10

3.2K 149 15
                                    

NAKATUON ang mga mata ko sa chocolate pudding na nakalagay sa platito na binili ko mula sa canteen. Ingat na ingat ako kada hakbang para lang hindi mapano ang pinakapaborito kong pudding. Nag-wiwiggle pa ito na tila sumasayaw sa tuwa. Sarap sundutin.

Dahil nasa hawak-hawak ko ang aking mata, hindi ko napansin ang mga delubyo—este grupo ng kalalakihan na makakasalubong ko. Kampante ako na kahit hindi ako nakatingin sa daan, madadala ko ng maayos ang pudding sa tambayan namin ng mga baliw.

But I was wrong. Nakalimutan ko na may tao nga palang kulang sa aruga na ipinanganak lang sa mundo para inisin ako. Napasinghap, at napapigil hininga ako habang sinundan ng tingin ang dumulas na chocolate pudding mula sa platito nang sagiin ako sa balikat ng anak ni hud@s. Nakaawang ang mga labi ko, at naiiyak sa kalunos-lunos na sinapit ng pudding ko. Nasa sahig na ito at nahati pa sa tatlo.

"Watch where you're going, fruitcake. Bulag ka ba?"

Tumaas-baba ang d1bdib ko sa labis na panggigil sa kr1minal na nagsalita—na siya'ng bumangga sa akin. Matapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon, parang walang nangyaring umalis na sila. Inis na sinundan ko ng tingin ang mga likod nilang papalayo. Hindi. Hindi ako papayag na ginagano'n ako, "H1nayupak talaga." bulong ko sa sarili.

"Hoy, Shaun." tawag ko sa lalaking nakapamulsang naglalakad na pinapangunahan ang grupo nila. Ni isa sa kanila'y walang lumingon kahit alam kong narinig nila ang pagtawag ko. Sa pangalawang pagkakataon, nilakasan ko na ang boses ko. Umalingaw-ngaw iyon sa hallway kaya pati ang ilang studyanteng naroon ay napalingon sa akin.

"SHAUN!" nanggigigil na tawag ko sakanya. Hindi niya parin ako nilingon. Dahil sa panlulumo, sa puot at sa kagustohang ipaghiganti ang kawawa kong pudding, walang pagdadalawang isip na dinampot ko ang kalahating parte ng chocolate pudding na nasa sahig at inihagis sa direksyon niya. Hindi naman siya natamaan pero natalsikan naman ang sapatos niya. Sapat na iyon para mapalingon siya sa akin.

Isa siyang masamang balita sa itinuturing kong BEST SCHOOL YEAR ng buhay ko. Narinig ko ang mahihinang tawa ng mga kaibigan niya na nakatingin sa sneakers niyang puti na namantsahan ng pudding. Lakas loob na humakbang ako papalapit sakanya.

"Sa ating dalawa, ikaw ang nakatingin sa daan. Ang laki laki ng hallway, jusko. Pwedi ka namang umiwas, 'di ba? Pwera nalang kung nagpapapansin ka?" walang prenong sabi ko, "Crush mo ba ako para magpapansin ka ng ganyan?!"

Alam kong ang kapal ng mukha para sabihin 'yon, pero nagbabakasali na ako na baka pag inasar ko siya'y titigilan na niya ako, "Ako? Magkakacrush sa'yo?" he said in a mocking way.

Napapansin ko na rumarami na ang nakikiusyoso sa paligid. May iba pa na nag-vivideo. Tumikhim ako at inirapan siya, "As if namang gusto ko rin na mag ka crush ka sa'kin. Tch."

"Can you just atleast say sorry?" sabi ko habang nakahalukipkip sa harapan nila. Walang kibo ang tatlo niyang kasama na tila tuwang-tuwa pa sa nakikita.

"Sorry for what?" walang gana niyang sagot. Tila tumaas ang presyon ko sa narinig na sagot. Gusto ko baliin ang hintuturo niya. Tila may kurenteng dumadaloy sa pagitan ng pagsusukatan namin ng tingin. Tila ayaw na ni Glen na lumaki ang gulo kaya lumapit siya sa akin at inakbayan ako.

"Bili ka nalang namin ng bago." Glen offered.

"Sinong may sabi?" alma ni Shaun. Tinanggal ni Glen ang braso niya sa balikat ko at lumapit sa kaibigan niyang may saltik. Tinapik niya ito sa balikat. Magkasalubong parin ang mga kilay ko habang pinagmamasdan sila. Mangisay ka, Shaun!

Muling humarap sa akin si Glen na nakangiti, "Seryoso, bili nalang tayo ng bago para wala ng gulo. Pudding lang 'yan."

Tinaasan ko ng kilay si Glen,"Pudding lang 'yan?" nanunuyang sabi ko. Bumuga ako ng hangin, hindi makapaniwala na ni la-lang niya ang pudding ko, "For your information. Wag mo ni la-lang ang pudding na'yon dahil una sa lahat, favorite ko 'yon at pangalawa, last nalang 'yon for today! Wala ng iba sa canteen. Anong ipapalit niyo?"

Nang Dahil sa Prank CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon