Chapter 33
TILA musika sa pandinig ko ang boses niya kapag tinatawag niya ako sa pangalan ko. Gusto kong kiligin dahil ngayon ko lang siya ulit narinig na sinabi ‘yon.
“Xenica, wake up!”
Kyaaah—huhu!
Pero ayokong kiligin ngayon! Nasa isang freakin’ embarrasing situation ako, idagdag mo pa na para akong timang sa pinaggagawa ko.
Hanggang kailan ba akong mag papatay-patayan dito? Kelan ba kasi siya aalis sa tabi ko para makapag-fly away and go-go-go na ako?
Mukhang hindi ko siya mapapaalis sa ganitong paraan. Agad akong nakaisip ng ideya. Idinilat ko ang mga mata ko, at umupo na ikinagulat niya.
“You okay now?”
“Okay na pala ako. Iwanan mo na ako rito. P—Pwedi ka ng umalis.” pinagpapawisan ng malamig na bugaw ko sakanya.
“You collapsed, you’re bleeding to death. How’s that okay?! You're definitely fckn not okay.”
Nanlaki ang mga nang gumalaw siya’t inakmang kargahin ako kagaya ng kanina. No way! ‘Yong tagos baka mahawakan niya!
Mabilis akong napaatras para pigilan siya sa binabalak, “WAG NA WAG MO ‘YANG GAGAWIN.” sa gulat niya, naitaas ang dalawa niyang kamay na animo’y hinoldap.
“Does it hurt a lot?”
Nagdadalawang isip man ay tumango nalang ako para matapos na ang usapan. Buset na’yan. Di ko maimagine na dumikit ‘yong dugz sa braso niya. Animals! Isang million shutaness this life talaga.
“Okay. Okay. Calm down. I will ask for help. Just...Just don’t close your eyes again.”
Natuwa ako sa narinig sa pag-aakalang aalis na siya’t manghihingi ng tulong. Makaka-grand exit na ako!
Pero hindi gano’n ang nangyari. Laglag balikat na pinagmasdan ko siyang nag se-cellphone sa harap ko, “D—Diba manghihingi ka ng tulong? Ano pang hinihintay mo?”
“I’m waiting for help.” sagot niya naman, “I called for help already. Don’t worry.”
Nawalan ng lakas ang mga braso ko na nakatuko sa lupa sa sinabi niya. Wala na talagang pag-asa na umalis siya. Pa’no ba ‘to?
Parang gusto ko nalang maubusan ng dugo at mawalan talaga ng malay this instant! Nanlaki ang mga mata ko nang may wangwang na narinig! Hindi ako pweding magkamali.
AMBULANSYA ‘YON!
“T—Tumawag ka—ba’t ka tumawag ng ambulansya! Hutang’na. Bakiiiit?” tarantang sabi ko. This has all gone wrong. Pagtatawanan talaga ako ng mga paramedics kapag nalaman nila ang totoo.
Walanjo.
“Hey. Hey. Calm down. I did—”
“Che! Wag mo kong kausapin. Buset!”
Pinilit kong tumayo kahit masakit ang paa ko. Aalalayan niya sana ko pero pinigilan ko siya, “D’yan ka lang!”
Agad kong hinubad ang gown, at inilukot ito para hindi niya makita ang malaking tagos. Mabuti nalang talaga at itim na jeans ang suot ko. Pero ano naman kung itim? Hindi rin naman no’n mababago ang katotohanan na nakita na ni Shaun ang crime scene.
Nakakahiya.
Para talagang may krimen na nangyari sa dami ng tagos. Heavy bleeder problem be like!
Yakap yakap ang nakalukot na gown, tinalikuran ko siya at paika-ikang humakbang paalis. I need to get out of here!Hinawakan niya ako sa braso para pigilan. Huminga ako ng malalim, “What?” malumanay ngunit iritadong tanong ko. Hindi ko narin siya nilingon. Binitawan na niya ako pero hindi siya kumibo.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang naprank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakbo ka...