21

2.3K 130 10
                                    

Chapter 21

HINDI ako nag-iinarte, kinabahan lang talaga ako ng bonggang-bonga dahil sa sinabi niya. Nang malaman ko na sa kotse pala ako ng h1nayupak sasakay—as in kami lang dalawa, sumibat ako! 

Alam ko na hindi ako pasado sa standard ni Shaun pero kung maniac siya, for sure papatusin ako no’n. ‘Yong ideya na kami lang dalawa sa sasakyan, pakiramdam ko, mahahalay at mamumukbang ako ng wala sa oras.  Jusmio.

Mas maigi ng advance mag-isip, ‘di ba?  Kung ano-ano kasi mga sinasabi!

I wonder how you taste like...

I wonder how you taste like...

Nakakapanindig balahibo from head to toe. H1nayups with talapindas toppings talaga. Siguro kung matagal ko na siyang kakilala, iisipin ko talaga na na crush back na ako. Keleg!

Pero hindi nga gano’n. SADLIFE.

Bahala na ‘yong one thousand, ‘no.  Charot
‘Yong totoo, nasasayangan talaga ako sa money-money.

At isa pang totoo, hanggang ngayon nag-iinit pa rin ang mga pisngi ko dahil sa ginawa niyang marahan na paghawak sa ulo ko. Homaygad, what’s happening to me?

Sinampal-sampal ko ang mga pisngi ko habang pilit na itinatago ang kilig. ‘Yong gusto mo na tumili pero hindi pwedi dahil baka mapagkamalan kang baliw na nag lalakad sa kalye?

Ka stress sa lungs!

Napapitik naman ako ng daliri dahil sa kunting pag hihinayang. Tila nag-freeze ang utak ko kanina ‘nong sinabi niya ‘yon kaya hindi ako nakapag resbak ng maayos.

Sana pala ganito sinagot ko.

“Same to you. I’m also wondering how you taste like.” sabay kagat labi.

Hahahalipandot.

Pero, seryoso, hindi na siguro kailangan tanungin kung ano lasa niya dahil pisikal palang,  ulam na.  Ano ba ‘tong mga pinagsasabi ko. Kailangan na ata magpakalayo-layo para ayusin ang sarili ko.

Matapos ang ilang minutong paglalakad, sa wakas ay narating ko na ang café. Masiglang pumasok ako roon habang hawak hawak ko ang magkabilang strap ng backpack ko.  Sweldo ko kasi ngayon kaya happy kid.

Kukurutan ko lang ng mga one thousand, ipambibili ko ng cute yellow stuff toy na nakita ko no’ng nakaraan.  Bawi nalang ako sa pag-iipon next sweldo.

Papasok na sana ako sa locker area ng masalubong ko si Lindsay, waitress ng café,  na tila namimilipit sa sakit. Nakahawak ito sa tiyan niya’t nag mamadaling pumasok sa comfort room.

Kagaya ko’y nakapamewang, at naiiling na sinundan ng tingin ni Dexter si Lindsay.

“Sinabi ko sakanya na wag na kainin ‘yong macaroons. Ayan na ang resulta. Tsk. Tsk.” rinig kong sabi ng barista naming si Dexter.

“‘Yong inaamag?!” gulat kong tanong.  Tumango siya bilang tugon, “‘Di raw nakakamatay ang molds.” natatawang dagdag nito.

Napangiwi ako’t natawa narin ng mahina sa nalaman.  Lumingon siya sa’kin, “Mabuti’t napaaga ka.  Kailangan na kailangan ng extrang tao ngayon. Tiba-tiba tayo sa customers. ”

“Walang problema, master!” sabay salute ko.

Everything happens for a reason nga naman. Makakaextra pa ako ngayon!

----

INAYOS ko ang uniform ko. Nang mapagtantong presentable na ang itsura, lumabas na ako ng locker room. Sumalubong sa akin ang mga regular customers ng café na masayang nagkukwentuhan sa mga tables nila.  Pumwesto na ako sa bandang pinto para e-welcome ang mga papasok.

Nang Dahil sa Prank CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon