siya. Kung lagi nalang ba siyang maghihintay na utusan. Nag-isip nalang siya ng paraan.

"Ipagtitimpla ko nalang kayo ng kape."

"Naku, 'wag na Melissa. Hindi naman yan kasali sa trabaho mo. Hindi naman kita maid. Kahit nga 'yung personal assistant ko dati hindi ko pinapagawa 'yan."

"Okey lang po, Sir. Wala naman akong ibang ginagawa. Nakakahiya naman kung magsta-standby lang ako dito sa office," rason ni Melissa.

Agad na siyang nagpunta sa may counter na sa loob lang din ng opisina. Ang CEO's office ang pinakamalaki at pinakamaganda sa lahat ng opisina ng Martinez Corporation. Kumpleto na doon ang mga sangkap kung gusto mo ng iba't ibang style ng kape at iba pang inumin, except alak.

"Napakalaki nga talaga ng office n'yo Sir, ano. At tsaka halos kumpleto na sa gamit. Mas malaki at tiyak mas maganda pa ito kaysa sa buong bahay namin."

Nag-init muna siya ng tubig sa heater nang napansin niyang may laman pa itong tubig ngunit malamig na. Tatlong tasa ang naroroon ngunit ang pulang kulay ang kanyang kinuha. May gold design ang gilid ng handle nito pati na rin ang bibig ng tasa. Napansin rin niya sa base ng tasa, sa loob na side, naka-ukit sa maliliit na letra ngunit eksakto lang na mabasa, ang initials na D.M.

"Ah, Sir pasensya na po naiisturbo kayo sa kadaldalan ko."

"Okay lang, Melissa. Okay lang. Hindi mo kailangang mag-sorry everytime." Pagkakalmang tugon ni Romualdo. "Mas mabuti nga 'yung may kausap ako dito para naman hindi boring sa office."

Matapos magtimpla ni Melissa ay dinala na niya ito sa amo. Dahan-dahan siyang naglagay nito sa mesa nang hindi mabasa ang anumang papel.

"Ito na ang kape n'yo, Sir Romualdo."
"Salamat, Melissa. Pero hindi ka na sana dapat nag-abala pa."

"Mas mainam pong inumin n'yo agad 'yan habang mainit pa. Para 'di na kayo ginawin."

"O sige. Mag-break muna ako sandali. Mukhang masarap itong kape mo ha. Ang sarap ng bango." Itinabi muna niya ang mga papel sa harap. "Maupo ka muna."

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon