HINDI parin humuhupa ang issue tungkol sa pagdukot ng mga gwapong h1nayupak kahapon, at kitang-kita ko sa mga mata ng mga students na nakakasalubong ko habang naglalakad patungo sa room namin ang ang katunangan kung bakit ako at hindi sila ang dinukot—charot lang. Pero seryoso, umagang-umaga, na ba-badtrip ako sa mga tingin nila. May nahuli pa ako na pinag-uusapan ako. Hindi ako sikat at hindi nga ata alam ng Armani High ang existence ko, but I got an instant fame nang dahil sa nangyari kahapon.
Pag may nahuhuli akong nakatingin sa'kin, agad ko pinanliitan o di kaya'y pinandidilatan ng mata, "Bukas, magdadala na talaga ako ng jolen. Ibabato ko isa-isa sa makikita kong titingin sa'kin." bulong ko sa sarili.
Naikwento ko na kay Lex at Nisha ang totoong nangyari kahapon, mula sa pagtakas ko sa klase hanggang sa airport moment. Proud sila sa pagiging palaban ko pero pinagtawanan naman nila ako sa part na sinabuyan ako ng inumin ni Santita. Napakabait na kaibigan. Insert sarcasm here. Ayon, kunwari, nagtampo ako at nag offline na sa chat namin kagabi kaya hindi ko na naikwento ang iba pa'ng detalye.
Hinihingal na narating ko ang classroom namin. Para kasi iwasan ang mga usyusera at mapangmata kong schoolmates, dumaan ako sa likod ng mga buildings. Malayo ang nilakad ko!
Pagpasok ko sa pinto, sumandal muna ako sa pinto para magkapaghinga. Pumikit pa ako saglit at pagdilat, tumingin ako sa direksyon ng upuan ko. Pero hindi roon dumapo ang mga mata ko, kundi sa taong nakaupo sa katabi ng desk ko. Literal na nanlambot ang tuhod ko nang makita ang nilalang na nakaheadset, nakatingin sa labas ng bintana na nakapangalumbaba na animo'y kumikislap habang gumagawa ng sariling music video sa umaga.
Sino pa nga ba? Walang iba kundi ang walangh1yang nang-iwan sa'kin sa airport. No other than Shaun Joshua Sy! Kung sinuswete—este minamalas ka nga naman.
Nakalimutan ko na magkatabi nga pala kami ng desk. Tumayo ako ng tuwid at taas noo siyang tiningnan siya. Wala na akong atraso sa kanya. Bakit ba ako natatakot? Kaya ko siyang i-ignore kahit ga'no pa siya ka gwapo at kahit pagdikitin pa ang upuan namin, 'no!
"You have nothing to do with him anymore, Xenica. Isipin mo nalang na invisible ang katabi mo, na kasapi siya ng mga germs sa paligid." tumatango-tangong kumbinsi ko sa sarili. Mahigpit na hinawakan ko ang strap ng backpack ko, at sinimulan na ang paghakbang papunta sa upuan ko.
Nang marating ang pwesto, pasimpleng umupo ako roon—pero sa totoo lang, kabado ako one million times. Pinipigilan ko rin ang leeg ko na gustong lumingon sakanya, "Drawing lang siya. Statue. Obra..." bulong ko sa sarili habang nakatingin sa harap.
"Goodmorning, babe!"
Napapitlag ako at napatayo sa gulat nang maramdaman ang kamay na dumapo sa balikat ko. Inalis ko kamay niya at nilingon ang may-ari no'n. Si Louie pala.
"Sorry, babes." sinuklay niya ang malambot niyang buhok patalikod at kumindat, "Nagulat ka ba sa ka gwapohan ko—"
"Nakakatakot kasi 'yong mukha mo, dude." tumatawang sabi naman ni Rob na kasunod niya lang. Itinaas niya ang kamay niya sa'kin, "Goodmorning!" nakangiting bati niya. Palipat-lipat ang mga mata ko sakanila habang ang mga kaklase ko namang babae ay nagsitili dahil sa mga nagsirating.
"Naparami ka ata sa kape, Xen. Goodmorning." bati rin ni Glen na umupo na sa seat niya. Kanya-kanya narin ng punta sa seat nila si Rob at Louie. Hindi ako nakapagsalita. Naiwang nakaawang ang bibig ko, ina-absorb ang mga nangyari. Jusmio. Tatlong nag-gagwapohang lalaki ang bumati sa'kin ng goodmorning!
Hindi ko napansin na ako nalang pala ang nakatayo at nangingiti pa na parang timang. My thoughts were cut off when someone called me.
"Hoy, bal1w. Nababal1w ka nanaman. Anong nginingiti mo d'yan?" natatawang tanong ni Lex. Kasunod niyang pumasok si Nisha, "Nasa other world nanaman 'yan o 'di kaya'y ini-imagine ang forever niya." pang-aasar nito.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Fiksi RemajaWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang naprank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakbo ka...