2

4.2K 211 57
                                    

SECTION Newton. 'Yan ang pangalan ng section namin ngayong taon. Hindi pa rin ako makapaniwala na ka klase ko na ang mga sinto-sinto kong kaibigan. Hindi nga lang kami magkakatabi ng upuan dahil may seatplan na palang hinanda ang adviser namin.


Kasalukuyang nasa harapan si Lex at nagpakilala sa buong klase. Nang matapos, bumalik siya sa upuan niya na animo'y model na rumarampa sa runway.


Pinunasan ko ang mangilan-ngilan na luha na lumabas sa mata ko gawa ng paghikab. Tumingin ako sa bakanteng upuan sa kaliwa ko. Maganda ang pwesto dahil malapit sa bintana. Gustohin ko mang lumipat, hindi pwedi dahil may naka assign na sa seat na 'yan.


Nakapangalumbabang pinagmasdan ko ang mga ulap sa kalangitan—ang ganda ng panahon. Naalala ko ang nangyari kanina sa shortcut na dinaanan ko. Muntik pa akong mapatili, buti nalang nakilala ko siya agad. Student council member lang pala na nag ro-roving sa campus. Shuta. Akala ko 'yong Shaun na.


Kinalabit ako ng katabi ko sa kanan kaya napalingon ako sakanya. "Ikaw na ang susunod." sabi niya. Nawala ang antok ko sa sinabi niya.


Sino na kasi ang nagpauso ng introduce yourself na'yan? Hindi man sang-ayon, hinay-hinay akong tumayo at humakbang patungo sa harap. Tila hinalukay ang tiyan ko dahil sa nararamdamang kaba. Gusto ko tusukin isa-isa ang mga matang nakasunod sa'kin. Sana talaga hindi ako masuka sa harap!


No'ng nasa harap na'y, huminga ako ng malalim. Hinihigop ko ang lakas ng loob na nagkalat sa hangin. Bibilisan ko nalang para matapos agad. Tumikhim ako at nagsimulang mag salita.


"H—Hello, everyone. I am Xenica—"


"Just one moment, miss Montel." pigil ni ma'am sa'kin. Iniharang niya pa ang isang palad niya, mga dalawang pulgada ang layo mula sa mukha ko. Nagtatakang tumango ako at naduduling na nakatitig sa kamay niya. Nabalot ng bulongan ang silid. Anong meron?


Umatras ako bahagya bago paman ako tuluyang maduling. No'n ko lang nalaman ang dahilan kung bakit tila bubuyog na nag bulongan ang mga kaklase ko—may apat na nag ga-gwapohang nilalang pala ang pumasok sa room namin!


Kagaya ng mga ka-klase ko, nasa mga bagong dating nakatuon ang mga tingin ko. Nakaawang bahagya ang bibig ko habang isa-isang silang pinapasadahan ng tingin. Lahat sila good-looking, pero isa sa nakaka-angat sa paningin ko ay ang pinakamatangkad sa kanila.


I've never seen such gorgeous guy in my life. He's someone who would stand out in the crowd, whom girls would swoon over. His eyes were deep and expressive, where you could get lost if you stare too much.


Kagat labing pinigilan ko ang mga tili nang inanunsyo ni ma'am na ka-klase namin sila. Best year ko na talaga 'to!


Nakasunod parin ang mga tingin ko sa prospect ko hanggang sa makarating siya sa upuan na naka assign sakanya. Sumilay na ang mga mahaharot kong ngiti nang makitang umupo siya sa bakanteng desk sa tabi ko. In a blink of an eye, nabura ang mga ngiti ko nang magtama ang tingin namin. 'Yong puso ko, gusto pa atang lumabas sa ribcage ko sa lakas ng tibok.


Kung 'di ako nag kakamali, may kulay ang mga mata niya. Pakiramdam ko'y hinahalukay ang tiyan ko at may sinulog festival na nagaganap sa dibdib ko. Para siyang gulay, nag papakulay ng buhay—charot!


Mga ilang segundong titigan ang nangyari. Kung hindi pa iwinagayway ni ma'am ang mga kamay niya sa harap ng mukha ko, tuluyan na siguro akong nalunod sa mga mata ng lalaking 'to. Napasinghap ako nang napagtantong, kanina pa pala ako kinakausap ni ma'am!


I smiled awkwardly, "S—Sorry po." paumanhin ko kay ma'am. Nagtawanan ang mga ka-klase ko. Sarap batuhin ng thumbtacks isa-isa.


"Silence. Silence." sita ni ma'am sakanila, "Go on, miss Montel. Introduce yourself." utos ni ma'am. Tumango ako, tumikhim at sinimulan na ang pagpapakilala.

Nang Dahil sa Prank CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon