Chapter 45
MULA ng malaman ko na may kinababaliwan ang h1nayupak, malapit na rin ata akong mabaliw kakaiisip kung sino ang lapastangang nilalang na’yon!
‘Yong mga babaeng tinatarayan at sinusungitan ni Shaun, nakalista narin sa mga pinagdududahan ko. Pati narin ang mga magaganda na nasa Senior High, hindi nakaligtas sa lista ko.
Kahit nga pangalan ko, numero uno pa sa lista. Hahaha!
Pero seryoso, isang linggo na ang lumipas pero hindi pa rin ako sigurado kung sino ang nilalang na’yon. May isa akong pinagdududahan.
Naalala niyo ‘yong Junior student na wagas kung magpacute kay Shaun? Yes, si Cherry.
Cherry bomb!
Hindi talaga bomba ang apilido niya pero gusto ko lang na tawagin siyang gano’n. Gusto ko kasi siyang pasabugin—charot!
Halos araw-araw niyang nilalapitan si Shaun. Natutuwa ako noong una dahil tinatarayan siya ng h1nayupak, as in super taray at savage pero these past few days, iba na ang pakikitungo niya sa bombang ‘yon.
Pinapashare pa sa table namin!
No’ng Gym class namin, habang naglalaro ang mga boys ng basketball, ang halipandot nakisali. Lalapit-lapit kay Shaun tapos aagawin ang bola. Napaka papansin talaga!
HINDI NAMAN AKO NAGSESELOS pero gustong gusto ko na talaga siya batuhin ng bolang semento.
Ganda-ganda na sana ng araw ko dahil napakagandang panaginip pero sinira lang ni Cherry Bomb na ngayo’y nakikisali nanaman sa mga boys na naglalaro ng volleyball sa court. Buset na’yan.
Si Shaun na noon parang may sapi, ngayo’y nakikipagusap na kay Cherry Bomb. Mas lalo akong nagduda. Siya ba? Siya ba, Shaun?
“Hoy, kalma. Kay liit ng kamay mo, nayupi mo ‘yang lata” kinuha ni Rob mula sa kamay ko ang lata ng soda na totoong na yupi talaga.
Tumayo ako’t pinagpag ang likod jogging pants, “Nagpapraktis lang ako. May yuyupiin kasi ako mamaya.” makahulogang sabi ko habang nakatuon ang mga mata kay Cherry Bomb.
Palihim akong umirap, at lumakad na palabas ng gym. Tumataas ang presyon ko sa kanila. Pero hindi pa nga ako nakakalayo, saktong nahagip ng tenga ko ang bulongan ni Lex at Rob.
‘Yong totoo. Nagbubulungan ba talaga sila? Lalakas ng boses e.
“Babe, may hindi kayo sinasabi sa amin. Si Cherry and Shaun. Umiba ata ang ihip ng hangin. What's up with them? Bigla atang bumait si Shaun sa prutas na’yan?”
Nagkibit balikat lang si Rob, at umiling, “Aba’y malay ko.”
“Something's fishy. But babe, I don't like her. Can I kill her?” pabirong sabi ni Lex.
“Bago mo siya patayin, patayin muna kita.”
“Paano mo’ko papatayin?”
“Ganito.” inambahan ni Rob ng mahigpit na yakap si Lex na ikinatili nito. Napailing nalang ako’t tinakpan ang tenga. Hindi naman ako naiingit. HINDI!
Hindi nga sabi—
Binaba ko ang kamay ko’t sinita sila, “Guys, respeto naman!” natigilan sila sa paghaharutan. Napalakas ata ang boses ko dahil pati ‘yong mga naglalaro sa court, especially Shaun, nagsitigil rin sa paglalaro. Binalingan ko ng tingin ang h1nayupak na katabi si Cherry.
Fine. Magsama kayo!
Padabog na tinungo ko ang pinakamalapit na vending machine para bumili ng pampalamig sa ulo kong nag-iinit. Pero mali atang sa vending machine ako lumapit dahil mas lalo lang nag init ang ulo ko nang hindi lumabas ang soda na binili ko. Sumabit sa loob. Anak ng shutakels.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang naprank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakbo ka...