31

2.1K 121 24
                                    

Chapter 31

BUKOD sa atraso ko kay Shaun dahil sa prank call na ginawa ko, wala na akong naaalalang ibang tao na may kasalanan ako. Hindi ko talaga alam kung bakit ako hinahunting ng mga ‘to. Basta ang alam ko, kailangan ko ng tumakbo!

Pero shuta, epal ng gown na suot ko. Tatakbo na sana ako pero hindi natuloy dahil nadapa ako dahil sa parte ng gown na naapakan ko. Paniguradong mahuhuli nila ako kapag hindi pa ako tumayo rito.

Tatayo na sana ako nang makaramdam ako ng kirot sa paa ko. Mukang napasama ata ang pagkatumba ko. At ngayon pa talaga na nasa panganib ang buhay ko!

Tila bumagal ang oras habang nakatingin ako sa mga goons na papalapit sa akin. Hindi ko alam ang gagawin. Lupa bumukas ka at lamunin mo ako!

Pero mukang anghel ang nakarinig sa panalangin ko dahil naramdaman ko nalang na may mga kamay na nag-angat sa akin—‘yong karga na bridal style.

Wala akong oras na alamin kung sino ‘yon. Importante, makatakbo kami!

“DALI!” utos ko sa nilalang.

“Hold on tight.”

Humawak ako ng mabuti sa leeg niya kaya’t napadikit ako ng husto sa katawan niya. Hindi ako pweding magkamali. Alam ko kung kanino ang mabangong amoy na’to. Tumingala ako bahagya at tumitig sa gwapo niyang mukha.

Para akong lumilipad sa hangin na may oxygen, nitrogen, at uba pang gas elements sa periodic table habang karga karga niya ako. Sheeets.

He's so dreamy—

Napasigaw ako’t napakapit ng husto sa leeg niya nang bigla siyang tumalon sa kung saan. Muntik ko pa makalimutan na hinahabol pa pala kami!

Bango rin ng leeg kasi. Nakakadistract. Pa one bite, Shaun. Haha.

Pagsilip ko sa likuran, nanlaki ang mga mata ko nang makitang hindi parin kami tinatan tanan ng mga goons, at malapit na nila kaming maabutan.

“Maabutan na nila tayo!” natatarantang sabi ko.

“Magsitigil kayo!”

“HALER! AYAW NAMIN. WALANG TRAFFIC LIGHT!” sigaw na tugon ko sa mga ito. Napatingin sa akin si Shaun na tila nagpipigil ng tawa.

“Mga bw*sit. BILISAN NIYO! Habulin niyo!”

Hindi ko alam kung saan kami dumaan pero pansin ko’y tahimik ang paligid at wala kaming pweding pag hingan ng tulong.

Huminto kami saglit na ikinapagtaka ko. Tinadyakan lang pala ni Shaun ang limang malalaking blue barrel, at lahat ng ‘yon ay napunta sa mga humahabol sa amin. Napabagal ang pagsunod nila sa amin kaya nakahanap kami ng pagkakataong magtago.

Ngayon ko lang napagtanto na nasa labas na pala kami ng school. Hindi pamilyar ang lugar. Hindi ko alam na may ganito pala malapit sa school.

Lumiko kami sa may kanan kung saan kami pweding magtago. Ibinaba niya ako’t pinaupo sa bahaging hindi kami madaling makita. Nanlaki ang mga mata ko nang hubarin niya ang isang sapatos ko’t ibinato sa kabilang eskinita. Tumama ito sa mga bagay roon kaya naglikha ito ng tunog na nakapagpakuha sa atensyon ng mga humahabol sa amin.

“Ba’t mo binato—”

“Sssh.”

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang takpan niya ang bibig ko gamit ang kamay niya.

Sakto naman na dumaan ang mga goons pero imbes na sa iskinita na pinagtataguan namin tumungo, do’n sila dumaan sa kabila.

“We’ve lost them.” hingal na sabi niya. Naligaw na nga namin ang mga goons dahil sa sapatos na itinapon niya. Akala ng mga ‘yon, na nahulog ko ‘yon at doon kami dumaan.

Nang Dahil sa Prank CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon