MATAPOS bitawan ni Shaun ang mga malalamig na salita, tinalikuran niya ako at iniwan sa tatlo pa niyang kasama. Bumuga ako ng hangin para ilabas man lang ang inis na nararamdaman.
"Buti nga sa'yo. Deserve mo 'yan. Napaka gaspang kasi ng ugali mo. Gwapo lang ang meron ka, oy. Siguro narealize na ng babae na minalas siya sa'yo." parinig ko. Nilakasan ko 'yon para marinig ni Shaun, but he didn't say a word. Sinundan ko siya ng masamang tinging hanggang sa makalabas na siya at mawala sa paningin ko.
"He's unbelievable. Malaki ang problem ng lalaking 'yon." mahinang sabi ko. My thoughts were interrupted nang marinig ang usapan ng tatlong lalaki na kasama ko sa loob. Sumusulyap pa ito sa direksyon ko. I arched my eyebrows at them. Hindi ko ibinaba iyon hangga't hindi sila lumilingon.
Nakuha ko rin ang atensyon nila sa wakas matapos ang ilang segundo, "MAY SALTIK SA UTAK KAIBIGAN NIYO!" pasigaw na sabi ko para marinig talaga ni Shaun sa labas. Hindi nga ako nabigo dahil sumilip ang nilalang na dala-dala ang maitim na awra, "Anong sinisilip silip mo? Natamaan ka ba sa sinabi ko?" taas noo at matapang na tanong ko.
Umangat lang ang isang sulok ng labi niya na tila hindi na makapaghintay sa susunod nilalang gagawin. Napalunok ako ng laway at inilipat-lipat ang tingin sa mga kasama ko sa CR.
Anong binabalak niya?
Imbes na sagutin ang mga tanong ko, ibinaling niya ang tingin sa tatlong kasama at inutusan ang mga ito, "That annoying girl needs to learn her lesson. Do you what you have to do. Wag niyo pakawalan." he laid his cold gaze at me and smirked again bago niya kami talikuran. Domuble ang kaba ko sa napagtanto.
"A-Anong lesson? A-Anong gagawin niyo sa'kin?" kinakabahang tanong ko. Pumidpid ako at niyakap ang tuhod ko habang nakatuon ang mga mata sakanila. Alerto sa kung ano ang susunod nilang gagawin sa akin.
Nagsingisi lang ang dalawa at ang isa sa kanila ay naiiling pa na tila hindi sang-ayon sa mga binabalak nila. But he didn't say a word at tumingin lang sa akin at tipid na ngumiti. Am I in a big trouble?
Humakbang papalapit ang tatlo kaya hindi ko mapigilang mahintakutan. I couldn't ignore the possibility na hahalayin nila ako rito-gang rape!
"W-Wag kayo lalapit! Sisigaw ako!" pananakot ko sa kanila.
"Easy ka lang, cutie pie." sabi ng lalaki na nakaconverse na sapatos. Hindi ako kumibo, parang tuta ako na na trap sa isang sulok na takot na takot. Lumapit ang lalaking may blazer na nakasabit sa balikat at hinila palayo sa'kin ang lalaking naka converse.
"Wag mo nga siyang takutin."
"Hindi ko naman tinatakot si babe!"
"Excuse me. Don't babe me." mabilis na sabi ko. Tumihol ang kasama nila na nakabukas ang butones sa polo. Lumapit ito sa lalaking nasa harap ko at umakbay, "Ano nga ulit plano natin?" tanong nito.
"Plano? Mas magandang plano 'yong paalisin niyo nalang ako dito at sabihin niyo sa may saltik niyong kaibigan na kalimutan nalang ang nangyari. Move on rin pag may time!" suhestyon ko.
"Magandang plano nga 'yan." sang-ayon nong nakatanggal ang butones, "Pero hindi pa namin pweding gawin 'yan hangga't hindi pa natin nagagawa 'yon." makahulugang sabi ng naka converse. Napakunot noo ako.
"'Y-Yon?" tanong ko.
Lumapit ang naka converse at tumabi sa dalawang nasa harap ko. Lumingon siya sa mga kasama at nagsalita, "Hoy, 'yong pustahan natin ha." paalala nito sa mga kasama niya.
"P-Pustahan?" mas lalo akong nalito at kinabahan sa mga naririnig. Nagpalipat-lipat ang mga mata ko sakanila. Tumingin sila sa akin ng makahulugan.
Napalunok ako ng laway, "Gawin na ba natin?" wika ng naka tanggal ang butones. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang naprank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakbo ka...