14

2.3K 126 7
                                    

Chapter 14

LAHAT ata ng mata sa café nasa kanila. Malalaki o mababae. Kung sila titig na titig, kasalungat naman ang ginawa ko. Tumikhim ako, yumuko at pasimpleng uminom ng inumin ko.

“T—Tara na?” pabulong na aya ko sa mga baliw na katulad ng iba’y nakatingin sa apat. Kinalabit ko silang dalawa, “Araw araw niyo ‘yang nakikita sa school. Hindi ba kayo nag sasawa?” dagdag ko.

“Nope.” sabay nilang sagot. I rolled my eyes heavenwards.

Sa totoo lang, hindi naman talaga sila nakakasawa. I totally agree with the baliws. Kung wala lang talaga akong atraso kay Shaun, sinutsutan ko na ‘yan—nyaha!

“Hay,nakakaproud talaga na classmate natin sila.” nakapangalumbaba na sabi ni Lex na tila nag de-daydream.

“Mas nakakaproud kung magkakatuloyan si Xena at Shaun. Ship ko sila.” dagdag naman ni Nisha kaya nasamid ako sa iniinom ko.

“Hoy,manahimik ka nga! Bibig neto.” sita ko sakanya.

Humagikhik si Nisha na parang timang. At dahil medyo may kalakasan ang tawa niya,  nakuha niya ang atensyon ng mga h1nayupak kaya napamura ako sa isip. Shuta. Shuta. Escape plan. Escape plan!

Napapigil hininga ako ng makitang nakatingin na sila sa amin. “Pusang gala. Buset ka talaga Nish.” bulong ko.

Patay malisyang humigop ako sa inumin at tumingin sa kabilang direksyon. Kunwari, hindi ko sila napansin. Nilinis-linis ko nalang din ang kuko ko pero deep inside, gusto ko na mag fly away. Kitang kita ko kasi sa peripheral vision ko na papalapit na sila sa table namin!

“Oy. Zupp girls. Having a good time?” kumaway kaway na sabi ni Rob na papalapit samin. “Oo, kanina goodtime ngayon, hindi na!” mahinang sabi ko na hindi naman nila narinig. Hindi ko parin sila tinitingnan.

Umakbay si Louie kay Rob at bumati rin sa amin. Palihim akong sumilip kung para e check kung kasama ba nila si Shaun. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang nasa counter siya kasama si Glen.

“Hanap mo si Shaun?” halatang nang-aasar na tanong ni Louie. Tinaasan ko siya ng kilay at kasabay naman no’n, kinindatan niya ako. Napaka.

Muli kong sinulyapan ng palihim sina Glen at Shaun na abala sa pag-oorder sa counter. Hindi ko maiwasang mapangiwi ng makita ang reaksyon ng babaeng barista sa counter—wait? Ano namang pake ko.

Pero ‘yong laway talaga ni ate. Jusmio, nagpasad na.

“Hi, Xen! Kumusta?” bati ni Rob sa akin, “Okay naman kanina pero dahil nandito ka, hindi na.” mataray na sagot ko.

Lakas ng loob kong magtaray.

Unti-unting nabura ang ngiti ni Rob at napatikhim. Palihim naman akong kinurot ni Lex sa hita at pinandilatan ng mata, “Ano kaba, baliw. Nagtatanong nag maayos si Rob.” bulong ni Lex.

Hindi ko pa napapatawad ang Rob na’to sa pag hatak niya sakin sa ground.

Hay, ayoko maalala.

“Pag pasensyahan niyo na. Gutom e.” sabi naman ni Nisha. I glared at her.

Naputol ang pagsusukatan namin ng tingin ni Nisha nang marinig ang tunog na tila inuusog na mesa—inuusog ni Louie ang isang table. Kumuha naman si Rob ng tatlong upuan. Aba. Aba!

“Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?”  walang prenong tanong ko na nakataas ang kilay.

“Share tables. Magkakilala naman tayo. We’re classmates. Hindi na tayo others sa isa’t-isa.” prenteng sagot ni Rob.

“Yeah, baliw. Chill ka lang.” sabi naman ni Lex na inaayos ang upuan na dinala ni Rob.

“Totoo, pero hindi tayo frie—” hindi ko na natapos ang sasabihin ng isubo sa akin ni Nisha ang malaking hiwa ng cake.

Nang Dahil sa Prank CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon