38

2K 107 15
                                    

Chapter 38

NATAPOS nalang ang klase pero hindi pa rin ako pinapansin ng crush kong snobber. Nakakatuliro. Hindi malaman ang gagawin at-charot. Kanta 'yon. Pero seryoso, ano ba kasing problema niya?!

Anong kasalanan ko?

Napagtanto na ba niyang kadiri ako? Burara? Ayaw niya ba sa uncoordinated girl? Buset. Nakakawalang gana. Gusto ko nalang sana umuwi ng maaga, mag senti, kumanta ng sad songs sa smule hanggang sa mapaos kaso, may lakad pa pala ako.

Hindi mawala-wala sa isip ko 'yong tingin niyang mala-ice stalactites; malamig at nananaksak nang makita niya akong sumakay sa isang kotse. Galit na galit gustong manakit!

Bahala ka nga sa buhay mo, Shaun!

Libangin ko nalang muna sarili ko. Tamang-tama naman na inaya ako ng gala ni Kei na ngayo'y napadayo sa beautiful town namin for personal reasons daw. Magkasama kami ngayon sa loob ng kotse niya, kakain kami sa labas bago siya lumuwas pabalik ng syudad. Marami siyang ikinikwento sa'kin pero dahil masyadong preoccupied ang isip ko sa hindi pagpansin sa'kin ni Shaun, wala akong naintindihan ni-isa sa mga pinagsasabi ni Kei.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, at nakailang buntong-hininga na. Naramdaman kong may nangalabit sa akin na nakapagpabalik sa'kin sa wisyo. Tila tinakasan ako ng kaluluwa ko, napapidpid sa pinto, at napasigaw nang makita ang itsura ng nilalang na nakaupo sa driver seat.

"AAAAAHH!" tarantang tinanggal ko ang seatbelt, at baba na sana kaso nakalock ang pinto.

Napapigil hininga ako nang lumapit pa ito sa'kin, "W-Wag mo'kong kainin, hindi ako masarap! Hindi pa ako pinapansin ng crush ko!" nakapikit na pagmamakaawa ko habang nakatakip ang mga kamay sa mukha.

Biglang tumahimik na ikinapagtaka ko. Hinay-hinay kong inangat ang ulo ko't ibinuka ang mga daliri para silipin ang nilalang.

"BOOOO!"

Sa sobrang gulat at takot, tila may sariling isip na umangat nalang ang kamao ko't sinuntok ang nakakatakot niyang mukha.

"A-AW! HEY HEY! ARAY KO, XEN. HAHAHA BIRO LANG OY. AHH-"

Binaklas niya ang suot na maskara kaya nakilala ko kung sino ang nasa likod no'n. Pawis na pawis ito na tila takot matamaan ng sapatos ang gwapo niyang mukha.

Parang talagang totoo 'yong maskara na suot niya. Medyo kamukha nito 'yong clown sa pelikulang IT, pero mas nakakatakot.

"Shuta ka, Cy-insured naman siguro 'yang mukha mo. Pwedi pa one hit?" nanggigigil na paalam ko.

"Heheh, sorry na, sorry na." malumanay na kinuha niya sa kamay ko ang sapatos na ihahampas ko sana sakanya, "May shoot pa kami, mamaya. Baka magalusan." dagdag niya.

"Siraulo. Takot ako sa mga ganyan." pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang mga kamay ko, "Ba't ba nakasuot ka ng ganyan? Lakas rin ng trip mo, ah."

Nagtatakang tiningnan niya ang maskara, "Uh? Pinapili kita kanina kung make-up o maskara. Pinili mo..." itinaas niya ang maskara, "...ito." natatawang sabi niya.

Tumikhim ako bilang tugon. Masyado ata akong lutang kanina, "A-Akala ko cute." palusot ko. Ngumisi siya't itinapon ang maskara sa backseat.

"Make up nalang! Tiyak hindi ka nila makikilala sa make-up na ilalagay ko sa face mo." kinuha ko ang make-up kit na inihanda niya. Sinenyasan ko siyang lumapit bahagya para masimulan ko na ang paglalagay ng kolorete sa mukha.

"Naiwan sa crush ang isip!" pang-aasar niya. Natawa ako habang nilalagyan ng pulang lipstick ang mga labi niya.

"H-Hindi kaya. In his dreams. Wag ka ngang malikot!"

Nang Dahil sa Prank CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon