AUTHOR'S NOTE: Since marami ang nakamiss sa ating mga bida, I will upload some of the edited pages of NDSPC! Enjoy mga bukozens :*
PROLOGUE
"CANCELLED? Sure na ba talaga 'yan? Hindi fake news?" dismayadong tanong ko kay Lex na ngayo'y ka video call ko. "Definitely, not hoax. Ready na sana ang swimsuit ko! Kainis talaga." Lex whined like a child in dismay. Narinig ko pa ang mahihinang tunog ng nagdadabog niyang mga paa.
"Wala na talaga tayong magagawa. " I uttered a sigh,"O, s'ya. Salamat sa masamang balita. Tawagan mo nalang ako ulit pag nag U-turn na ang bagyo." she nodded and waved goodbye before ending the video call.
Sumilip ako sa bintana at nagmasid. Kasing kulimlim ng kili-kiling may kabag ang kalangitan. Hindi na talaga 'to biro. Mukhang may mag i-emote na ulap mamaya. Bagyo is real na real.
Bago ko pa man murahin ang langit, isinara ko na ang kurtina. Initsa ko sa kama ang cellphone at dinampot ang travel backback na nakalapag sa sahig. Niyakap ko ito at pabagsak na humiga sa kama. I blankly stared at the ceiling and sighed. Now what?
Tatlong araw nalang at tapos na ang summer break. Ipinagkait pa talaga ng kalikasan ang most awaited beach outing namin. Sa dami ng araw sa kalendaryo, ngayon pa talaga naisipang magpapansin ng bagyo. Tuloy, na udlot ang aming huling hirit sa tag-init!
Why are you like that, storm? Screw you!
Kakatitig ko sa kisame, random thoughts rushed through my mind. Napapikit ako ng taimtim-those painful memories. Dumilat ako at umupo. I shook my head in attempt to erase those thoughts. Ayokong maalala ang bagay na 'yon. Okay na ako.
Itinabi ko ang backback at dumapa sa kama. Inabot ko ang cellphone at nag hanap nalang ng mapagkakaabalahan. Naglaro ako ng games, pero agad rin akong nagsawa.
Naisipan kong buksan ang social media accounts ko. Walang ganang idinulas ko pataas ang hintuturo ko para makita ang ibang post ng friends ko sa facebook.
My phone is as interesting as watching the paint go dry; it made me bored stiff. Tinantanan ko na ang cellphone, umupo, at iginala ang tingin sa loob ng kwarto. Mula sa shelf ko na may limang pirasong libro, sa study table ko kung saan nakapatong ang laptop, at sa mga damit ko na nakatambay sa sofa, na hindi pa titiklop.
How can I possibly escape from this boredom?
There's lot of things to do, pero katamaran is waving. I don't feel like doing anything.
Teka-kanta 'yon, diba?
Itinuon ko ulit ang mga mata ko sa cellphone na hawak-hawak. Wala man lang nakaalala sa'kin. No chats. No text. No calls. Tila dinaanan rin ng anghel ang group chat namin. Hindi man lang nag-iingay ang mga baliw kong kaibigan. Ano-ano kaya ang mga pinag kakaabalahan ng mga 'yon? Iti-text ko rin sana ang jowa ko-ay, wala nga pala ako no'n. He-he!
Kung ano-ano nalang ang pinagpipindot ko sa screen. Kaka-kalikot ko sa cellphone, napunta ako sa dialing pad. Sa loob ng ilang segundong pagtitig sa mga numero, isang kalokohan ang pumasok sa isip ko.
Mukhang masaya mag laro ng numero ngayon. Katuwaan lang naman. Gusto kong subukan 'yong isa sa mga prank na ginawa ng favorite vlogger ko.
'Yong PRANK CALL!
Rush of excitement sent a silly smile on my lips. Napakasulsul talaga ng nilalang na may sungay sa kaliwang balikat ko. Kahit kinakabahan sa binabalak, nag patuloy parin ang mga kamay ko sa pag dial ng numero.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang naprank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakbo ka...