41

2.1K 115 18
                                    

Chapter 41

GUSTO ko ng bumitaw, pero ayaw pa ng puso. Gusto ko ng bumitaw—hay. Sinubukan kong humanap ng bagong crush online pero ayaw talaga ng PUSO! Dagdag mo pa na LOVERS ang result ng FLAMES naming dalawa, at HE LOVES ME ang sinabi ng isang pung-pong ng dahon ng malunggay na pinagtyagaan ko kanina. Kaya hindi ko matigil-tigil ang labang ‘to.

Apaka sulsol ng Flames at dahon ng malunggay kasi.

Kapag naalala ko ang mga sinabi ni Rob, nawawalan ako ng pag-asa. Mga h1nayupak talaga. Dapat pala hindi na ako nag tanong. Tatanong-tanong tapos masasaktan. Shunga ka gurl.

On the other hand, naiibsan naman ang sadness ko kapag naaalala ko ang sinabi ni Glen. Pa’no kung may gusto talaga siya sakin? Kyaaah—

Ayan nanaman tayo sa kilig na’yan. Parang hindi nagasgasan e ‘no? Sarap hampasin ng walis tambo.

Hay, imbes na mag move-on, ginawa ko pa siyang laptop wallpaper. Shuta. Hoping na hoping e. Para akong sira na kinakausap ang picture niya, inaaway ko pa! Huta, nakakaulol.

Para hindi na ako tuluyang masiraan ng bait, naisipan kong gumala. Pero isang pagkakamaling lumabas ako ngayong araw. Sana pala tinali ko nalang ang mga paa ko. Sa sobrang pag-iisip ko sa mga nalaman, dinala ako ng mga paa ko sa isang yayamaning SALON!

Nagamit ko pa ang pambayad utang ko kay Shaun.

Napamake-over ako ng wala sa oras! Kasalanan niya rin naman. Huhu. Nagpakulay ako ng buhok sa pinakamurang halaga—3k LANG naman! Buset talaga.

Napagastos man ako ng malaki, nakakuha naman ako ng tips galing kay ate gurl sa salon. Tips on how to make your crush like you.

Number 1: Make over!

Dalang-dala naman ako sa marketing strategy ni ate. Pero hindi naman pangit ang kinalabasan; bagay na bagay sa’kin. Newborn feels—charot.

May iba pa siyang tips pero may isa na tumatak talaga sa isip ko.

BUY YOUR CRUSH A CUP OF COFFEE.

May fifty pesos pa naman ako dito. Saktong-saktong pambili ng isang paketeng 3 in 1 coffee. Hingi nalang ako ng baso sa starbucks tapos tunawin namin do’n.

Haha!

Pero jusmio, nakaka turn off naman ‘yon. Yayamanin pa man din ang h1nayupak na‘yon.

Mahaba pa naman ang araw kaya hindi na muna ako umuwi. Bagkus, tumungo ako sa mall at naisipang maglibot. Window shopping na muna. Gusto ko rin e check ‘yong stuff toy na gustong-gusto kong bilhin. ‘Yong uod na yellow sa LARVA!

Pagkarating ko sa boutique, agad ako binati ng store owner na si ate Precy, “Kumustahin ko lang ang anak ko ate Precy!” sabay yakap ko sa uod na matagal ko ng gustong bilhin.

“Kaylan mo ba ‘yan kukunin? Baka ma ampon na ‘yan ng iba.”

“Eh! Wag mo ibigay, ate. Malapit na ako makaipon. Promise. Soon soon, kukunin ko na siya.” hinigpitan ko ang pagkakayap sa uod.

“Baby, tutubusin na kita kapag nakaluwag luwag na si mama.” nakapikit at parang pusang ikinikiskis ko ang pisngi ko rito.

Pagkadilat ko, natigilan ako nang matanaw ang familiar na nilalang na abala sa cellphone nito, ngumingiti-ngiti pa! Kinusot ko pa ang mata ko para siguradohing hindi ako namamalikmata.

Parang tutang na excite naman ang puso ko nang makita ang amo nito.

Si Shaun nga.

Pero agad ring nawala ang sabik nang sumulpot ang babaeng nakapink, at inilingkis pa ang mga braso nito kay Shaun. Pansin kong hindi nagustohan ng h1nayupak ang ginawa nito pero hindi man lang niya sinubukang alisin.

Nang Dahil sa Prank CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon