Chapter 40
NAIIYAK ako sa sinapit ng sports car na yayamanin ni Shaun. Wasak na wasak ang bumper nito gawa ng pagbangga niya sa kotse ni Kuya bitter sa commitment no’ng araw na’yon.
Nakokonsensya ako. Wala akong pera para ipaayos ‘yon kaya simula sa araw na ito, mag papakabait na ako sakanya. Hindi ko na siya tatarayan, at hindi ko na siya aawayin—
“H1nayupak. Last ka nalang talaga sa’kin. Stop kicking my chair! Inaano ka ba?” mariing bulong ko sa epal kong katabi.
Binabawi ko na ang sinabi ko na hindi ko na siya tatarayan at aawayin. Talagang may topak talaga ang isang ‘to. No’ng isang linggo, iwas na iwas sa akin tapos ngayon naman sobrang papansin! Tinatadyakan niya ang desk ko habang on-going ang class discussion.
Nagsukatan kami ng tingin ng mga ilang segundo. Bumuntong hininga ako’t nauna ng nag-iwas ng tingin. Napakahirap pa naman din ng topic namin ngayon tapos ngayon pa siya nagpapapansin. Nasan na ba ‘yong snobber na Shaun?!
Charot lang.
“Class dismissed.” anunsyo ng teacher namin. Nakahinga ako ng maluwag at agad sinamaan ng tingin si Shaun na ngayo’y nakatingin sa direksyon ko habang nakapangalumbaba.
“Ano?” iritang tanong ako, “Stand up.” padabog na sinunod ko ang gusto niya. Malaki ang utang na loob ko sa isang ‘to kaya magpakabait tayo ng mga very light.
“May iuutos ako—”
“Saglit.”
Napakunot noo siya nang bigla kong pagpagin ang kaliwang balikat niya.
“What are you doing?”
“May dandruff.” tarantang inalis niya ang kamay ko sa balikat niya at sinuri iyon. Wala naman siyang nakita.
“Joke. Pinagpag ko lang talaga saglit para mapaalis ang demonyo d’yan sa balikat mo. Baka kung ano pa’ng kademonyohan ang ibulong sa’yo.” tumawa ako ng mahina.
Hindi man lang siya tumawa at bagot na bagot ang mga matang nakatingin sa akin. Tumikhim ako, “Ano ba iuutos mo?” pag iiba ko ng usapan.
“I’m thirsty.”
Walang pagdadalawang isip na inabot ko ang tumbler ko at inilapag sa desk niya, “Wala ako sa mood pumunta ng canteen kaya pagtyagaan mo na muna ‘yan.”
Siyempre, gusto ko lang siyang asarin. Alam kong tatanggihan niya ito dahil likas siyang maarte. Ngunit, hindi inaasang binuksan niya ito at walang pagdadalawang isip na tinungga. Ikinagulat iyon nina Rob, Glen at Louie, hindi makapaniwala sa nakita.
Teka lang. Akala ko talaga, tatanggihan niya iyon! Uminom pa ako roon 5 minutes ago. Tumataas baba ang adam apple niya sa bawat lagok. Umakyat ang mga mata ko sa labi niyang kamukbang ang tumbler ko.
Shuta. Ito ba ang tinatawag nilang indirect kiss?
Napaawang ang bibig ko’t walang nasabi. Tinawag siya ng isang SSC officer kaya tumayo siya’t lumabas ng room habang dala dala ang tumbler ko.
“Teka. Da...dalhin mo rin ‘yong may-ari.” bulong ko sa sarili habang nakasunod ang mga mata sa likod niya hanggang sa maglaho siya sa paningin ko. Shutaaaa.
Biglang may humila sa’kin pababa kaya napaupo ako sa desk ko. Agad naman akong pinalibutan ng mga baliw, at ng mga hinayupak. Bakas sa mga mukha nila ang maraming katanungan. Mahohotseat pa ata ako.
“Alam mo ba na maarte ‘yon?” umpisa ni Louie.
“Oo naman! Alam naman siguro ‘yon ng lahat ng nandito Armani. Yes. Si...in every language. Alam na alam.” sagot ko.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang naprank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakbo ka...