Chapter 27
HULING araw na ng Foundation day, at sa araw na'to, hindi ako ang gaganap na manananggal. Buti nalang pinag-day off nila ako dahil sa totoo lang, nagsisimula na akong malito kung tao ba ako o wakwak talaga.
Pupunta ako ng school ngayon para mag-enjoy sa event. Inilista ko na ang lahat ng mga gagawin, at pupuntahan ko para hindi ko talaga makalimutan.
Simpleng white t-shirt lang at black skinny jeans na pinaresan ng puting converse shoes lang ang isinuot ko. Tapos, kunting pulbo, at isang pahid ng liptint, gora na!
Simplehan lang natin. Wala naman tayong pinapagandahan. Wala nga ba?
Habang isinisintas ang kaliwang sapatos, tumunog ang messenger notif sa laptop. May nagchat.
📲HeartRob: babe, ready na? I'm on my way.
Napangiwi ako sa nabasa. Nakakapanibago lang na tinatawag na niyang 'babe' si Lex. Sa mga araw na nagdaan, hindi ko man lang napansin na may something na silang dalawa. Akala ko simpleng hatid sundo lang sa GT-R ang nangyayari 'as a friend'.
Masaya ako para sa kaibigan ko, pero respeto naman sana saming mga single. Simula kasi no'ng naging sila, sa group chat parating nag la-labing labing.
📲Pinakabaliw(Xena): Pwedi namang e PM diba?Respeto naman sa mga single.😒😑🙄
📲Lexi left the group: May nag breakfast ata ng ampalaya. Ang BITTER!😂🤣😂🤣
📲LouieGwapo: hi, babes @Xena 💕
📲Pinakabaliw(Xena): SEEN 🙄
May mabilis na mga kamay ang naglike sa isinend kong reply kay Louie. Walang iba kundi si Shaun. Napakunot noo ako, nagtataka kung bakit niya 'yon ni-like. Siguro napindot lang?
Papatayin ko na sana ang laptop nang may pumasok na mensahe. PM message na galing kay...
📲Shaun Joshua Sy: Where are you?
Hindi ko maiwasang mapangiti. Wala namang ka espesyal-espesyal sa tanong niya, pero iba talaga ang dating pag ang mensahe'y galing sakanya.
Puso ko'y nabuhayan.
Sasagutin ko sana ng... NASA PUSO MO💞😘
HAHAHarooooot!Pero, dahil na badtrip ako sa sunod niyang sinabi, nawalan na ako ng gana. Napaismid nalang ako, at sumandal sa upuan.
📲Shaun Joshua: May iuutos ako.
Nakapagpahinga nga ako sa pagiging manananggal pero itong isang 'to, wala atang planong bigyan ako ng day-off sa pagiging julalay niya.
Imbes na tugunan nag mensahe, pinatay ko ang laptop, at tumayo. Bahala siya sa buhay niya. Wala siya sa agenda ng araw ko kaya mangisay siya. Marami akong gagawin today, at wala akong oras sa mga utos niya.
Minsan talaga, hindi siya nakakatuwa. Akala ko pa naman, nag chat siya sa'kin para sabihin ang linyahan ni Rob na 'I'm on way. Sunduin kita'
Ano pa bang mapapala ko sa isang 'yon?
Gagawin ko ang lahat para hindi mag tagpo ang landas namin sa araw na'to!
----
NAPAMURA ako sa isip, at gusto kong habulin ang kakaalis lang na pinagbabaan kong jeep nang makita sina Glen, Louie at Shaun sa harap ng school gate. Anak ng—umaano sila d'yan?!
Kakasabi ko lang na gagawin ko ang lahat para iwasan sila, pero talagang inaasar ako ng tadhana.
Nagmamadaling nilakad ko ang daan papunta sa direksyon ng backgate para doon nalang sana dumaan, kaso hindi pa nga ako nakakalayo, may tumawag sa pangalan ko.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang naprank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakbo ka...