17

2.3K 133 4
                                    

Chapter 17

DISMISSAL na sa wakas. Pakiramdam ko, ang haba-haba ng araw pag nasa classroom ako. Humihikab na naglalakad ako mag-isa ilang metro ang layo mula sa campus.  Buti nalang natakasan ko ang mga baliw na sobrang atat na atat na matapos ang klase namin.  Excited na raw sila sa mangyayari mamaya. 

Naku, wala akong oras na mag liwaliw. Gusto ko mag beauty sleep bago ang shift ko sa café, bahala kayo d’yan—charot.

Hihikab nanaman sana ako ngunit ito’y naudlot ng biglang may motor na pumaharurot.  Natanggay pa ata ang kaluluwa ko, pati puso ko huminto. Jusmio!   Muntik na ako ro’n!

Isang masamang tingin ang ipinukol ko sa lalaking driver ng motor na—aba! Nag U-turn pa pabalik—

Napatili ako mga very light—no! Malakas na tili talaga. Walang pasabi kasi itong humarurut papunta sa direksyon ko na animo’y gigil na gigil na sagasaan ako!

Mariin akong nakapikit, pinakiramdaman ang sarili.

“Nasa langit na ba ako?” tanong ko habang kinakapa ang sarili. Wala namang masakit?

Buhay pa ako!

Dumilat ako, at agad sinamaan ng tingin ang siraulong nanakot sa’kin. Nakahinto siya isang metro ang layo mula sa akin. L1ntik.

Aawayin ko na sana siya pero tila tinakasan ako ng lakas ng loob ng makita ang mukha sa ilalim ng itim na helmet!

“Shutang gala. T—Tinakasan na kita e!”  mangiyak ngiyak na bulong ko.

“Hop in.” ma otoridad  na utos ni Shaun. Oo, si Shaun lang naman ang nasa harapan ko. Iyak!

Dahil naguluhan, at na-mesmerized narin sa ‘magulo-ang-buhok-pero-gwapo-parin’ look ng kaharap ko, natulala ako at walang  nasabi.

How is he effortlessly doing that?!

Natauhan ako nang abutin niya ang noo ko’t pinitik nanaman.

“ARAY KO—”

“Now.”

“Wait! Alam ko na may utang ako sa’yo pero may right naman siguro akong malaman kung sa’ng lupalop mo’ko dadalhin, at kung payag ba ako o hindi.”

He glanced at me, piercing me with his cold bored eyes.  “Kung papayag ako sa utos mo na HOP IN, dapat hindi lang piso ang worth of deduction.” dagdag ko.

“Will you shut, and just hop in?”

“Ang taray mo. Hindi ka nga nag please. Say please muna—”

“I said NOW!”

Napapitlag ako sa biglang pagtaas ng boses niya, at kusang kinuha ng kamay ko ang extra helmet na kanina niya pa inaabot sa akin.

“OO NA! Makasigaw naman 'to!” pasigaw na sagot ko. Agad ko isinuot ng helmet ngunit napahinto ako’t matamang pinagmasdan ang motor.

“Sa’n ako sasakay? ”

Matalim na tingin ang itinapon niya sakin. Mukang ubos na pasensya niya. Napalunok ako roon.

“Where do you think? Do you want to ride on top of me?” napasinghap naman ako sa sinabi niya.

Gusto ko sana sabihin na YES—charot lang.

“Ano ka sinuswerte?! Kabayo ka ba?”

Hindi nakatakas sa akin ang palihim na pagyukom ng kamao niya, “Sasakay ka o sasagasaan kita?” kalmado na may halong pang-gigigil na tanong niya.

“Murder ‘yon!”

“You’re annoying. ” bigla siyang bumaba ng motor. Hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa.

Nang Dahil sa Prank CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon