NAKALUHOD ako sa harap ng imahe ng holy family na wallpaper ko sa laptop. Idinowload ko ito no'ng araw na pinagbantaan ako ni Shaun. Simula noon, routine ko na ang taimtim na manalangin at humingi ng guidance sa may kapal. Kung makapagbanta kasi 'to si Shaun, akala mo kung sino! Hindi tuloy ako makatulog ng maayos.
Sinimulan ko na ang pagdarasal."Jesus, Mama Mary, Papa Joseph, nawa'y gabayan niyo po ako sa paglabas ko ng bahay. Ilayo niyo po ako sa mga masasamang elemento lalo na sa taong nagngangalang Shaun. Nawa'y matisod, mabagok at magka-amnesia siya, para makalimutan niya pangalan ko. Amen-ay, may pahabol pa po pala ako. Sana maraming pudding sa canteen ngayon. Amen ulit." nag sign of the cross ako at tumayo na mula sa pagkakaluhod.
Humarap ako sa salamin at sinuklay ang buhok ko, para magmukha akong tao sa first day of school. Muli kong naisip si Shaun. Kumusta na kaya 'yon? Pinahanap niya kaya talaga ako? He's suspiciously silent.
Tatlong araw na ang lumipas mula no'ng araw ng pagbabanta niya, pero wala akong napapansin na kahinahinala sa paligid ko. Tahimik ang cellphone ko dahil bi-nlock ko siya-siya lang nagpapaingay no'n. Hinanda ko na ang sarili ko sa posibilidad na makikitawag siya o makikitext sa iba para guluhin ako, ngunit wala akong narinig sakanya. Hindi ko nalang din pinalitan ang number ko.
Napagod na siguro siya o di kaya'y bati na sila ng girlfriend niya. Napangiti ako sa ideyang 'yon. Sana tama ang hinala ko. I shrugged my shoulders nonchalantly and continued brushing my hair.
Kahit nananahimik na siya, nag-aalala parin ako dahil alam n'ya ang full name ko. Pa'no kung mahanap niya talaga ako? Pa'no kung nasa tabi-tabi lang siya't naghihintay ng tyempo. Oh, my God. Baka bukas nasa facebook na ang beauty ko na duguan. Nabura ang mga ngiti ko sa naisip.
No, hindi ako pweding mamatay ng gano'n!
Kinatok ko ng tatlong beses ang ulo ko na hindi napapagod kaka-overthink. Umiling-iling ako para burahin ang mga naisip. Kung ano man ang rason ng pananahimik niya, sana'y magpatuloy 'yon. Isinilid ko sa bag ang isang taser na binili ko kahapon. Panangga kung sakaling umatake siya.
Nabawasan ang pangamba ko nang maalalang mali ang spelling ng Xenica na alam niya.
"I am not Cenica, I am Xenica with an X Montel." taas noong sabi ko sa harap ng salamin, "Hindi lang ako ang nag iisang Xenica sa mundo. Goodluck nalang kamo sa pag hahanap niya." confident na sabi ko. Matapos kong maipungko ang buhok ko, isinukbit ko na ang backpack sa likod ko at lumabas na ng silid.
***
PAGKARATING ko sa school, hindi ko maitago ang matamis kong ngiti. Sino ba naman ang hindi ma e-excite sa first day of school? Another year for crush hunt!
Nakakalungkot isipin na huling taon ko na 'to sa Armani High. Senior year is real na talaga. Dahil huli na 'to, sisiguraduhin ko na magiging memorable ang taon ko.
I swiped my ID para makapasok sa gate ng campus. Nilakad ko ang pathway at iginala ang mata sa paligid. Napahinto ako sa naisip.Pa'no kung school mate ko pala si Shaun o di kaya'y ka-klase?
Kinatok ko ang ulo ko para sitahin ang utak na ayaw mag paawat kakaisip ng kung ano-ano. Stop thinking what-ifs, brain.
I took a deep breath, until sweet air extinguished the burn of worries in me. I got interrupted by the familiar voices shouting in a distance.
"BALIW!" tawag nila. Nagpalinga-linga ako sa paligid at hinanap sila. "Lumingon ka sa likod mo." utos nila. Sinunod ko 'yon at nakita ko na nga ang hinahanap ko. Itinaas ko ang kamay ko at kinawayan sina Lex at Nisha, na nakatayo sa tapat ng seniors building.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang naprank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakbo ka...