Chapter 22
HINDI naman kalakihan ang sweldo ko sa café. Saktong-sakto lang talaga na pambayad doon sa kinain nila. Masama man ang loob ko, tinanggap ko nalang. Total, pambayad ko naman talaga sakanya ‘yon.
Kaso, nakakainis ‘yong part na naisahan niya ako at ‘yong part na hindi man lang ako nakakurot ng one thousand pesoses.
Nakadapa ako sa kama habang isinusulat ang mga halagang deducted na sa utang ko kay Shaun.
List:
20php
50php
100php
20,000php
1 phpYes, every peso counts. Napabuntong-hininga ako habang inililista ang bagong deduction, “Four thousand, three hundred seventy.” sambit ko habang isinusulat ang apat na numero.
On the brighter side, malaki ang nabawas sa utang ko today. Ayos na rin siguro ‘yon. Di bale na nga lang. Dinampot ko ang chocolate na ibinagay ni Glen kanina, binalatan ito, at kinain.
Hindi ko alam kung anong meron sa chocolate, pero masasabi ko talagang tama sila Lex at Nisha. Nahihimasmasan ako dahil sa lasa nito. Kumagat ulit ako, at napangiti. May bagong favorite na ako!
Lumapit ako sa laptop para i-search ang pangalan ng chocolate. Gusto ko malaman kung sa’n ‘to nabibili. Pwedi ko naman tanungin si Glen, pero wag nalang. Hindi kami bati.
Lahat ng kaibigan ni Shaun, hindi ko bati. Period.
Kagat kagat ko ang chocolate bar habang tinatype ang pangalan na nasa pakete nito. TO’AK.
Kinagatan ko ang chocolate habang hinihintay na lumabas ang resulta mula sa google. Saktong lulunukin ko na sana ang nginunguya ko nang biglang lumabas ang resulta—kasama ang presyo.
Jusmio!
Nasamid ako ng wala sa oras ng makita ang presyo nito. Tuloy, gusto ko isuka lahat ng nakain ko at muling buohin ang chocolate.
Kinusot ko ang mga mata ko para masiguro na hindi ako namamalikmata. Napasinghap ako nang makitang gano’n parin ang numero sa presyo nito.
“T—Twenty one thousand—GOLD BA ‘TO?!”
Nahiya naman ang bibig ko sa mamahaling chocolate na’to. Napasandal ako sa swivel chair, at tinitigan ng mabuti ang chocolate. Inilapit ko pa ito sa mga mata ko para tingnan kong may butil ng gold.
Brown lang naman. Walang kumikinang. Shuta, ba’t ang mahal nito?! Kung alam ko lang, sana pala di ko na ‘to kinain. Dapat pala, binenta ko nalang online para pambili ng cellphone. Hehehe.
——
I said to my self na titipirin ko ang chocolate, pero sad ‘to say, pinapipyestahan na ito ng mga bulate ko sa tiyan. In short, naubos ko na siya kagabi pa! Sarap kasi.
Gusto ko pa sana kaso naalala ko, purita pala ako. Hanggang barnuts lang budget ko.
Jowain ko nalang kaya si Glen para may unli-TO’AK ako? Palihim kong nilingon si Glen na kasalukuyang nagbabasa ng comics. He’s the gentler, kinder type ng grupo.
Habang nakalingon kay Glen, biglang may tumamang crumpled paper sa pisngi ko. Sinamaan ko ng tingin ang h1nayupak na siyang may gawa no’n.
“Inaano ka nanaman?”
“Get a grip on yourself. May fiancé na ‘yan.” he boredly said sabay subo ng familiar na chocolate.
Pero wala roon ang atensyon ko kundi nasa sinabi niyang may fiancé na si Glen. Inusog ko ang upuan ko, animo’y ready na para makipag chismisan.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang naprank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakbo ka...