30

2K 115 12
                                    

Chapter 30

PARANG kanina lang ay tinangay ako para sa ‘Bring Me’ booth, ngayon naman, ipinakulong ako dito sa Jail Booth kasama ang captain ng Wild Lion na si Jeric!

Hindi na talaga ako tinantanan ng mga ligaw na leon na’to!

“Hanggang kelan niyo ba ako ikukulong ditooo?” nag mamakaawang tanong ko sa SSC officers na naka police uniform. Dahil sa ingay ng paligid, hindi nila ako narinig kaya ang kasama ko nalang sa loob ng selda ang sumagot.

“Sampo hanggang bente minutos ata.”

“M—Matagal-tagal pa pala.” mahinang sagot ko habang nag iiwas ng tingin. Naiilang kasi ako!

Tinakasan ko na nga s’ya kanina dahil hindi ko alam kung pa’no siya pakikitunguhan matapos ‘yong biglaang confession niya. Tapos ngayon, ‘tong mga ligaw na leon na’to, gumawa talaga ng paraan!

May maiihaw akong mga leon mamaya!

Gustohin ko man na lumayo sakanya, at umupo ng mag isa doon sa upuan sa tabi, hindi ko rin magawa dahil nakaposas kami gamit ang iisang handcuffs.  Hay nako.

Lumapit sa amin ang isa sa mga crew ng Jail booth kaya nagliwanag ang mukha ko sa pag-aakalang papakawalan na niya kami pero hindi pa pala.

“Habang nasa loob kayo ng selda, kailangan niyo munang gawin ang isang challenge!” sabik na anunsyo ng crew. Ipinakita niya sa amin ang isang bowl na may nakalukot na makukulay na papel.

“Bumunot kayo.” utos niya, “Kung ano man ang makukuha niyo ay dapat niyong gawin. Dapat niyong gawin ang challenge kasi pag hindi... ” itinuro niya ang katabing Marraige Booth na kasalukuyang may ikinakasal, “Ikakasal kayo d’yan whether you like it or not!”

“Bakit may gano’n?!” alma ko.

“‘Yon ang mechanics ng booth namin.” masiglang sagot ng crew sabay kindat. Inalog niya ang bowl at inilahad na sa amin, “Bunot na!”

Walang bumunot. Nagtatakang nilingon ko ang katabi ko na sobrang lapad ng ngiti na animo’y kinikilig sa kung anuman ang nasa isip.

“Pa’no kung ayaw namin bumunot?” biglang tanong ni Jeric.

“Kung hindi kayo bubunot o hindi niyo gagawin ang challenge, of course, sapilitan pa rin kayong ikakasal sa Marraige booth at pagkatapos, susuotin niyo ang posas na’yan hanggang sa matapos ang araw na’to.” nakangiting sagot naman ng crew.

Shutagis. Hindi ako papayag! Wala akong freedom for today kung gano’n?!

Lumingon sa akin si Jeric na tila may naisip na magandang ideya. Gano’n nalang ang panlalaki ng mata ko sa sinabi niya, “Kanina gusto lang kita pero ngayon, gusto ko na tayo’y maging isa. Wag na natin gawin ang challenge. Let’s just get married.”

Hanimal! Naka shabu ba ‘to?!

Nagsi-alulong naman ang mga Wild Lion nang marinig ang sinabi ng captain nila. Jusmio! Hindi pa pala ito nahihimasmasan.

Okay lang kung si Shaun—charot!
Oo, choosy ako. Kasi naman e!

Sa kagustohan na hindi mangyari ang kasal-kasalan, at hindi matali sakanya ng isang araw, mabilis na dumukot ako sa bowl. Pero sana pala hindi ko na ginawa dahil mas malala pa ang challenge na nabunot ko kesa sa pekeng kasal!

I crumpled it, “W—Walang nakasulat.” pagsisinungaling ko, “Talaga? Impossible naman. Pwedi ho makita ang papel?” utos ng crew. Mabilis akong umiling, at sinubukang ibulsa ang papel. Pero, sobrang tanga ng papel, nahulog! Mabilis itong dinampot ni Jeric at binasa ng malakas ang nakasulat.

Nang Dahil sa Prank CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon