20

2.5K 129 20
                                    

Chapter 20

NAWALAN ng lakas ang mga binti kong kanina’y excited na sana pumunta ng school. Nabasa ko kasi ang mensahe ni Lex sa messenger.  Buntong-hiningang isinara ko ang laptop, at  sumandal sa upuan.

“Yari. Papasok na siya.” nang aalalang sambit ko.

Absent si Shaun ng isang linggo dahil sa nangyari doon sa Harris Academy,  at ngayong araw na nga raw siya papasok. Good news dahil ibig sabihin lang no‘y okay na ang broken rib niya.

Kaso,  kinakabahan ako.

Pa’no ba pumasok ng invisible sa school?  Gusto ko pagtaguan ang h1nayupak kasi tiyak na maghihiganti ‘yon. Hindi dahil sa pagkakadagan ko sakanya, kundi sa ginawa ko gawa ng pagkataranta no’ng oras na ‘yon.

‘Yon talaga ang nakapag pagising sa diwa niya. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang nanlilisik niyang mga mata na hindi makapaniwala sa natamo.

Okay lang sana kung cardio pulmonary resuscitation (CPR) ang ginawa ko,  pero hindi ‘yon ang unang pumasok sa isip ko. Dahil sa pagkataranta,  isang malutong na sampal lang naman ang naibigay ko sakanya. Namula talaga ang pisngi niya matapos kong gawin ‘yon. Kaya ngayo’y kabado bente ako sa mangyayari kapag nagtagpo mga landas namin.

Paniguradong may mga patibong na na nakahanda para sakin. May mga mag aabang sa’kin sa school, at babatuhin nila ako ng itlog, tapos kukunan nila ako ng video na ipopost online para ipahiya ako!

NOOOO!

“Tigil-tigilan mo na ang panonood ng Korean drama, Xen.” bulong ko sa sarili. I shook my head as if erasing the thoughts inside it.

Kung tutuusin,  dapat hindi ako matakot sakanya dahil deserve niya rin ang hindi sinasadyang sampal na‘yon.

Napag-alaman ko kasi na ‘yong pagiging mascot ko sa Wild Lion ay plano niya para asarin ako.  H1nayupak talaga!

Binayaran lang naman niya ‘yong Marlou, ‘yong mascot man ng Wild Lions, para hindi sumipot sa araw ng laro.  Napaka talaga. Awang-awa pa ako, at nakonsenya dahil natamo niyang bali sa ribs. Sinubukan niya kasi akong saluhin pero mukang namali ang bagsak ko kaya nangyari ‘yon.

May konsensya naman pala siya kunti, pero kapag naiisip ko na ginagawa niya ‘yon dahil trip niya lang na pahirapan ako, ay aba, buti nga sakanya.

Charot lang!

Nag-alala rin ako sa sinapit niya, at nagsorry na rin ako. Akala ko nabagok, at na amnesia na siya—okay lang na ma-amnesia basta ‘yong 80k lang ang mabura sa memory niya. Hehe!

Kinabahan rin ako sa ideya na baka ako ang pagbayarin niya sa hospital bills,  pero araw ang lumipas, wala akong narinig mula kay Shaun.

Not until today.

------

AABSENT sana ako kaso may exam kami today kaya ito napilitan akong harapin ang takot ko. Infairness,  wala namang mala-kdrama bullying  na nangyari pagkapasok ko ng campus simula kaninang umaga.

Panay ang tingin ko sa orasan na tila bumagal bigla, nang-aasar. Atat na atat na akong matapos ang klase para matakasan ang katabi ko na hanggang ngayo’y nakakapagtakang wala pang inuutos sa’kin.

Pero hindi ako dapat makampante. Malay natin, may pinaplano nanaman siyang kalokohan. Mahirap na. Nagliwanag ang mukha ko nang marinig ang bell, hudyat na tapos na ang klase.

Dismissal na!

Nagmamadali inayos ko ang mga gamit ko, at hindi ko na pinansin ang pagtawag ng mga baliw. I need to get outta here!

Nang Dahil sa Prank CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon