Chapter 15
NAGPUMIGLAS ako pero ang siraulo, ayaw talaga akong bitawan. Ngumisi pa ito ng nakakaloko. Nasa ilalim lang ng mga kamay namin ang mga drinks nila Shaun. Makawala lang ako dito, isasaboy ko ‘to sakanya!
Huminga ako ng malalim at sinamaan siya ng tingin. Mukhang kailangan ko na gamitin ang vocal chords ko para makahingi ng tulong. Sinubukan kong alisin ang kamay ko sabay banta, “Bitiwan mo po ako while I’m being nice. Kapag sumigaw ako, paniguradong wala ka ng traba—”
May mga mabilis na kamay ang walang pasabing tumulong sa akin para makaalis mula sa pagkakahawak ng malanding barista. Hindi ko inasahan ‘yon. Pero laking pasasalamat ko na dumating si Shaun.
He didn’t say any word. Hindi niya rin ako binalingan ng tingin. Dinampot niya lang ang mga inumin pero bago siya tumalikod, isang mapagbanta at malamig na tingin ang ibinigay niya sa barista.
Sige, Shaun. Saksakin mo siya ng mala stalactites mong titig!
Ramdam ko ang tibok ng puso ko dahil sa nangyari. Buset na barista. Lalo na ng mapansin ko ang masamang tingin ng barista kay Shaun at maangas na ngumisi.
“Pakialamero. Ikaw ba ang boyfriend?” biglang tanong ng barista kay Shaun.
“Hindi ko siya boyf—”
“You’re paid to work here, not to flirt with your customers.” animo'y boss na nangangaral ng empleyado na sabi ni Shaun. Minsan talaga natutuwa ako sa kasungitan at nakakaintimidate na ugali niya.
“Ano bang paki mo, at sino ka ba?” maangas na tanong ng barista. Hindi na binigyan ng oras ni Shaun ang tanong nito. Nakakabastos man ang ginawa ni Shaun na pagtalikod, deserve niya ‘yon!
Bago ako sumunod kay Shaun, I stuck my tongue out to tease the poor barista, “Papalampasin ko muna ‘to dahil ayoko ng gulo.” sabi ko sakanya sabay talikod.
Ngunit hindi ko inasahan ang biglang pagtaas ng boses niya. Nanggagalaiti, “HOY! BASTOS KA. KINAKAUSAP PA KITA. GAG*” tawag ng barista kay Shaun.
Natahimik ang mga tao sa café dahil sa lakas ng sigaw nito. Nagsitayo sina Glen, Rob at Louie na seryoso ring nakatingin sa barista.
“Easy ka lang boy.” sabi ni Rob. Ramdam na ramdam na namin ang tensyon sa pagitan nila. Nangangamoy suntukan! Shuta.
“Nangangati pa man din kamao ko.” sabi ni Louie na pinatunog ang mga daliri na tila nag-wawarm up. Ngumisi naman ng makahulugan si Glen.
Hindi naman nila hobby ang suntukan diba? Ano bang alam mo Xena? Shaun just smirked. Nag patuloy sa paghakbang papunta sa mesa namin.
“Takot ka bang makita ng girlfriend mo na di ka marunong sumuntok?” pang-aasar ng barista sabay turo sakin. What made him think na boyfriend ko si Shaun? Nakakaflatter naman—yuue.
Pero kalokohan ko talaga, sinakyan ko nalang, “Sus, di ‘yan. Sige na, Shaunie. Patikim mo nga yan ng kamao para manahimik! Suntok na. Go! Go!” siyempre ibinulong ko lang‘yon. Pero sobrang talas ng pandinig niya, bigla niya kasi akong tiningnan. Mabilis akong nagtakip ng bibig. Jusmio, narinig kaya niya?
Lalapitan na sana ng barista si Shaun nang tarantang nagsiawat ang ibang staff ng café, “Awat na kasi! Gusto mo ba tuluyang mawalan ng trabaho?!” banta ng babaeng barista rito—‘yong nag lalaway kanina.
“Kung mahal mo ang trabaho mo, bumalik ka nalang sa pwesto mo.” makahulugang sabi ni Glen. Inilapag na ni Shaun ang inumin sa mesa. Agad namang kinuha ng mga hinayupak ang mga drinks nila, at nagsi-upo na parang walang nangyari.
These guys are weird.
Pero sa unang pagkakataon, natuwa ako kay Shaun. He’s not that bad after all.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Fiksi RemajaWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang naprank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakbo ka...