Chapter 42
NAPAYAKAP ako sa unan, at napakagat pa sa kumot sa kalagitnaan ng gabi. Shuta. Ayaw ako patulogin ng kinikilig na insekto sa tiyan ko. Hindi ko lubos maisip na mas pinili akong samahan ni Shaun kaysa kay Kyla Marie.
Ganda ka gurl? Pak.
Gusto ko tumalon sa kama kaso wag nalang pala. Baka mabutas pa ’to. Wala pa akong budget pampalit. Pero seryoso, kinikilig ako mga 1000000000%! Bumangon ako at binuksan ang laptop. Nang makita ko ang wallpaper na walang iba kundi si Shaun, agad ko itong kinindatan.
Itong gwapong ‘to nakadate ko—ehem, date narin naman ‘yon na maituturing. Heheh!
Pinagdarasal ko na nawa’y pagkatapos ng data na’yon ay magkaroon na kami ng malanding ugnayan ng h1nayups. Sana’y hindi umepal ang ex-fiancé niyang mahilig sa pink.
Ano kaya ang nasa isip ni Shaun ngayon? Kinikilig din kaya siya like me? Mwehe!
Napasimangot ako nang maalala ang isang bagay. Base sa kwento ng mga h1nayupak, bet ng parents ni Shaun si Kyla. They’ve chosen her for him. Hay, lintik. Ayaw parin ng puso ko mag give-up.
----
HINDI ko na mabilang kung ilang beses na akong humikab ngayon araw. Halatang-halata sa eyebags ko na hindi ako pinatulog ng freaking overthinker brain ko. Hanggang sa café, kahit naka dalawang cup na ako ng black coffee, inaantok parin ako.
Kumakain ako ng cake sa kitchen nang silipin ako ng isa sa kasamahan namin na tila hindi maipinta ang mukha. Nagmamadaling isinubo ko ang cake at tumayo.
“Xen, pakisuyo sa table 30. Na jejebs ako!” nag-OK sign ako gamit ang aking daliri. Marami-rami rin kaming customer ngayon.
Agad kong nilapitan ang table 30, at kinuha ang order ng mga nakaupo roon. Naudlot ang paghikab ko nang marinig ko ang mga pamilyar na tawa sa kabilang table kaya napalingon ako roon. Nakakapagtakang natahimik sila at dahil nakatingin sila sa kanya-kanyang menu, hindi ko nakita ang mga itsura nila.
Gusto ko sana silang lapitan at tanungin kong anong nakatatawa kaso tinawag ako ng isang customer kaya pinagpaliban ko nalang. Nawala narin sa isip ko ang rude customers na’yon. Naging abala rin ako dahil sa dami ng orders, tumulong narin ako sa counter.
“Xen, saglit lang ha. Ikaw na muna d’yan. Naubusan na tayo ng strawberry. Kuha muna ako sa storage.” paalam sa’kin ng kasama ko. Tumango ako habang inihahanda ang isa pang order.
Biglang pumasok si Dexter sa café na naghahabol ng hininga, “Napano ka?” tanong ko sakanya pagkalapit niya sa counter.
“Xen, may atraso ka ba sa mga gangster?” hinihingal na tanong niya. Natigilan ako nang maalala si Gasul.
“M—May mga nanggugulong grupo sa bridge, at hinahanap ka!” bulong niya na halata ang pag-aaalala. Kinabahan ako bigla.
“S—seryoso ka ba? M—masamang biro ‘yan, Dexter. Sisirain ko laboratory mo!”
Napakunot noo siya, “Laboratory?” takang tanong niya. Hindi niya ata na-gets, “Ah basta. Wag ka nga mabiro ng ganyan! Tulongan mo na nga lang ako dito. Dami-daming customer, gala inaatupag mo. Pa-prank mo pa ako. Walang bridge dito!”
Nabura sa mukha niya ang pag-aalala at napalitan ito ng nakakalokong ngiti. Pinanliitan ko siya ng mata nang tumama nga ang hula ko.
“Tigil-tigilan mo nga ako sa mga prank mo, Dextros!” tumatawa itong inilabas ang camera niya. Nireview niya ang video at tumawa ulit.
“Seryoso, takot na takot ka ata sa part na’to.” tukoy niya sa isa sa itsura ko sa video. Gusto ko sana ikwento sakanya ang tungkol kay gasul pero hindi na ako nag-abala pa. Sinipa ko nalang siya sa binti.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang naprank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakbo ka...