Chapter 50
WALANG ganang isinubo ni Xenica ang limang piraso ng fries at gigil na ngumuya. Wala pa rin kasi ang dalawa. Gusto na niya itong sundan ngunit hindi niya magawa. Sino ba naman kasi siya sa buhay ni Shaun?
Napaismid nang mapansing wala na palang laman ang box ng fries na kinakain niya. Napaangat siya ng tingin kay Ryu nang abotan siya nito ng panibagong box ng fries, “Sa’kin ‘yan?” paniniguro niya. Tumango si Ryu, “And this one, too.” itinaas nito ang hawak na chocolate mint ice cream na ikinaliwanag ng mukha ni Xen.
Walang pagdadalawang isip na tinanggap niya ito at nagpasalamat. Kailangan na kailangan niya ito lalo’t mainit ang ulo niya.
“Walang problema.”
Natigilan si Xen sa pagsubo ng fries nang ituro ni Ryu ang ice cream na hawak niya, “Kailangan mo ata muna kainin ‘yang ice cream. Baka masunog mo ang mall.” biro niya.
“Ha?”
Napataas ang dalawang kilay ni Ryu nang mapagtantong hindi nito na-gets ang sinabi niya. He let out a soft chuckle. “Wala. Kainin mo na bago pa matunaw.”
“Ahh. Gusto mo?”
Umiling si Ryu bilang pagtanggi habang may ngiti sa mga labi. His radiant grin could definitely cause traffic. ‘Yong tipong mapapahinto ka talaga’t mapapatitig. Natigilan si Xen sa pagkain —hindi dahil sa ngiti ni Ryu kundi dahil kina Shaun at Cherry.
Papalapit na sa kanila ang dalawa. Bakit bagay na bagay sila?! Bakit bagay na bagay kay Cherry ang pulang dress na suot niya?! Bakit magkasama pa rin sila? Xena cried inside.
Hindi sinasadyang nagtama ang mga mata nila ni Shaun, at nag katitigan. Pero agad rin siyang nag-iwas ng tingin matapos ang tatlong segundo kahit sa totoo lang ay gusto pa niya itong pandilatan!
Sumubo siya ng ice cream, at gigil na kinagat ang plastic spoon nang marinig ang sinabi ni Cherry, “Shaun has good taste in clothes. Bagay ba?” Cherry asked, obviously flaunting.
Nag-thumbs up si Ryu bilang pagsang-ayon. Tuluyan na ngang nabali ni Xen ang kagat kagat na kutsara. Alam niyang nakatingin sakanya si Shaun pero hindi siya nagpatinag. Manigas ka d’yan, h1nayupak. Hindi kita papansinin.
Pero hindi rin mapakali ang puso niya sa titig nito. Naiilang na palihim niyang pinunasan ang mukha siya sa pag-aakalang may dumi ito—wala naman.
Ano problema mo h1nayupak ka?
“May isang oras pa tayo. Sa'n niyo gusto kumain?” biglang aya ni Ryu sa kanila. Hindi kumibo si Xenica dahil abala ito sa pagnguya sa kinakaing fries.
Inilinga ni Cherry ang kanyang mata sa paligid, naghahanap ng kainan, “It’s up to you.” walang ganang sagot naman ni Shaun.
Nilingon ni Ryu ang katabi na abala pa rin sa kinakain nitong fries, “May gusto ka bang kainin?” tanong niya kay Xen. Tila hindi siya nito narinig kaya para makuha ang atensyon ng kasama, inakbayan niya ito.
Hindi iyon inasahan ni Xen kaya napapitlag siya sa gulat. Nabitawan niya rin ang hawak na box kaya natapon ang laman nito. At laking pasasalamat niya sa fries na natapon dahil nagkaroon kaagad siya ng rason para makawala sa akbay nito. Mabilis pa sa alas kwatrong yumuko siya’t pinagdadampot ang mga ito.
These fries deserve a prize talaga.
Kung maaari, dapat lumayo ako kay Pres. Ryu para maiwasan ang mga bagay na gano’n. Magagalit sa akin si Kyla panigurado. Baka magalit rin si Shaun—teka muna. Ba’t nasali siya?! Wala naman siyang pakialam sa akin, ‘no. Do’n na siya sa Cherry niya!
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang naprank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakbo ka...