Chapter 24
Third person's POV
FEW MINUTES BEFORE THE INCIDENT IN THE CR.
MAGKASUNOD na umakyat sa pangalawang palapag ng parking lot ng mall ang dalawang magagarang sasakyang; sakay ng GT-R sina Rob at Louie, at sakay naman ng itim na sportscar sina Shaun at Glen.
Unang nakahanap ng pwesto sina Shaun, samantalang sina Rob nama'y nagpaikot-ikot pa sa parking lot, naghahanap ng empty space. Sa kalagitnaan ng paglilibot, nakita nila ang isang familiar na babae.
"Look who's here." nakangising sabi ni Louie nang makilala kung sino ang babae, "Si Xen ba 'yan?" tanong ni Rob. Mabilis na inabot ni Louie ang busina ng sasakyan, at pinatunog ito para kunin ang atensyon ng dalaga.
Tumingin lang ito sa kanila saglit, nasilaw pa ito sa liwanag ng headlight nila. Pinatay iyon ni Rob pero huli na dahil nagpatuloy ito sa paglalakad.
Sa di kalayuan, tamang-tama na may kakaalis lang na sasakyan sa isang pwesto, "'Yon may bakante na. Kung sinuswerte ka nga naman. Malapit pa sa entrance."
"Nakikita ko."
"Bilis, dude. May freakin mammal na nakasunod. Baka maunahan tayo." atat na sabi ni Louie. May sasakyan rin kasi na nakasunod sa kanila na nag hahanap ng pwesto.
Inapakan ni Rob ang gasolinador nang mapansin na gustong mag overtake ng sasakyan na nasa likod. Malapit na sana sila sa bakanteng pwesto nang biglang may tumawid na lalaking naka hood. Muntik pa nilang itong masagasaan. Mabuti nalang, mabilis na naapakan ni Rob ang preno. Binuksan ni Louie ang bintana at galit na pinagsabihan ang lalaki, pero hindi man lang sila nito pinansin. Nakatuon ang mga mata nito sa kung saan. Tila may hinahanap o sinusundan. Halatang nagmamadali ito.
Sinundan ni Louie ng tingin ang pasuray-suray na lalaki. Sa hindi kalayuan, nahagip rin ng mga mata niya si Xena na pumasok sa CR.
Tuluyan ng nawala sa mga mata niya si Xen nang i-park na ni Rob ang kotse. Pagkalabas nila ng sasakyan, papalapit narin sakanila si Glen at Shaun na nakita rin ang nangyari.
"What the fck is wrong with that man?"
Nagkibit balikat lang si Rob dahil wala siyang alam, "Pagod na daw siya sa buhay niya. " pagbibiro ni Louie, "Pero seryoso, parang nakainom. Lasing ata." dagdag niya.
"Sa'n na sila?" pag iiba ng usapan ni Glen. Tinutukoy niya sina Lex, Nisha at Xen.
"Nasa Bibi Boutique raw." mabilis na sagot ni Rob, "Pero 'yong isa sa kanila, nakita namin kanina."
"Who?" tanong ni Shaun.
"Baby girl mo. Pumasok doon." nginuso ni Louie ang direksyon ng CR, at pilyong ngumisi, "Gusto mo sundan?"
Alam ng tatlo na may kakaiba sa kaibigan nila. Mas madali na nila itong nadadala sa mga wala sa planong galaan. Lalo na't kapag alam nito na makakasama nila ang babaeng parate nitong inaasar. Minsan nga, ito na ang nag-aaya. Idinadahilan nito na gusto niya lang pagbayarin si Xena sa kasalanan nito, pero sa tingin nila'y may mas malalim na atang dahilan si Shaun kung bakit niya ginagawa ito.
Hindi kaya natamaan na ito ng pana ni kupido?
"Gago, bibili lang daw siya ng panyo." may himig ng pang-aasar sabi ni Rob. Tumikhim si Shaun, "Let's go."
"Sabik ang aming binata-"
"Fck off, Delfin." sita ni Shaun kay Louie.
"Baka magvolunteer ka na kunin nalang ni kamatayan kapag natamaan ka ng kamao ng isang SY, dude." pabirong paalala ni Rob sa kaibigan habang abala sa pakikipagchat kay Lex.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Novela JuvenilWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang naprank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakbo ka...